ALVAPRIYA'S POV.
HALF DAY ngayong Lunes dahil sa gaganapin na elimination. Ngayon pipili ang SAIJI ng maswerteng estudyante na mapasali sa kanilang grupo.
Sa loob ng isang linggo'y siguradong may nakitaan na sila ng potensyal pagdating sa larangang Karate. Nakakatawa lang dahil ang kumalat na balita ay isang tao lang ang pipiliin nila.
'Mga buang.'
Nakaupo kami ngayon sa gym at may apat na malalaking mat na nakalatag sa gitna. Paniguradong doon gaganapin ang sinasabing elimination.
"Alam niyo ba kung paano sila pipili?" kinakabahan na tanong ni Ruke. Magkakatabi kami ngayon nina Shys, Rylle at siya.
"No one knows. Baka ipaperform lang nila ang bawat moves? Ewan." sambit ni Shys na seryosong nakatingin sa baba. Tumingin naman ako sa tinitignan niya at nasa isang binatilyo ang paningin niya. Oh, parehas silang nakatingin sa isa't isa.
Nakangiti ang lalaki samantalang seryosong-seryoso naman ang matalik kong kaibigan. "Who's that?" tanong ko na nakatingin pa rin doon sa binatilyo na ngayon ay kumakaway na.
"No one knows." iritang usal niya pa. "He's Isaac."
'No one knows tapos sinabi ang pangalan? Buang din 'to eh.'
"Bakit nakatingin sa 'yo 'yan?"
"Psh ewan ko. Hayaan mo siya. Naiirita ako sa pagmumukha niya."
"Talaga?"
"A-Ano'ng.. Talaga! Ikaw ah pinag-iisipan mo ba 'ko nang masama?!" inis pa na sambit niya at salubong ang mga kilay na tumingin sa 'kin.
Pinag-ekis ko naman ang aking mga kamay at umiling-iling. "Nagtataka lang ako okay? Defensive ka masiyado." natatawang tugon ko pa at inirapan niya naman ako.
Mayamaya pa'y tumayo na ang nag-iisang babae sa grupo. Nakasuot ito ng pulang karategi at may hawak itong mikropono.
"Good afternoon everyone. Today is the elimination day and based on my searches, some of you have spread fake news."
'What?'
Umugong ang mga nagtatanong, nagtataka, at naguguluhan na bulong nang mga estudyante. Tila hindi maintindihan ang nais niyang ipahiwatig.
"Oh well, sino ang nagsabi na iisang tao lang ang maaaring makasali? Funny but anyway, it is five. We'll be choosing five students." nakangiting aniya pa na nagpatili sa ibang mga estudyante.
"Sino nga naman kasi ang nagsabi na isa lang? Timang lang? Kaya nga buong highschool ang sinabihan eh, hay nako!" biglang usal ni Shys.
"Alam mo naman ang mga estudyante dito 'teh? Gagawin ang lahat kesyo peke, basta't sumikat lang!" nakangiwing ani naman ni Ruke.
Umiling na lamang ako at muling nakinig.
"Mula sa first hanggang third year, iisa lamang ang maaari naming tanggapin. At sa fourth year naman ay dalawa."
Agad namang nanlumo ang mga estudyante sa narinig. Sa dinami-rami ng estudyante'y siguradong sobrang inggit ang mararamdaman nila sa taong mapipili. 'Ayos na 'yon atleast, may knowledge na din sila if something bad happens.'
"Ewan ko nalang kung ganahan pa sila sa pagsali kapag nalaman 'yang sikreto nila." biglang bulong sa akin ni Shys. "Mukhang ipit na ipit ang dean oh tignan mo."
Tumingin naman ako sa entablado at seryosong-seryoso ang dean. Balisa ito at nakakunot ang kaniyang noo. Bagay na ngayon ko lamang nakita.
'Grabe sila, akala ko ba mayayaman na ang mga ito? Kaya siguro ganyan sila kayaman dahil matagal na nilang gawain 'yon?!'
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...