Chapter 5

17 1 0
                                    

Clip.

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako mapakali. Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Kalmin matapos niyang gumawa nang gano'ng eksena kanina.

"Pinapatawag ka sa office, sinabihan ka ba?" tanong ni Sir.

"I went there already and I'm really sorry for what happened." sinserong ani naman nito.

"Hay, mga kabataan talaga ngayon puros takaw gulo. O siya maupo ka na ro'n at sa susunod ka na lamang sumali dahil masiyado pang marami ang hindi pa pumapagitna."

Nagtaka naman si Kalmin at bumuntong-hininga na lamang. May isang babae na tila ini-explain ang aming activity kaya naman ay puro pag-tango lang ang isinagot nito.

"Alvapriya Lovero... Singing. Really? I'm excited." sambit ni Sir.

'Kung excited ka po ay kinakabahan naman ako.'

Dahan-dahan akong tumayo at pinagpag ang ilang dahon na dumikit sa aking palda. Hinugot ko sa aking bulsa ang cellphone ngunit lowbatt ito. 'Great.'

"Sir, my battery's dead.."

"That's not a problem. It's okay. Just sing anything like nobody's business."

Tumango na lamang ako at humarap sa aking mga kaklase. Bakas sa kanilang mukha ang paghihintay kaya naman ay nag-isip isip na ako ng maaari kong kantahin.

'Everything I wanted nalang siguro.'

Mas lalo lamang akong kinabahan dahil sa titig ni Kalmin. Para itong may inuungkat sa pagkatao ko at hindi talaga ako komportable ro'n. Nababaliwa na talaga ako.

'You can do it Alvapriya.'

I took a heavy, deep and long breath. Trying to ease my anxiety and started singing.

"I had a dream, I got everything I wanted. Not what you'd think. And if I'm being honest, it might've been a nightmare. To anyone who might care. Thought I could fly, so I stepped off the Golden, nobody cried. Nobody even noticed. I saw them standing right there, kinda thought they might care.~"

Pumikit ako upang mabawasan ang ilang. Ramdam ko pa rin kasi ang titig ni Kalmin. Tila ba'y tingin niya lang ang tangi kong kinaiilangan. Nakakatawa.

"I had a dream, I got everything I wanted. But when I wake up I see, you with me."

At sa pagkakataon na iminulat ko ang aking mga mata ay nagawa kong labanan ang nakakahipnotismong tingin nito.

"And you say, 'As long as I'm here, no one can hurt you.'
Don't wanna lie here, but you can learn to. If I could change, the way that you see yourself,
You wouldn't wonder why you're here,"

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon nito. Parang may linya akong nasabi na siyang naintindihan niya. Nakakatawa talaga.

"~They don't deserve you.~"

Natauhan lamang ako sa unti-unting hiyawan at palakpakan na nanggaling sa aking mga kaklase. Nilibot ko ang aking paningin at natutuwa ang puso sa nakikitang paghanga sa kanilang mga mukha.

"Ang ganda ng boses!"

"Nakakarelax 'kamo!"

"Grabe ano pa ba ang hindi niya kayang gawin? Napaka talented huhu!"

"Lalo lang yata akong nahuhulog."

Liningon ko ang nagsabi no'n at laking gulat nang makita si MJ. Nakaupo ito sa isang bench at kumakain ng tacos. 'Tapos na ang break time ah? Bakit hindi pa rin ito pumapasok?'

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon