Chapter 2

24 2 0
                                    

Shakehands.

KASALUKUYAN kaming naglalakad patungong canteen at grabe naman talaga ang tibok ng aking puso. Hindi dahil sa kilig o ano kundi dahil sa kaba na hindi ko mapangalanan.

Mas nadagdagan pa yata ang aking kaba dahil sa presensya ni Kalmin. Kilala ko si MJ, kilalang-kilala. Hindi siya kinakatakutan dahil kasali siya sa mga grupo o tinatawag na frats ngunit dahil isa siyang hambog, ignorante, walang hiya na tao.

He came from a very wealthy family. Kapag hindi ka nito gusto, may paraan ito para mapaalis ka sa paningin niya. Kaya labis ang pagtataka ko sapagkat ganoon na lamang ang pagkasindak niya nang kausapin siya ni Kalmin.

Kilala niya ba si MJ? Ang pamilya nila? Sino ba siya? Shete.

Naputol lamang ang pagmumuni ko nang makita si Shystine na kumaway-kaway mula sa kanang bahagi ng canteen. Nakaupo ito sa pang-apatang lamesa at katabi ang kaniyang mahal.

Bakit nandito 'yan? May tsismis pa naman sana 'ko.

Binalingan ko si Kalmin at laking gulat na nakatingin na agad ito sa 'kin. Napaatras pa muna ako bago mag-salita. "E-Ehem, nandito na."

Ay? Deaf ka ba o bingi?

Hindi man lang ito kumurap. Nanatili itong nakatingin sa 'kin. Kaya naman, napagpasiyahan ko nalang na talikuran ito at dumeretso kay Shystine.

Is he nuts? Acting as if we were in a romantic movie then a guy would say, "You're gorgeous."? Hell no! Asa siya dahil hindi ko siya type.

Sino ba nagsabing type niya 'ko? Buang.

Nang makarating sa aming table, agad akong nakipagbeso kay Shystine at bahagyang pinalo sa braso si Rylle. "Famous kana ngayon, ah? Hindi ka namamansin eh,"

Napahimas naman ito sa kaniyang braso. "Sorry, 'di kita nakita eh. Naka focus lang kasi ako sa isa d'yan." Sabay tingin nito kay Shys.

"A-Ano ba, 'wag ka ngang timang!" nahihiyang ani naman ni Shys. Sus pakipot pa, kunwari 'di kinilig.

Napairap naman ako at umupo na sa kaharap na upuan ni Shys.

"So Miss President, ready ka na ba sa more stressful events?" Taas babang kilay na sambit ni Shys. Inaasar agad ako.

"Alam mo na agad ang chika ah? Since alam mo na, naiinis ako."

"At bakit naman miss pres?" nakangising anas nito.

"Nag-assign sila ng officer, at worst President, kahit alam naman nila na wala doon? Ano 'yon pilitan?"

Agad namang sumingit si Rylle. "Matalino ka Alv. Masipag din. Hindi na nakakapagtaka 'yon na ikaw talaga ang napili. And one more thing, simula n'ong i-nominate ka, wala nang may nagtangka na makipaglaban,"

"As if maniniwala naman ako sa 'yo,"

"Then don't. Basta ako, honest." nakangiting anas nito.

Pinakaayaw ko talaga sa lahat kapag may mga ganito. Last year I was nominated to be the Vice President and luckily hindi nanalo. But look, I am now the President. What a great karma.

Think about this, you'll be handling not one but three sections. Iba't ibang tao ang iisipin mo dahil sa stress. Ikaw ang mag-didisiplina sa tuwing may events.

Hindi nag-ssection ang school dahil madaming less genius or what, sadyang dito lang talaga napapadpad ang mga wealthy and famous people. Katulad ko na isang FBI agent ang ina.

Nagtaka ako dahil may malaking electricfan naman kanina sa 'king likod ngunit bakit parang may nakaharang? Bago pa man ako lumingon ay nagsalita na si Shys. Nakangiti pa ang buang.

"Hindi mo man lang ba pauupuin?" tanong nito at ininguso ang nasa aking likod. Naguguluhan man ay lumingon pa rin ako para lamang muling magulat.

"A-Ano nanaman ang kailangan mo?" I asked out of nowhere.

"Friends."

"Ano?"

"I said, I don't have any friends here." seryosong sambit ni Kalmin.

And so? Ano naman ngayon?

Huminga ako nang malalim, tumayo at hinarap siya. "At ang sabi mo, kailangan mo ng tulong pumunta sa canteen. Wala kang sinabi na kailangan mo ng kasama sa canteen,"

"But I don't have any friends."

Friends ba kami? Haaay!

I took a deep irritated breath.

"Sit down." sambit ko at agad naman itong umupo sa tabi ko. Gusto ko mang umalis, hindi ko magawa dahil apat lang naman ang mga upuan. 

And that's inappropriate!

Awkward.

Namayani ang ilang segundong katahimikan na binasag naman ni Rylle. Thankyou naman.

"Hindi pa ba kayo gutom? Ilang oras nalang o, ako na bibili." Prisinta nito at tumayo na.

"Alam mo na ang akin," nakangiting sambit ni Shys. Patay na patay.

"Yeah, isang pan roll at okinawa milktea. I got you. Kayo, Alv? And you?" Sabay tingin nito kay Kalmin. Napatingin naman ito at naglahad ng kamay kay Rylle.

Anyare dito? Bakit hindi nakipagkamay sa amin? Sa akin? Eh magkatabi lang naman kami? At nagkasama naman kami..

"I'm Kalmin. One egg sandwich and grape juice. Thanks." tipid naman na sagot nito.

"It's nice to meet you. I'm Rylle." sambit naman nito at nakipagkamay na. This is totally unfair— Eh bakit ba bigdeal Alv? Nakakahalata na 'ko sa'yo ha.

Tumingin naman ito kay Shystine at nakipagkamay rin.

Kapag hindi ito nakipagkamay sa'kin ay siguradong..

"Tamang-tama parehas pala kayo ni Alv eh. 'Yon din ba ang gusto mo Alv?"

"H-Ha? Hoy h-hindi ah! Bakit ko naman gugustuhin na makipag kamay— a-ano ba 'yon?" Nag-iba bigla ang tingin ni Shys. May mali ba sa nasabi ko?

"Ano raw ba ang gusto mo," biglang tanong naman ni Shys.

"W-Wala akong g-gusto 'no—"

"Alv, ang tinatanong niya, gusto mo din ba na ganoon ang order mo like Kalmin?" naniningkit na mata na tanong naman niya.

Shete naman Alvapriya Lovero, umayos ka nga. Ano ba ang sinasabi mo!

"Ah o-oo." nahihiyang anas ko kahit hindi ko naman alam kung ano 'yon.

At dahil sa kahihiyan napatayo ako at sumenyas na mag-ccr muna.

Kahiya naman. Damn it! Bakit ko ba 'yon nasabi? I need stapler ASAP! Kahiya talaga!

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon