Lola.
NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang paulit-ulit na vibrate ng cellphone ko. Tinignan ko ang tumatawag at agad itong sinagot.
"Hello Shys?" bungad ko't tumingin sa wall clock. 'Quarter to 10 na pala.'
Nagtaka pa 'ko nang marinig ang mumunting pag-singhot niya. "Hello? Are you okay? Umiiyak ka ba?"
"I-I'm okay.."
'Liar.'
"No you're not. Ano ang problema?"
Ilang segundo pa ang lumipas at nagsalita ito. "I t-think I saw h-him..."
"Sino? Sino ang nakita mo?"
"Rylle.."
"Ano? 'Di ba't magkasama naman kayo?"
"No no.. Hinatid niya na ako kaninang mga 6:30 sa bahay."
"Ano naman ang problema? Wait I don't undestand,"
Huminga pa muna nang malalim si Shys bago mag-salita. "W-wala na kasing pagkain si Yumiyo..." Yukoy nito sa kaniyang aso. "Pumunta ako do'n sa mall... pauwi na sana ako kaso may lalaki sa harap ko.. sigurado akong si Rylle 'yon Alv..."
'Ano naman ang problema?'
"Tinawag mo ba? At saka ano naman ang problema ro'n?"
"He's with another g-girl.." anito at narinig ko na ang pag-atungal niya.
Ilang minuto ko pang prinoseso ang huling sinabi nito. Is she serious? Sigurado ba siya sa nakita niya?
"S-Sigurado ka ba sa n-nakita mo? Siya ba talaga 'yon?"
"H-hindi rin ako sigurado pero malakas ang kutob ko Alv... Pagka-uwi ko ay tinanong ko siya kung nasaan siya.. Ang sabi niya nasa bahay daw nila,"
"B-baka namalikmata ka lang Shys..." Tumayo ako sa kama at in-on ang aircon.
"Sana nga Alv. Sana nga.."
'Hindi ko na alam ang sasabihin ko!'
"A-Ah Shys? Kung sakaling t-totoo man 'yung nakita mo, don't hesitate to approach me. I'll be your crying shoulder."
"I really do need a hug right now..."
Mas naaawa ako sa kaniya. Sigurado akong walang nakikinig sa kaniya sa bahay nila dahil parehong busy ang nga magulang nito. Ang dalawang kapatid niya naman ay masiyado pang bata para makinig sa mga problema niya at hindi naman komportable ro'n si Shys.
"Tomorrow, 'pag nagkita tayo. I will hug you ha? Matulog ka na muna sa ngayon. Hilingin mo na hindi totoo 'yung nakita mo, okay?"
"Thankyou so much Alv, thankyou."
"You're always welcome. Sige na ibaba mo na, kailangan mo'ng magpahinga." sambit ko at ilang segundo pa'y binaba niya na ang linya.
'Kapag nagkataon na totoo 'yung nakita ni Shys, babaliin ko talaga ang buto mo Rylle grrr!'
Nag-ayos na 'ko at lumabas ng kwarto. Mukhang tulog na ang mga tao kaya naman ay tahimik akong bumababa, dumeretso sa dining area at tinignan ang mga ulam. Mayroong tuyo, sinigang, menudo at rice. Mga paborito ko.
'Si nanang talaga. Hindi nakakalimutan na ihanda ang mga paborito ko tuwing first day of school.'
Habang kumakain ay bigla kong narinig ang pagsara ng pinto. Ilang minuto pa'y nakita kong palapit na sa gawi ko si Lola.
"Kain po." bati ko.
"Bakit ngayon ka lang gumising Iya?" aniya at umupo sa 'king tabi.
"Mag-gagabi na rin po kasi akong nakatulog, la. Napagod rin siguro."
"Magpupuyat ka nanaman mamaya niyan apo, 'di bale.. Aalis nga pala ako bukas,"
"Saan po ang punta niyo?"
"Uuwi muna ako hija, may sakit daw ang lolo mo."
Si lolo ang naiwan sa bahay nila lola sa probinsya, nandoon din ang iba ko pang mga pinsan at mga tito. Sinabihan na sila noon ni mommy na tumira na lamang dito dahil malaki naman ang bahay ngunit ayaw daw ni lolo sapagkat ayaw daw nitong iwan ang tahanan.
"Ganoon po ba? Sayang naman.." nalulungkot na ani ko.
Nagtaka naman si lola, "Bakit naman apo? Uuwi rin naman ako kapag magaling na ang iyong lolo, baka nga ay isama ko rin 'yon dito."
"Kung wala lang po kasi sanang pasok ay sasama ako, miss ko na rin po kasi sa probinsya,"
Nakangiti akong tinignan ni lola. "Ang ibang kabataan ngayon ay hindi magkamayaw sa syudad, samantalang ikaw apo ko ay hindi rin magkamayaw umuwi," natutuwang anas nito. "Sa tuwing nag-uusap kami ng aking mga kaibigan ay hindi raw kailanman nagustuhan ng kanilang apo ang kanilang probinsya, masyado raw kasing sinanay ng kanilang magulang ang mga ito sa kayamanan, kung kaya't hindi man lang ikinalulugod na bisitahin ang kanilang pinagmulan,"
'Wow ah? Kung sino man ang mga 'yon ay siguradong hindi sila mabubuhay ng matagal kapag nagkataon na maubos ang mga pera nila tsk tsk.'
"Hanga ako sa iyo apo, pinipili mo ang normal na pamumuhay kahit anumang oras ay pupwede mo namang makuha ang gusto mo, maayos ang pag-papalaki sa iyo ni Alice."
"Lola, si Nanang po at ikaw ang nag-palaki sa 'kin remember? 7 years old po ako nang magpa-ibang bansa si Mommy."
Bumuntong-hininga naman ito. Tapos na akong kumain, o kaya'y nawalan na siguro ng gana kaya naman ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan. Nakamasid lamang sa 'kin si lola at tila hinuhulaan ang nasa isip ko.
'Puro mga bawal at pagpapalayo lang sa ama ko ang laging tinuturo ni Mommy, sana naman ay alam mo 'yon lola. Pero kahit gan'on, kailangan ko pong maging malakas.'
"Galit ka ba sa iyong ina?" biglang tanong nito na siyang nagpatigil sa 'kin.
Hindi ako galit sa kaniya. I am mad for what she did and what she's doing. I am mad for not even knowing who my father is. I am mad for all the things that I want to do but can't do anything.
"Huwag kang magalit sa kaniya apo. Ginagawa niya lamang ang makabubuti sa iyo."
"Nakakabuti po ba sa'kin na hindi kilalanin ang tatay ko?" biglang tanong ko na siya namang nagpatigil kay lola.
Umiling-iling ito at bumuntong-hininga. May sasabihin pa sana ito ngunit pinigil niya naman. Lagi nalang ganito.
'Lahat sila ay kilala ang tatay ko, samantalang ako na anak... hay.'
"Sige po la, aakyat na po ako. Maaga pa po kasi ang pasok namin." nakatungong ani ko at tumalikod na.
Paakyat na 'ko nang marinig ko pa ulit ang boses ni Lola.
"Balang araw ay maiintindihan mo rin apo, kapag nalaman mo, sigurado akong magbabago ang pakikitungo mo sa lahat."
Hindi na ako lumingon at dere-deretsong pumasok sa aking kwarto. Hindi pa ako inaantok at kailangan ko munang magisip-isip.
Napagpasiyahan ko munang pumunta sa banyo at maligo. Pagkatapos ay nagsepilyo, at sumampa na sa 'king kama.
"Balang araw ay maiintindihan mo rin apo, kapag nalaman mo,
sigurado akong magbabago ang pakikitungo mo sa lahat.""Hihintayin ko po ang araw na 'yon. At kung sakaling magbago man ako, I have nothing to do with that. Kayo po ang naglagay sa 'kin dito."
'Ah nabuang ka nanaman.'

BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...