ALVAPRIYA'S POV.
HINDI ako mapakali sa paparoo't parito. Hindi talaga ako mapakali.
'Hindi talaga huhuhu.'
Batid kong nasaktan ko ang damdamin ni Cloud kagabi dahil hindi ko na ito muling nakita. Natulala kasi ako sa cellphone ko at pag-angat ng tingin ay wala nang Cloud. Wala siya.
Pero kahit ganoon ay masaya pa rin ako. Inaamin kong gusto ko si Cloud. Gustong-gusto. At masaya ako dahil alam kong gusto niya rin ako.
'Pero ano itong suot mo ngayon? Balak mo talagang saktan si Cloud.'
Tinignan ko ang repleksyon sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng bistidang puti at pinares ko ang puting heels. Wala na akong ibang alahas bukod sa hikaw at relo. Hindi pwedeng walang relo. Hindi na rin ako nag-abala na mag lagay ng kung anu-anong kolorete sa mukha.
'Natural na ganda lang.'
Inayos kong mabuti ang buhok. Iniwan ko itong nakaladlad at inipitan ng isang simpleng clip.
"Pupunta ba talaga ako?" tanong ko kay Shys mula sa kabilang linya.
"Duh? Natural, pumunta ka! Kawawa naman 'yon kapag hindi mo sinipot 'no!"
"N-Natatakot kasi ako,"
"Ano naman ang ikinakatakot mo? Gusto mo rin siya hindi ba?"
Napakagat labi ako at tumango.
Oo gusto ko siya. Hindi na bilang crush. Sa tingin ko nga ay mahal ko na. Pumikit ako ng mariin at naramdaman ang bahagyang pag-init ng pisngi.
"Sige na nga! Pupunta ako."
"Tama lang at 5:40 na, ano? Aalis ka na ba o tutunganga lang?"
"Aalis na."
"Okay enjooooy!"
"Huy ah baka kasi umasa— ay? buang talaga. Pinatayan nanaman ako."
Umirap pa 'ko at muling pinasadahan nang tingin ang sarili. "Ganda ko talaga."
Nagpaalam na 'ko sakanila at wala si mommy sa bahay. May pinuntahan at hindi ko daw pwedeng alamin.
'Halos hindi naman kami makapag-bonding. Kahit dito, wala pa rin.'
"Saan naman ang punta mo hija?" tanong ni nanang na nagwawalis nang makalabas ako.
"D'yan lang po sa park." nakangiting usal ko.
"Aba e ang ganda mo naman yata?"
"Yes po nanang. Walang halong kemikal."
"Mag-ddate ba kayo n'ong nobyo mo? Sino nga ulit 'yon? Si Nayot?" nakangiwing usal niya at pinandilatan ko naman agad ito!
"Ewan ko sa 'yo nanang. Wala akong ka-date 'no. Sige na male-late na 'ko eh."
"Talaga lang ah? Hindi ko alam na may pasok ka pala sa park?" umiiling-iling na usal niya pa. Nginiwian ko naman ito at kumaway na.
Masaya kong tinahak ang daan patungong Blossom Park. Habang nagmumuni-muni ay may humarang sa 'kin na isang matabang ginang. Ang pinaka sikat na tsismosang neighbor sa buong village.
"Magandang hapon ho!" masiglang bati ko at tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Saan ang punta mo? May boyfriend ka na ba?"
'Paki mo.'
"Ah hindi ho, may importanteng pupuntahan lang."
"Aba talaga? Mga kabataan nga naman ngayon. Natututo na talagang lumayas sa bahay at makipag-tanan! Diyos ko! Nawa'y gabayan mo ang batang mga katulad niya!"
![](https://img.wattpad.com/cover/218767583-288-k46629.jpg)
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...