ALVAPRIYA'S POV.
"OH," mahinang usal ni Shys.
Hindi ako makatingin sa bandang kanan dahil isang peste lang ang makikita ko. Nagulat kami parehas ni Shys nang isama dito ni Rylle si Kalmin sa mismong table namin!
'Bakit ko pa kasi sinabi!'
Kanina kasi ay nag-text ako kay Shys tungkol sa pagaaya ni Kalmin na sumabay sa 'kin mag-lunch. Malamang, sa kadaldalan din nitong babaeng 'to ay nasabi at masasabi niya 'yon kay Rylle!
'Iniiwasan ko nga 'yong tao eh!'
Ayaw ko rin sanang malditahan si Kalmin ngunit ewan ko ba, nahihirapan din ako sa tuwing hindi ko nasasagot ang nakakainis na tanong niya.
Nanatili kaming lahat na tahimik at nagpapakiramdaman. Si Shys ay may nagtatanong na tingin sa nobyo. Titingin sa nobgo pagkatapos at titingin sa 'kin at mapapa "Oh,"
Si Rylle naman ay patay-malisya. Malamang ay pinapaulanan na siya nang mga tanong ni Shys, tulad ng "Timang ka ba talaga?"
At ang pesteng madaldal na hindi ko matimpla ay kasalukuyang tahimik. Hindi naman sa naninibago ako, pero ang buong akala ko ay bubungangaan niya ako. 'Walang hiya pa naman ang isang 'yan.'
And me. Naiilang, naiinis, nagtataka at walang magawa. Naiilang ako dahil alam kong tutuksuhin na naman ako nito mamaya ni Shys. Naiinis ako dahil ayaw kong kasabay ang lalaking 'to. At nagtataka kung bakit isinabay siya ni Rylle.
'Shete.'
At nang hindi kayanin ni Rylle, nagsalita din ito sa wakas. "Ah hehe, kasi walang kasabay may-lunch si Kalmin. Sinama ko na kasi, friends naman tayo 'diba?"
"Kayo lang," mahinang bulong ko na narinig pala nila.
"Alv?" nananaway na tugon ni Shys na inirapan pa 'ko. Tumingin ito kay Kalmin at ngumiti. "Welcome sa group ah? Echos, sige ilibre mo na kami,"
Pinandilatan ko naman siya! "Huy mahiya ka nga!" asik ko pa.
"Bakit ba? Ililibre mo naman kami 'di ba?" taas-babang kilay na aniya pa!
'Buang talaga kahit kailan!'
"Yeah sure, ano ba ang inyo?"
Agad naman nagsalita ang dalawa at heto ako, iniisip kung magpapalibre o bibili nalang ng sariling pagkain.
'Kung magpapalibre ako, baka akalain niya na magkaibigan na kami? Sa aming dalawa ay mas assuming ako pero, wala namang mawawala kung magpapalibre ako 'diba?'
"How about you Alv?" tanong niya bigla.
Tinignan ko ito nang matagal. At sa sobrang tagal niyon ay inirapan niya nanaman ako. 'Grr!'
"Wala! Kaya kong bumili mag-isa!" Pasigaw na sabi ko at nauna nang pumila.
"Hala ano'ng nangyari do'n?"
"I don't know, kamusta ang class baby?"
'Psh.'
Inis kong tinignan ang likod ng lalaking nasa harap ko. Naka dilaw na jacket ito at tila naramdaman niya naman ang titig ko.
"O-Oh Cloud." ani ko nang bigla siyang lumingon. Ngumiti pa siya muna nang tipid.
"Sa Saturday ah?" seryosong sabi niya.
"May ano?"
"Ian."
Nagtaka naman ako. 'May ano ba?'
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...