Chapter 9

12 1 0
                                    

Shystine Villamore.

MAAGA akong pumasok sa school at agad pinuntahan si Alv ngunit pagdating ko sa kanilang classroom ay wala pa ito. Kaya naman ay tahimik akong bumalik sa aming classroom at pasalampak na naupo sa sariling upuan. Wala pa masiyadong tao kaya naman, napagpasiyahan kong tumawag nalang kay Rylle.

"Goodmorning," bati niya na siyang nagpangiti sa 'kin.

"Mm, morning. Kagigising mo lang ba?"

"Nag-aalmusal pa lang po, maya-maya ay nandiyan na rin ako."

"Ah sige, 'yon lang naman hehe,"

"Sige ah? Ibababa ko muna, para makarating na agad ako diyan." sambit nito at hindi na ako hinintay pang magsalita at saka pinutol ang linya.

Napapabuntong-hininga kong nilagay sa bulsa ang aking phone at nag-isip isip.

'He's acting really really weird these past few days...'

Pagkatapos n'ong araw na namalikmata akong nakita siya na may kasamang iba ay halos hindi na siya masiyadong nakikipagcommunicate sa 'kin. Hindi na rin kasi 'yon ang unang beses na nakita ko siya na may kasamang iba. Sigurado ako sa nakita ko at kagabi ko lang sinabi kay Alv dahil sumusobra na si Rylle. Hindi ko na rin alam ang paniniwalaan ko dahil bumabawi naman ito kapag nandito kami sa school at hindi ko naman na 'yon pinag-isipan pa namg masama.

'Mas ayos na 'yong bumabawi kaysa naman sa hindi.'

Magkakaiba kaming tatlo ng section dahil hindi naman kami sabay na nagpa-enroll. Gano'n kasi ang patakaran rito, kung sabay kayong nag-enroll ay malaki ang chansa na magiging magkaklase kayo.

Ilang oras pa ay nagsimula na din ang klase. Puro discussion lamang at activities ang aming ginawa. Medyo natagalan pa ang huli naming subject dahil may pinagalitang student ang aming lecturer. Hanggang sa dumating ang lunch break. Kanina ko pa hinihintay si Alv sa canteen at hindi man lang nito nasasagot ang mga tawag ko.

'Baka may nangyari na ro'n...'

Napagpasiyahan kong sunduin nalang siya ngunit sa hindi inaasahan ay biglang may bumunggo sa 'king balikat. Hindi ko alam kung sinadya o hindi, ngunit sa lakas niyon ay natumba ako. Hindi agad ako nakatayo at agad namang nagkumpulan ang mga estudyante sa gawi ko.

"Sorry." tinignan ko ang nagsalita at isang babae ito. Maputi, maiksi ang itim na buhok nito, at maganda. Ngunit halatang suplada.

Sa inis ko'y tumayo ako at hinarap siya. "'Yan na ba ang pinaka sincere?" sarkastikong ani ko.

"Paharang-harang ka kasi. Sa sobrang bulag mo ay hindi mo 'ko nakita." agad namang nagsipagugungan ang mga nakikiusyoso. Tila nagustuhan ang kaniyang sinabi. "Wala nga dapat akong ika-sorry eh." dagdag pa niya.

'Hindi kita uurungan bitch.'

"Sa ating dalawa ay mas bulag ka, sinadya mo 'kong banggain kaya hindi ko nakita, 'wag kang timang." Inismiran ko pa ito at lumapit. "Sino ka ba? Alam kong bagong estudyante ka at kung makapagsalita ka ay kilala mo na 'ko. Hmm, nakakapagtaka lang." ngumisi ako dahil bumakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat. ''Wag mo 'kong madaan-daan diyan sa pa bangga-bangga mo dahil lalabanan talaga kitang bitch ka.'

"E-Excuse me? Bakit ko naman kikilalanin ang isang tulad mo?"

Ngumisi ako at lumapit pa sa kaniya. Napaatras pa ito nang higpitan ko ang pagkawak ng braso niya. "You know what? You look familiar.." sambit ko at lumapit sa kaniyang tenga upang bumulong. "You look like my Rylle's favorite pet." binitawan ko ang kaniyang braso at muling humarap sa kaniya. "Snake."

Hindi ko na 'to hinayaan pang magsalita at agad siyang tinalikuran.

'Bitch ka talaga! Ngayon ay alam ko na!'

Nakita kong papalapit si Alv kaya naman ay lumapit na rin ako. "Alv!" nakangiting bati ko sakaniya. Mukhang bad mood ito. Hindi ko muna siguro sasabihin. "Bad mood ka yata?" natatawang ani ko.

"Talagang bad mood! Alam mo ba 'yong sinabi ko sab'yo kahapon? 'Yung kay MJ?"

Napaisip naman ako. "'Yung may nakahalikan siyang hipon?"

Natawa naman ito. "Exactly. At 'yung hipon na 'yon, harangin ba naman ako, sinama niya pa ang mga kapwa niya psh!"

"Hala? Ano'ng ginawa nila sa 'yo?"

"Gusto daw akong balikan ni MJ at ginagamit ko daw si Kalmin para pagselos-in ito. Napaka immature! Nandamay pa!"

Napanganga naman ako. 'Araw ba ngayon ng mga ahas at nagsisulputan?! Ang init na nga ng panahon ngayon pa naisipan lumabas tsh!'

"O? Ano naman ang ginawa mo?" sambit ko habang papasok kami ulit sa loob ng canteen. Wala na ang nagkukumpulang mga estudyante kanina at wala na rin ang babaeng 'yon. "Sinabunutan ka ba ha? Ano? Sabihin mo! Dapat sinabuntan mo din!"

"Buang, alam mo namang hindi ako nananakit." Mauna itong umupo at nangulumbaba. "Sinampal ko lang."

Sabay kaming napatingin sa isa't isa at napahagalpak ng tawa. "Seriously Alv? Ginawa mo 'yon? Ano ba 'yan, sayang hindi ko nakita!" dismayadong sambit ko ngunit nagtaka ako dahil bigla namang lumungkot ang hitsura nito. "Hala, m-may nasabi ba 'ko?"

"W-Wala ah, mabuti na nga 'yung wala ka do'n. Baka hindi lang sampal ang abutin niya." Tila maiiyak ma ito kaya naman ay agad akong lumapit para yakapin siya. "H-Huy ang korni mo ha, ako nga dapat ang yumakap sa 'yo eh!"

"Alv, ano ba ang nangyari?" tanong ko at ilang oras pa itong nagkwento. Nagugulat kong pinakikinggan ang mga sinasabi niya at labis-labis ang inis na nararamdaman ko sa hipon na 'yon.

'May puso pa ba ang isang 'yon? Ang lakas ng loob niya at saka teka????'

"P-Paano niya naman nasabi 'yun? I mean tungkol sa d-daddy mo, 'diba? Eh w-wala namang nakakaalam ng history mo. Kami lang naman ni Rylle."

Bununtong-hininga naman ito at umiling. "Hindi ko alam." ang tanging nasabi niya. Akala ko ay hindi na muli itong magsasalita ngunit akala ko lang 'yon. "Nang sabihin ni Kalmin 'yung apelyido niya.. Parang nagulat pa si hipon. Ang ipinagtataka ko lang, bakit siya magugulat? Wala namang kagulat-gulat ro'n."

"O-Oo nga 'no? Wait. Hindi kaya?"

"A-Ano?" kinakabahang tanong nito.

'Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko! Bakit ganito? Pakiramdam ko talaga magiging maghuhula ako in the near future, pero hala!'

"H-Hindi kaya Alv?"

"A-Ano nga!"

Tila naiinis ito kaya naman ay mas lalo akong nape-pressure. "Hindi rin ako sigurado Alv.."

"Ano ba kasi 'yon? Sabihin mo na,"

"Hindi kaya isa siyang ano, 'yung.."

Napabuntong-hininga naman ito. Sign na na-iinis na talaga. "Puro ka kasi bitin, para kang si bitin girl. Ano ba 'yon? Sabihin mo na kasi, ang dami mo pang arte!"

"Heto na!" huminga ako ng pagkalalim-lalim bago magsalita. "Hindi kaya isa siyang anak ng isang drug dealer at may illegal na ginagawa bukod sa pag da-drugs? Tapos 'yong ama ni hipon pala ay isa rin sa k-kanila?—"

"Ano ba 'yan! Mukha bang drug lord si Kalmin?!" inis na sambit nito.

Napanguso naman ako dahil tama nga naman siya. "Hindi siya mukhang drug lord. Baka drug prince—"

"Alam mo? Um-order ka na r'on at i-libre mo 'ko. Gutom lang 'yan Shys."

Ngumuso naman ako at nagmamartsang pumila. 'Hindi kaya drug queen? Psh timang!'

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon