Chapter 21

14 1 0
                                    

ALVAPRIYA'S POV.

PAGKATAPOS kong mamangha ay tumingin na ako sa gitna ng buong room. Doon ay may nakalatag na malaking foam na hugis kahon na hindi ko alam ang tawag at nakaburda ang asul na bilog sa mat. May mga dragon din iyon sa gitna. Para itong yinyang munit imbes na itim at puti ay sadyang dalawang gold dragon na magkabaliktad ang naroon.

"I can't believe this..." mahinang usal ko at narinig ko naman ang bahagyang pagbungisngis niya.

"I thought you want to learn martial arts? Karate you said?" nakangiting aniya na nakatanaw din sa tinitignan ko.

"Yes!" agad na sagot ko. Hindi alam kung tama pa ba ang sinasabi.

"Balita ko ay may libreng pagtuturo daw doon sa COIS? Bakit hindi ka sumali?"

Bumuntong-hininga ako. Bumagsak ang mga balikat.

"Tulad po n'ong sinabi ko sa inyo. Hindi po ako pinayagan ni M-Mommy..."

"Oh is that so? Hindi ko naman alam na Karate pala 'yung bagay na gustong-gusto mo pero hindi mo makuha." nakangising aniya pa.

"Pero nasisiguro ko po sainyong, hindi magtatagal ang pagtuturo niyo sa 'kin. Kung magtuturo ka naman po talaga." nahihiyang tugon ko.

"And why is that?"

"Nalalaman po kasi ni mommy ang mga nangyayari sa buhay ko kahit nasa U.S siya." malungkot na pagtatapat ko pa.

"Bakit mo naman hinahayaan na malaman kung pwede mo namang pagtaguan?"

"Po?"

Huminga pa muna ito ng malalim at pumunta sa gitna. "This is my Trufacou." aniya na tumalon talon pa sa mababang ring.

"Trufa— what?" kunot-noong tanong ko pa.

'What the hell is that word?'

"Trufacou. Trust. Faith. And courage." nakangiting sabi niya na nagpamangha nanaman sa akin. "In this place, you will be learning to trust yourself. Well if you already did, that's good. But, that is not the point.

"Trusting yourself is hard. But trusting other people is way more harder. Do you get my point?" dagdag niya pa nang hindi ako sumagot.

"Y-Yes?"

"Tulad niyan. Nag-aanlinlangan ka pa." tumatawa na sabi niya pa.

"A-Ah I mean yes." nahihiyang usal ko. Bahagya pang nakayuko.

"Well faith. How well do you know faith? Do you know anything about faith?"

"Well uhm, I have faith in God."

Ngumiti ito at kumislap pa ang mga mata. "Brilliant. But aside from him, you need to have faith in everything. Ikaw lang din naman kasi ang tutulong sa sarili mo.

"Oh and courage. Kabaliktaran ng faith, hindi lang sarili ang kailangan mong tulungan. If someone beg for help, will you accept it?"

Nagulat naman ako sa tanong nito. "Of course I will."

'Only heartless people would reject that.'

"Good then. Hintayin muna natin si Ulap."

"Who is that?"

"Me."

Lumingon ako sa boses na nanggaling sa aking likuran at agad napalunok nang makita si Cloud. Wala itong saplot pangibabaw at bahagyang nakaladlad ang buhok nito. Ayaw ko man gawin ay kusang sumulyap ang makasalanan kong mga mata sa anim na pandesal niya. Napapikit ako at lumunok.

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon