SHYSTINE'S POV.
HINDI ako makapaniwala sa dami ng estudyante rito sa loob ng Gym. Halos hindi na kami magkasya at halos lahat ay nagrereklamo!
"Wrong decision 'te! Natutunaw ang beauty ko ditey!" ani Ruke na kaibigan ko rin.
"Taray maka beauty ah? Lapit ka nga dito sa 'kin? Patingin kung may beauty ka pa!" Lumapit pa 'ko nang bahagya at tatawa-tawa.
"Letse! 'Wag na! Feslak nalang pala, OMG! baka matunaw ang feslak ko ditey!" sarkastikong sambit niya naman.
Hindi ko akalain na marami pala talaga ang gustong matuto. Nakakalungkot lang dahil alam kong isa na ro'n si Alv. Sadyang, hays. Naaawa ako sakaniya.
'May matinding dahilan lang talaga siguro si Tita Alice kaya niya nagagawa 'to sakaniya.'
Mula first hanggang fourth year lang ang maaaring maka-join. At alam kong nagsisisi na ngayon ang mga guro. Sa dinamirami ng estudyante ng COIS bakit nila naisipan na buong highschool pa?! Psh!
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang may biglang kumalabit sa'kin. Lumingon ako. Si Rylle.
"Oh, I bought this. Alam kong wala kang dalang tubig." aniya at nilagay sa bag ko ang dalawang malamig na bottled water. Magsasalita na sana ako ngunit huminto din agad dahil kinuha nito ang sariling panyo mula sa kaniyang bulsa at dahan-dahang ipinunas sa mukha, noo't leeg ko! "Tsk. Bakit kasi hindi nagdadala ng pamunas! Alam mo na nga'ng.."
"Ano?!"
"Wala hehe. Love you."
Hindi ko siya pinansin at palihim na ngumiti. Hindi ko maiwasang kiligin kasi!
'Yiiiiiii! Timang!'
"Sweet." sambit n'ong isang binatilyo.
"I'm Isaac." ngiting-ngiti na dagdag niya pa at saka naglahad ng kamay sa 'kin. Taka ko 'yong tinignan. "Hi!" parang timang pa na bati niya.
Tinignan ko ang kamay niya pagkatapos ay ang mukha niya. Halos mapunit na ang labi niya sa kakangiti kaya naman, inis kong tinalikuran ito at pumila sa likod ni Ruke.
'I'm taken, sorry!'
Dinig ko pa ang usapan nila ni Rylle kaya naman ay lumingon ulit ako.
"Sorry, gano'n talaga ang isang 'yon hahaha!"
"Akala niya maganda siya?! Akala niya lang!"
"Bakit? Maganda naman 'diba?"
"At sino ang nagsabi sa 'yo?!"
"Ako. Alam mo ba? Ang kulit kulit mo! Para kang kitikiti! Ano'ng oras na oh? 'Di pa ba kayo magsisimula?"
"Hindi pa. Ewan ko kay Ate Kelsie. Parang may hinahanap pa eh, pero 'wag mong i-change topic! Nasaan ba ang girlfriend na sinasabi mo?"
Daldal niya! Kitikiti nga!
"'Yung kinausap mo kanina. Siya ang girlfriend ko." nakangiti munit seryosong sambit ni Rylle na siyang nagpakilig nanaman sa 'kin. Haaays! Ang sarap pakinggan n'ong 'girlfriend'!
BINABASA MO ANG
Help Held Helped
RomanceShe's positive and contented. But something's missing, a part of her life was missing. Is it the 'Karate' thing that she always wanted since she was a kid? Or the fact that she haven't met her father? He's often childish and full of secrets. But som...