Chapter 38

4 2 0
                                        

ALVAPRIYA'S POV.

"OH? Saan ka galing? At saka hoy! Bakit ka basa?!" bungad sa 'kin ni Shys ngunit hindi ko siya pinansin. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit at nginitian sila nang tipid.

"Una na 'ko." tipid na ani ko at nagpamaunang lumabas. Alam kong nasa likod ko sila ngunit hindi sila sumusunod. Nagbuntong-hininga naman ako.

'I still don't get you Kalmin.'

Agad akong pumara ng taxi at dali-daling pumasok. "Lia's Village po."

Inihilig ko ang ulo sa bintana at tumulala sa malakas na ampyas ng ulan. Marami ang nangyari ngayong araw at hindi ko malunok lahat. Mula sa event hanggang sa pag-uusap namin ni Kalmin ay isa-isa ko 'yong binalikan. Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Ayaw mag-sink in. Hindi sa ayaw ko, pero alam kong hindi ko gusto. Mahirap intindihin pero kailangan kong umintindi. Kailangan kong maintindihan at 'wag magpadalos-dalos.

'Hindi ko pa nga nalalaman 'yung reason ni George kung bakit niya 'yon ginawa sa 'kin tapos magbibitiw-bitiw siya ng mga litanya na akala niya madaling intindihin? Feeling artista talaga ang buang eh.'

Natawa naman ako ng bahagya sa naisip at muling naalala ang kondisyon ng puso ko. Marahan kong hinawakan ang dibdib at normal pa rin naman ang tibok nito. Nakakatakot na maulit ang ganoon dahil alam kong malaki ang posibilidad na malagutan ako ng hininga. Sigurado ako.

'Parang paulit-ulit na binabangga ng truck sa sakit.'

Mayamaya pa'y payapa akong naka-uwi sa bahay. Sinalubong naman agad ako nila ng nag-tatanong na tingin at nag-tatanong talaga kung bakit ako basa.

"Akala ko ay kasama mo ang mga kaibigan mo? Bakit parang basa ka naman hija?" takang tanong ni Sir Ronillo na humihigop pa ng kape.

"Nauna na po ako. At saka miss ko na din ang magpaulan." sinikap kong gawing biro 'yon at hindi naman na-gets ni nanang.

"Abe e, bakit ka naman nagpaulan? Ikaw pa ba iyan?" nangangalaiting sigaw pa ni nanang.

"Hindi po ako ito." wala sa sariling usal ko at pasalampak na naupo sa silya.

"Aba e, sino ka naman?"

"Si Natoy."

"Ano?"

"Na mahal na mahal ka."

"Aba e, sino naman ang Natoy na 'yan at nagpaulan ka pa? Nobyo mo ba 'yon at hiniwalayan ka?!"

Ngumiwi naman ako at hindi na lang siya sinagot. "Sila lola po?"

"Nandoon sa kapitbahay, doon sila mag-hahapunan." aniya na pinupunasan ang ulo ko.

Tinanguan ko na lamang siya at umakyat na sa kwarto para maligo at mahimasmasan. Pinilit kong hindi ipasok sa sistema ang dalawang lalaki na nagpapagulo ng isip at ng damdamin ko ngayon. Ayaw kong isipin.

'Ayaw ko sa lahat.'

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Babangon na sana ako nang may maramdaman sa 'king noo. Kinapa ko 'yon at agad na nagtaka.

'Cool fever? Si lola talaga.'

Kinapa ko naman ang leeg at napangiwi nang maramdaman kung gaano kainit 'yon. Pwede nang mag-prito ng hotdog. Tumagilid ako at walang balak na bumangon, masama ang pakiramdam ko at sinisipon-sipon pa. 'Mag wo-walk out na din lang, hindi pa rason ang break up psh. Naulanan pa tuloy.'

Tinignan ko ang alarm clock at alas sais pa lang ng umaga. The sky was heavenly dark and still, the heavy rain won't stop from falling. It never fails to adore me.

"Apo? Gising ka na ba?"

Mula sa pagkakatingin sa bintana ay lumingon naman ako kay lola. Nakangiti ito at may hawak na bouquet! 'of what is that?'

"May nagpadala sa'yo apo. Ang sabi ni Perla ay si Natoy daw?" nakangiting aniya na tila tinutukso pa 'ko!

'Buang talaga si nanang! Joke lang 'yon e!'

"Kamusta ang lagay mo Iya?" usal niya nang hindi ako nakasagot at ipinatong ang dala sa drawer ko. "Hindi ka maistorbo sa pagtulog mo kagabi, pagod na pagod ka siguro."

Tumango naman ako. "Buwan ng wika po kasi tapos n-naulanan ako nang pauwi na."

"O, maayos naman na ba ang pakiramdam mo?"

"M-Medyo masakit lang po talaga ang ulo ko tapos mabigat."

"Ikaw talaga Iya oo. Nagtatawagan pa ba kayo ni Alice?"

"Opo naman. Kaso busy lang ako nitong nga nakaraan kaya hanggang update lang po kami sa isa't isa."

"Mabuti naman, o siya lulutuan nalang kita muna ng sopas pagkatapos ay ipapahatid ko sa 'yo dito." nakangiting aniya at ginantihan ko naman siya. Agad itong lumabas at nagbuntong-hininga naman ako.

Mayamaya pa'y agad akong bumangon at sinikap ma kunin ang bouquet of, "c-comic books?!" nagugulat na sambit ko pa!

'Sino naman ang nagbigay nito?!'

Isa-isa kong nilabas ang mga 'yon mula sa pagkakasalansan at namamangha sa bawat libro na makita. Masaya kong inamoy-amoy ang mga libro hanggang sa mapadpad ang mga kamay ko sa isang puting papel na maayos ang pagkakatupi. Binuklat ko 'yon at sinimulang basahin.

Hi there. Good morning. Am I too late? Of course not. Today is Saturday and I'm sure you have fever. Who's taking care of you? Have you eaten breakfast? Who's with you? Are they comforting you or something? I hope these books can make you feel better. Oh, I also bought you medicines. Please take them along with the vitamins. Am I creeping you out? Okay I'm sorry.

No I'm not sorry. How I wish to be with you. Heck why do I sounded like a creep? Who cares anyway? I hope this trying hard letter could make you a little bit happy. Just a little bit. For your information, I am not a fan of writing letters as well as poems but hey, because of you I tried and still trying. This is the third letter by the way. Hopefully won't mess this up.

Let me get straight to the point. I can't stop this stupid feelings of mine. I don't want to stop this either. I shouldn't be stopping this because the more I step back, the more I'm hurting. You're hurting me. Really. But I still like you anyway. Nobody cares. Yes Alvapriya. I like you and I can't help but make you feel that I really do have feelings for you. You're a disaster. A wild disaster indeed. What did you do to make me feel useless huh? I kinda feel anxious and unloved. That's because of you. The fact that you aren't inlove with me makes me wonder if I really do deserve to be here? To be alive? Heck you're not inlove with me. How am I supposed to live with that? Tell me how? And I will do everything just to call you mine. If it's not Alvapriya then who? Who will I like? Who will I love? Only when there is another Alvapriya Lovero. But how? There is none. You're one of a kind. You're unique. You're the one I like.

Please let me just love you. I'll protect you I promise. I'm always guarding you. You got my back. Please let me know that you love me too. I beg you.

-C

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon