Chapter 10

12 1 0
                                    

Rylle Rellano.

ARAW ng Sabado at wala akong ibang inaalala maliban sa kung bakit hindi na lumalapit si Shys sa akin. Miyerkules pa n'ong huli kaming nag-usap at malamig pa masiyado ang pakikitungo niya sa'kin. Hanggang ngayon ay hindi nito sinasagot ang mga texts at tawag ko. Masiyado niya akong pinagaalala.

Flashback.

"Hey" nakangiting bati ko kina Shys at Alv na kasalukuyang nagla-lunch. "Bakit hindi ninyo ako tinext?" sambit ko at umupo sa tabi ni Shys. Tinignan ko ito at parang wala na ito sa mood.

Tumatawa naman 'to pagdating ko ah. Hays, dalaw niya siguro.

"Ay? Akala ko pa naman tinext ka na nitong soon-to-be girlfriend mo, ikaw naman dapat 'di ba Shys?" tanong naman nito sa kaibigan. Agad naman kaming nagtaka dahil nagkibit-balikat lamang ito at pinagpatuloy ang kaniyang pagkain.

"Nakalimutan niya siguro, 'di bale, o-order muna ako ro'n ah? Hintayin niyo 'ko." sambit ko at pumila na. Habang nakapila ay pasulyap-sulyap pa rin ako kay Shys. Kakaiba ang ikinikilos nito.

'Hintayin mo nalang, baka talaga bad mood siya.'

Nang matapos kong kunin ang mga in-order ay bumalik na 'ko. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang biglang tumayo si Shys at sabihing "Una na 'ko"

"Huh? 'Yon lang ang kinain mo Shys ah, kain ka pa alam kong gutom ka pa eh," ani Alv.

"No, busog na talaga ako Alv, at saka may kailangan pa 'kong bilhin sa mall eh—"

"S-Samahan na kita," sabi ko. "Mamaya nalang ako kakain pag balik—"

"Hindi na Rylle, dito ka na. Samahan mo si Alv." malamig na tugon nito. Ano ba ang nangyayari sa kaniya?

"H-hindi ayos l-lang talaga, sige na—"

"Hindi na nga Rylle."

"O-okay lang tara, wala ka pa namang k-kasam—"

"Ang kulit mo naman eh! Sabi ko dito ka lang!" biglang sigaw nito. Madami ang napalingon ngunit hindi ko na 'yon pinagkaabalahan pa.

Agad tumayo si Shys at sumunod naman ako sakaniya. "Pakibantay naman Alv oh? Susundan ko lang siya." Ngunit hindi ito sumagot at tumango nalang.

"Shys sandali naman," Mabilis ko itong naabutan dahil sa liit ng mga hakbang niya. "O-Okay ka lang ba?"

Natural ay hindi nito ako sinagot. Agad kaming nakarating sa parking lot at nang akma nitong bubuksan ang pinto ng kaniyang kotse ay saka ko na ito pinigilan.

"Kausapin mo nga 'ko Shys. Alam kong may problema." seryosong ani ko.

"Wala namang problema ah?"

Umiling ako. "Shys alam kong meron. May nagawa ba 'ko?"

"May nagawa ka ba para maging ganito ako sa 'yo?" nakangising tanong naman nito. Agad akong kinabahan.

"A-Ano ba ang kasalanan ko? Tell me para hindi ako magmukhang tanga dito."

"Wala ka namang kasalanan 'di ba? Kaya hindi ka naman niyan magmumukhang tanga."

Nagulat ako sa pagiging prangka nito. Hindi ito 'yung Shys na kilala ko. "H-hindi ka naman ganiyan ah?" bumuntong hininga ako't yumuko. "Ano ba kasi ang problema? Hindi ka ganiyan Shys.. Hindi ka ganiyan."

Tumingin pa muna ito sa kaniyang sarili. "Normal ko 'to Rylle." 'yon lamang at pumasok na ito sa kaniyang sasakyan. Wala akong nagawa. Napaatras pa 'ko nang bigla itong umatras Bigla niya ding binuksan ang kaniyang bintana at hindi ko na alam ang isasagot sa kaniyang sinabi.

Help Held HelpedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon