ALVAPRIYA'S POV.
HANGGANG sa makabalik sa classroom ay kasama ko sina Shys, Rylle and my classmate. Hindi na ito kumibo pa na siyang ipinagpasalamat ko naman.
Nakipagpaalaman na ako sa dalawa at inunahan na si Kalmin na makapasok sa classroom. Dumeretso ako sa upuan at nand'on na agad si Ruke.
"Hi," bati ko.
"H-Hello,"
Taka ko naman siyang tinignan at pansin kong pinagpapawisan siya. Nakahawak ang kanang kamay niya sa malaki niyang abaniko na marahang ipinapaypay sa sarili at ang isa naman ay nasa tiyan.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.
"Ang s-sakit ng tiyan ko 'teh," namimilipit na talagang aniya.
"Hala, gusto mo dalhin kita sa clinic?"
"Tara 'teh, jusko ang sakit talaga!" tatango-tangong usal niya. Namumula ito.
Sinamahan ko naman din agad ito at napapahinto pa kami sa tuwing tinutusok raw ang bandang puson niya.
"Ano ba ang nangyayari sa 'yo?"
"Inaatake na naman yata ako ng ulcer, my gosh,"
Mayamaya pa'y nakarating din kami at agad naman siyang pinahidan ng ointment ngunit hindi pa rin daw maialis ang sakit. Mas lumala pa nga raw yata.
"Umuwi ka muna kaya? Tapos magpacheck-up ka," suhestiyon ko.
"Alam mo namang bawal mag-absent ang bruhilda,"
"Sa ganiyang lagay mo makakafocus ka pa ba naman? Sige na, maiintindihan 'yan nila tito,"
Workaholic kasi talaga ang mga magulang ni Ruke. Palibhasa'y buisnessman ang ama. Hindi talaga pupwede na um-absent ang isa sa pamilya nila dahil aniya'y malingat ka lang saglit ay marami ka nang makakaligtaan na aral. Tama naman kasi talaga ngunit kahit ganoon ay hindi naman pinapabayaan ni Ruke ang pag-aaral. Ni ang gumala ay kailangan niya pang ipagpaalam.
Siya lang kasi ang tanging bumaliko sa pamilya nila. Ang kuya niya ay isang pulis. Ang nakababatang kapatid ay sumusunod din sa yapak ng kanilang panganay. Ngunit si Ruke, gusto nitong magfashion designer. Natural ay mas hinigpitan siya. Sisiguraduhin daw ng kaniyang ama na hindi siya mapapariwara. Gayunpaman, suportado pa rin ang buo niyang pamilya sa kung ano siya ngayon. Marahil ay wala namang bisyo ang anak.
"Uy girl salamat ah? Ipapakuha ko nalang sa kapatid ko 'yong gamit ko. Ang pangit pangit ko na jusko!" nakangiwing aniya pa.
Nginitian ko naman siya.
"Sige na, susunduin ka naman 'di ba?"
"Natural! Ikaw talaga Priya, ewan ko nalang kung maabutan mo pa ang prinsesa na humihinga kapag hindi sinundo, utak mo talaga!"
"Naninigurado lang 'no, sige pa check-up ka ah? Papasok na 'ko,"
"Salamat talaga ah? ingat ka 'teh,"
Nginitian ko lang ito at lumabas na ng clinic. Mayamaya pa'y nag-ring na ang bell hudyat na tapos na ang lunch.
Sakto naman ang pagpasok ko sa classroom nang pumasok din si Miss Vienna. Science ngayon at napahinto na lamang ako sa paglalakad nang mamataan si Kalmin sa upuan ni Ruke!
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...