Miss President.
NAGMAMADALI kong ini-scan ang aking ID sa scanner at aligagang hinanap ang aming room. Nasa 3rd floor pa iyon at kailangan ko na talaga'ng makahabol. Alas otso ang first subject which is English at balita ko'y terror ang lecturer. Sakto namang napatingin ako sa aking relo.
"Shete, 8:06 na!"
Umakyat na ako sa hagdan at 'di nagtagal ay nakita ko na rin ang ika-apat na kulay beige na pintuan at may signboard na nakaukit ang "4TH YEAR." Inayos ko muna ang iilang hibla ng buhok na napunta na yata sa outer world at saka mahinhin na binuksan ang pinto ng aming classroom.
Biglang huminto ang aming guro sa pagkuda. Si Mister Stones. Ganoon na din ang buong klase. What a grand entrance.
What are you waiting for? Aren't you gonna say thankyou for being late? Tch.
"Goodmorning Sir, sorry I'm late."
"You're probably Miss Lovero, uhh right?"
"Y-Yes sir." naiilang ko na talagang sagot.
Now my anxiety's attacking me. I feel like something's wrong with my face.
"Why are you late?" seryoso namang tanong nito.
"I w-wasn't able to set my alarm—"
"Sit beside him." putol agad nito sa sasabihin ko. Strict nga.
Nilingon ko naman ang kaniyang tinuro. May isang pamilyar na lalaki na prenteng nakaupo habang nakahalukipkip. Medyo maputi, magulo ang buhok, mapupula ang manipis niyang labi, may katangusan ang ilong at nakapikit.
Lakas ng amats, new student tapos ano 'to, sleeping?
Nagkibit-balikat na lamang ako at umupo sa bakanteng upuan na nakapwesto sa kaniyang kaliwa. Mabilis kong nilabas mula sa aking bag ang itim kong binder, ballpen, at pastel green na highlighter.
"First day na first day ang dami na agad kokopyahin." bulong ko pa sa sarili.
Kung tutuusin ay mga schedule of classes lang naman at events this first sem ang mga nakasulat sa whiteboard, sadyang hindi lang ako sanay na pinipicturan ang mga ito. Nag-effort din naman kasi ang nagsulat.
"Uhh, by the way miss Lovero?" Tawag pansin sa akin ni sir. Nagtaka naman ako ngunit agad ding tumayo.
"Yes sir?"
"Since you were late, hindi mo naabutan ang nomination of officers for the whole batch. You were nominated to be the 4th year president for this school year and uhh, luckily you won. Please do well."
Patay. Ano'ng lucky doon?
Mabilis na lumipas ang oras at Math subject na. Puro pagpapakilala lamang ang nangyari at iniwan muna kami ni Miss Validarje dahil may kailangan pa daw muna itong tapusin. And here I am. My system isn't responding well due to the unsaid voting earlier.
Nalaman ko na din ang pangalan nitong katabi ko. He is Kalmin Eon I forgot his surname. Transfer student from Canada. At alam niyo kung bakit siya lumipat dito sa Coska Orleans International School? Hindi, bagaman hindi ko rin naman siya tinanong.
Makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang bell, hudyat na break time na. Niligpit ko na ang aking mga gamit at kinuha ang cellphone upang tawagan si Shystine Villamore. Ang bestfriend ko.
"Uy, nasaan ka?" masiglang sagot agad nito.
"Nandito palang ako sa classroom, nasaan ka? Bakit hindi ka daw pumasok? I've to tell you something," sambit ko habang palabas ng aming silid. "Late ka nanaman nang gising ano?"
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...