Chapter 12

7 1 0
                                        

ALVAPRIYA'S POV.

HALOS lumuwa ang aking mata sa nakikita. Rylle's asking Shys! May hawak itong puting tuwalya at may nakasulat ro'. na 'Will you be my girlfriend?' gamit ang, 'what the hell? Pinagtagpi-tagping shampoo sachet!'

"A-Anong trip 'yan?!" nasambit ko ngunit siyempre ay walang pumansin sa 'kin.

Nagsimula na namang magbulong-bulongan ang mga estudyante, ang ilan ay tumitili at ang iba naman ay dedma. Samantalang kaming dalawa ni Shys ay nakatayo at nakaharap kay Rylle.

Lumingon ako kay Shys at nakatakip ang dalawang kamay nito sa bibig at lumuluha. "P-Para naman kasing t-timang eh..."

Ngumiti si Rylle at lumapit kay Shys kaya naman mas lumakas ang tili ng mga nakikiusyoso. "I know, you've been waiting for this for a very long time. 2 years Shys, 2 years and this day is the third year when we fell inlove. June 13 at exactly 11:40."

"Oh my gosh..."

"I'm not sure if you can still remember but let's bring back the past. You were a transferre student back then. Everybody knows who I am, ofcourse because of my parents. But you caught my attention."

"Naaalala ko! Huhuhu!"

"Of all people, I wondered... Why you? Bakit ikaw kung pwede naman ang iba? Bakit ikaw na hindi ko pa naman masiyadong kilala?" Dahan-dahan itong lumapit. "You gave me something unconsciously haha. I opened the box at natulala. Ikaw? Binigyan ako ng towel and shampoo? Are you kidding?"

Natawa naman ang karamihan. Halos hindi na rin masiyadong kumakain ang iba dahil napunta na talaga ang atensiyon sa dalawa. "Ang sabi ko pa noon, lumapit ka sa 'kin para lang ibigay 'to? Eh kayang-kaya ko naman bumili nito. But natuwa ako sa sinabi mo. "I-I'm s-sorry... I-It w-was not my i-intention to g-give you t-that, n-nagulat lang ako kasi b-bigla akong natulak n-ni hindi ko k-kilala" funny hahaha! But yeah, binigay mo na sa 'kin bakit ko pa ibabalik? May outing pala kayo later that day."

"R-Rylle huhuhu.."

'Ano ba ang iniiyak-iyak nito? 'Di nalang kiligin! Sana all talaga.'

"Kasabay nang pagbigay mo no'n, ay siyang bigay din ng puso ko. And yeah, ikaw na. Ikaw na talaga ang gusto kong makasama. Hindi ko na 'to kailangan pahabain pa. I don't need to court you because those years, those freaking years. Sila ang saksi kung paano ko naipakita sa 'yo na mahalaga ka sa 'kin. Na importante ka sa 'kin. Na napamahal ka na talaga sa akin.

"And now, Shystine Villamore. Will you be my girlfriend?"

Halos mapatalon ang mga estudyante dahil sa sobrang saya at kilig! Isa na 'ko ro'n dahil kitang kita sa hitsura ni Rylle ang tuwa ngunit may kasamang kaba.

Lumingon naman ako kay Shys at animo'y isang bituin ang kaniyang mata dahil makikita mo ang kinang nito.

'I'm happy for you...'

"Y-Yes Rylle! Yes!" nakangiting sigaw niya at lumapit kay Rylle upang yakapin 'to. Halos marindi naman ako sa mga sigawan ng mga nakakakita. Nahagip ko pa ang ibang mga guro na nakangiti rin silang pinagmamasdan.

'Ngayon, wala na talaga kaming rason para mag hinala. Ito na ang matagal na hinihintay mo Shys, sana lang talaga ay maging maayos na ang lahat.'

SHYSTINE'S POV.

"I AM beyond happy.." bulong ko sa kaniya. "You don't know how much happiness you've planted in my heart. I love you Rylle."

"It's my pleasure to harvest them, I love you too Shys.."

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Kulang ang salitang saya sa bawat tibok ng puso ko. I didn't expect, didn't assume, that this will happen. I've got more reasons to trust this guy.

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon