Chapter 50

4 1 0
                                    

ALVAPRIYA'S POV.

"PLEASE Clay enough!"

Nagulat ako sa lalaking sumigaw noon!

'Sino naman si Clay?'

"What happened to you? Sumosobra ka na! You even ruined other people's lives!"

"I didn't!"

"You crazy bastard!"

Nagtataka kong pinagmasdan ang mga ito. Napagtanto ko lang na si tito Clyde ang lalaking nakatayo sa harap nila! Na katabi ko lang mismo! Mas lalo ko namang isiniksik ang sarili sa likod ng speaker at doon nag-abang sa mga susunod na mangyayari.

"You know what happened Clyde."

"Yes! I do!" nangangalaiting sigaw pa ni tito Clyde at bahagyang lumapit sa kanila at sumampa sa mat. "This guy..." Turo niya kay Master. "You knew what happened."

"W-Wait... who are you?" takang tanong ni Master.

"I am Clyde. Cloud's father."

"Clyde?" takang sambit ni Master. Nang tumango ang huli ay napahawak ito bigla sa kaniyang sentido. "I-I think I h-heard that n-name before."

"I am—"

"Don't say it." mariing pigil ni daddy kay tito. Nagtitigan ang mga ito at tila nagbabanta naman agad si Daddy. Mas lalo akong naguluhan. "Don't you ever say it."

"You've caused too much Clay!" Agad na nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya itong Clay!

'Paano?'

"My son's fighting for his life! Don't you know that?"

"Serves him right."

Napahawak ako sa bibig nang sabihin iyon ni Daddy! Namilog ang aking mga mata at tila isa iyong sirang plaka na nagpaulit-ulit sa aking pandinig! At ang mas malala, nakakaasiwa ang tunog na iyon!

'Shit what's happening? Serves him what? Ha!'

Nanlalaki ang mga galit na mata ni Tito at walang pasabing dinaklot sa kwelyo si daddy at inilapit sa kaniyang mukha. "Ano'ng sabi mo?" mahina munit ramdam ang pagka-insulto. Pati ako ay hindi iyon naintindihan. "Ulitin mo ang sinabi mo!"

Naging matunog ang pag-ngisi ni daddy at para itong baliw na humalakhak! Nagsitayuan ang mga balahibo ko at agad na binalot nang takot! "I'm not like you. I don't easily give up."

"Wala kang kwentang kapatid." bulong pa na ani ni Tito. Nangunot ang noo ko. "You even changed your face. Baliw ka na Clay, baliw ka na!"

Para akong pinompyang sa narinig. Naghalu-halo ang mga emosyon at halos sumabog na naman ang utak sa bagong nalalaman! Kapatid siya ni tito Clyde. Ngunit paano? Walang nabanggit si Cloud na may kapatid ang kaniyang ama. Nagbago ng mukha? Hindi siya ganiyan dati? Hindi ko maintindihan.

"I gave up Alice!—"

"Hindi siya kailanman naging iyo. Nababaliw ka na ngang tunay."

Wala sa sarili akong napatayo at gulat na gulat na napatingin sa kanila. Walang lumingon sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa kanilang tatlo at nang mapatingin ako kay Master ay napatalon pa ako nang makitang nasa akin na agad ang paningin niya! Sumenyas ito na lumayo ako at wala sa sarili naman akong sumunod.

"Alice." mariing sambit ni Master at tila may kakaibang pakiramdam na naidulot iyon sa akin. "Alice Lovero. Is she my—"

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon