CHAPTER 5- Girlfriend?

9K 256 8
                                    

"Bakit naman? Pangit ba ang damit ko?" Tinignan niya lang ako tyaka siya dumiretso sa loob. Grabe porke mayaman. I sigh.

Ang ga-ganda ng mga damit sa loob. May mga formal meron ding hindi, may party dress pero ang ma-mahal. 5k sa isang tube top?! Sinong bibili ng gano'n ka mahal para lang sa tube?

Sinabayan ko nalang ito sa paglalakad, tinitignan niya ngayon ang mga girl suit, 'yong business attire. May mga kinukuha rin ito.

"Sir may I help you?" Tanong sa kanya no'ng sales lady.

"Yes, I want this, 5 of this." Ngiting ngiti 'yong babae sa kanya. Ikaw ba naman parang makakita ng anghel, talagang ngingiti ka 'no.

"For friends Sir or something?" Hello, hindi ba niya ako nakikita? hindi naman ako gaanong ka liit ah, pang model nga 'tong height ko.

"For me." Sabi ko, tinignan lang ako noong babae tyaka bumaling ulit ng tingin kay Symon.

"Sir?" Malambing na sabi niya. Ang landi naman ng isang to. Benta lang walang landian teh.

"Sabing pang akin eh." Inirapan niya lang ako.

"Don't assume, baka sa iba ibibigay." At talagang— pigilan niyo ko sasapakin ko 'to.

"She's not assuming Miss, talagang para sa kanya 'yan." Ngisihan ko ang babaeng malandi, inirapan ako nito at hinead to foot ako. Oh ano? maganda 'no? mas maganda sayo.

"Oh, i'm sorry Ma'am." At talagang idiniin pa ang ma'am, bakit custumer naman ako ah? kainis!

"Here, take this, sukatin mo." Binalingan ko ng tingin si Symon. Namula kaagad ako. Kung maka-asta ako, hindi naman ako girlfriend niya ah. Remember Portia yaya ka lang.

"Miss, please get what I've said kasi 'yong girlfriend ko nag-seselos na sa iyo." What the— Girlfriend? my god! pwedeng break mo na sa kilig? mahihimatay na ata ako nito.

Hindi talaga ako makatingin sa kanya sa subrang pagkahiya.

"Amh— yes, Sir." Kaagad nitong sinunod ang utos ni Sy. Napa-buntong hininga nalang ako.

Nang makalma ko ang sarili ko ay kinuha ko nalang ang mga damit sa kamay niya.

"S-sige, sukatin ko muna 'to." Binalingan ko ito ng tingin, naka-ngisi lang ito kaya naramdaman ko ulit ang pamumula ng mukha ko.

Sabing tama na sa pagpapa-kilig eh, kulit.

Isang sleeve red dress ang sinukat ko, hindi gaanong nag papakita ng balat— Ay mali, halos lahat pala hindi gaanong nag pa-pakita ng balat.

Pangit ba ang balat ko?

Lumabas kaagad ako no'ng natapos kung sukatin, hindi ako makatingin sa kanya, para saan? para mapahiya ko ulit ang sarili ko? nako 'wag na.

"Too much skin." Napa-tingin kaagad ako sa kanya. Anong too much skin, kita mong sleeve dress 'to tapos hangang tuhod pa too much ba 'yon?

"Hindi naman, pero ayaw ko sa style niya, ang init kasi." Tumango nalang siya. Kaagad akong pumili ulit ng ibang susukatin.

This time isang blue fitted dress naman.

"Eh kung ito? maganda, hindi gaanong mainit at magandang style." Umiling siya, anong problema sa damit na cto?

"I don't like it, too fitted."

"Ha?" Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko mula dibdib hanggang paa.

"Mhh, maganda naman ang form of body ko." Tinignan ko ang reaksiyon niya.

"Of course maganda, but for me, I don't like the dress. Go change it." Umiling siya at tumayo. Napa-nguso nalang ako.

"'Yong nagustuhan ko ang bilhin natin." Napa-simangot naman ako.

Masyado kayang mainit at parang balot na balot lahat ng binili niy, hello my body and style is like a model tapos gagawin niya akong parang house wife.

"Are you hungry? lets eat." Tumango nalang ako. Tama siya, gutom na nga ako, kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

Napa-isip tuloy ako, bakit ba ayaw niya sa mga gusto kong damit, pangit ba? or cheap masyado? siguro pareho, alam mo namang mayaman siya.

"Don't think too much." Napa-tingin naman ako sa kanya. Bakit palagi ata akong napapansin ng isang 'to, pati ata pag kurap ko alam niya. I sigh.

"Ano bang iniisip mo?" Of course

"Hey" Na-gulat ako ng bigla siyang humarap.

"Ikaw!!" Dapat sa isip ko lang 'yon sinabi eh, napa-facepalm tuloy ako.

Ang tanga mo talaga self.

A/N:
Wews, cheap nga ba at pangit ang dahilan kung bakit ayaw ni Symon sa mga damit na 'yon? Well 'di ko din alam HAHAHAHA basta go Ele, mag paka-tanga ka lang, makakatulong 'yan sa love story niyo.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now