Chapter 48

1 0 0
                                    

ALVAPRIYA'S POV.

WEEKS passed. Mas lalong pinalalayo ni Kalmin ang sarili niya sa akin. Hindi naman ako tutol r'on dahil alam kong mali. Alam naming dalawa na mali.

'Pero bakit ako pumayag na gawin namin 'yon?!'

Napapikit ako ng mariin nang maalala ang nangyari n'ong gabing iyon. Walang konsesnya na bumabagabag sa akin. Hindi ko lang maintindihan ang sarili kung bakit pakiramdam ko mali lahat.

'Hindi ko talaga matanggap.'

Kasalukuyan akong kumakain mag-isa sa canteen. Walang bakas ni Shys o kaya ay ni Rylle sa bawat sulok ng campus. Tinitext ko naman ang mga ito ngunit hindi yata nila nababasa. O baka ayaw lang basahin. O hindi talaga pinapansin. Hindi na ako nag-abala pa na tawagan ang mga ito dahil halata naman sa halata. Iniiwasan nila ako. Noong nakaraan pa lang nang ikwento ko sa kanila ang mga nangyari ay tila nanlamig na ang mga ito. Hindi ko maintindihan o baka napapraning lang ako.

'Last quarter na kasi. They're just busy.'

Ni hindi ko man lang namalayan ang pag-lipas ng mga araw. Pakiramdam ko'y kahapon lamang nagsimula ang klase. Ang pinagkaiba lang ay mag-isa ako ngayon. Hindi ko na nakikita pang pumapasok si Kalmin. Nag-aalala na ako dahil sa tuwing nasa mansyon ay bantay-sarado ako ng mga guards. Tanging kuwarto, kusina at sala lang ang maaari kong puntahan. Madalas din akong hatiran ng pagkain. Kaya mahirap para sa aking na puntahan siya. At alam kong ayaw niyang puntahan ko siya dahil hindi din naman ako nito pinupuntahan. O baka'y ayaw din ni daddy na lapitan ako ng kahit na sino.

Si Cloud ay nananatili sa ospital at wala pa ring malay. Ang mga magulang niya ang kasalukuyang nagbabantay rito at hindi na ako bumibisita pa. Parang isang malakas na ulan ang pag-balita nila na kailangan niya ng heart donor. Napakahina ng puso nito at kung hindi ako nagkakamali, kung wala silang makikitang donor ay mapipilitan silang patayin ang nagsisilbing makina na bumubuhay sa kaniya.

"I'm really sorry. We need to find his heart donor as soon as possible. Hindi maaaring mag-tagal ang bata rito at patuloy na lumalaban kung matatagalan pa sa paghahanap ng panibagong puso niya. I swear, we're doing our very best to save him." mariing pagpapaintindi n'ong doktor isang araw. Biglang humagulgol ang kaniyang mga magulang at naiwan kaming tulala.

Only him knows how difficult it is to be struggling there. How much painful it is for his parents? Too much. Too much that I cannot bear with this guilt.

'Sorry Cloud... I can't help but to put all the blame on me.'

Sa pagmumuni-muni ko ay nakita kong papasok si Shys at Rylle sa entrada ng canteen. Agad akong tumayo at nakuha agad ang atensyon ni Rylle. Nanlaki ang mga mata nito ang namilog ang bibig. Tila hindi inaasahan na makita ako.

"Huy wait!" mariing sigaw ko nang biglang hatakin ni Rylle palabas si Shys.

"Sandali lang!" Matulin akong tumakbo kahit ang puso ko'y nagsisimula na namang ipitin ng mga truck. "S-Sandali!"

Ngunit hindi ganoon kabilis tumakbo si Shys. Kahit hila-hila ito ni Rylle ay bumabagal din dahil natitisod ito. Agad ko silang naabutan sa field.

"A-Ano ba! Why are you guys avoiding me?" humahangos na tanong ko at bahagyang yumuko upang itukod ang dalawang kamay sa hita. "Why?"

Nag-iwas ng tingin si Shys habang ngumisi naman ang lalaki. "Please, 'wag mo na ulit kaming sundan."

"N-No!" pigil ko at humarang sa kanila nang akma na naman itong aalis. "M-May nagawa ba ako?" Palihim akong napahawak sa dibdib nang kumabog ito. Nagsisimula na naman.

'Please not now.'

Pumikit ako ng mariin at pilit na pinakakalma ang sarili. Nagulat sila nang bigla kong sinuntok-suntok ang dibdib. Dahil sa ganoong paraan ko lamg nararamdaman ang pagkamanhid nito.

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon