VALERIAN'S POV.
"KILALA mo na ba siya? I told you she's pretty!" katamtaman lang na sigaw ni Clyde sa akin. Ang bago kong kaibigan.
"Maganda siya. But not my type."
"Weh?"
"Ikaw kaya ang weh-wehin ko? She's not my type but yeah, she's pretty."
Inalala ko pa ang hitsura ni Alice. Para itong nakakita ng multo nang makita ako.
"Ganoon na ba talaga ako kagwapo?" mahinang bulong ko pa sa sarili na narinig ni Clyde.
"Kung ikaw ang makakatuluyan niya, tanggap ko. Ayokong mapunta siya sa kapatid ko."
Agad namang nangunot ang aking noo. "Bakit?"
Nakita kong tumingin ito sa kurtina at tila may sinisilip doon. Nakitingin na rin ako nang mapagtantong wala itong sinisilip. Nag-iisip pala ito.
"She doesn't deserve Clay. He's too bossy and kind of crazy."
So I didn't wished nor hoped Alice to like me.
"Saan tayo kakain?" maligalig na tanong nito. Natuwa naman ako.
"Hindi ko rin alam. Kahit saan nalang?" natatawang usal ko na sinimangutan niya naman. Napakaligalig.
"Punta tayo sa bahay? Ipagluluto kita! Caldereta!"
Hindi na ako umangal pa at ipinakilala niya na ako sa kanilang tahanan bilang nobyo niya. Wala ng makahihigit pa sa tuwa ko nang maramdaman ang mainit na pagtanggap nila sa akin.
"I told you. They like you!"
"Gwapo ko kasi ano?" nagbibirong usal ko at uminit naman ang kaniyang pisngi dahil hinawakan niya ito at nagpigil ng ngiti. "Ang sarap ng luto mo."
"T-Talaga?" namamanghang aniya at tinanguan ko ito. "Buang ka ah? Bakit mo nga pala ako sinubuan kanina? Nakakahiya ang inasal mo!"
"Bawal ba?"
Ngumuso ito at nginitian ako. "Hindi."
Nang matapos ang nangyari mismo ng gabing iyon ay agad akong dumiretso sa Gintong Bulwagan. Nakangiti akong pumasok sa entrada at naabutan si Clay na nakikipag-ensayo kasama ang kaniyang kapatid. "Bro!"
Napatigil sila sa kanilang ginagawa at agad akong yinakap ni Clyde. "Kamusta?"
"Napakasaya ko!"
"Really? What happened?"
Hinubad ko ang polo at agad na nagsuot ng puting karateka. Hindi nakatakas sa paningin ko ang palihim na sulyap ni Clay sa aking leeg. Nginitian ko ito.
"Sa tingin ko ay pakakasalan ko na siya sa susunod na taon. Tama lang dahil kolehiyo naman na kami." napapakagat-labing usal ko at parehas namang nanlaki ang kanilang mga mata.
"What are you trying to say?" tanong ni Clyde.
Tumikhim ako at nginitian pa sila ng todo. Pinakita ko ang mga marka ng labi ni Alice sa aking leeg. "Mahal na mahal ko siya at mas lalo niya lang akong binabaliw. Nakakatuwang isipin na akin siya. Ako na siguro ang pinakamasayang lalaki sa mundo!"
"Masaya ako para sa iyo. Ano? Saan ba kayo ikakasal?" nakangiti munit seryosong tanong ni Clay. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung may nararamdaman pa ito kay Alice ngunit hindi ko na iyon inungkat pa. Masyado kong mahal si Alice para ikatakot na mawawala siya sa akin dahil alam kong mahal na mahal niya rin ako.
"I am so happy." nakangiting usal ni Alice sa akin. Liningon ko ito at napakaganda niya pa rin.
"Tapos na ang kasal natin bakit ang ganda mo pa rin?"
![](https://img.wattpad.com/cover/218767583-288-k46629.jpg)
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...