CHAPTER 18- Kung Sana

6.7K 201 8
                                    

Hindi na muling nagsalita o kumibo si Symon.

Imposible naman din ang sinasabi ni Janine. Sino naman ang pagse-selosan niya? ay mali— Bakit siya magse-selos?

"Hoy, na pano ka ba, huh? kanina pa kita napapansin, palaging malalim ang iniisip mo." Usisa ni janine sa 'kin. Ikaw rin kanina ka pa, daldal ka ng daldal.  Naku Janine, ikaw ata ang dahilan kyng bakit walang kibo itong si Symon.  Hindi naman 'to gan'to kanina, minsan puro landi o masungit, ngayon subrang cold at hindi pa namamansin.

Hindi mawala wala sa isipan ko ang sinabi ni Janine kanina.

Boyfriend mo? Boyfriend?B-O-Y-F-R-I-E-N-D— fuck it. Tks! nakaka-inis. Hindi ako naiinis kay Janine, mas naiinis ako sa sarili ko.

"Kuya baka masakal mo si Ele sa kakaselos mo, you know? wala pang kayo, so please control yourself."

Anong nangyayari sa 'kin? Hindi ako ganito noon. I can't control myself from being territorial. Damn, yeah. You're being territorial... so territorial. Hindi ko naman siya pagmamay-ari.. hindi pa. Argh! I'm going nuts. What did you do to me, Portia?

Binitawan ko na lang ang binubuhat ko na paso at diri-diretsong naglakad pa-pasok sa mansion. I need water.

May narinig akong yapak sa likod, napansin ko agad na sinusundan ako ni Portia.

Ang mas nakaka-inis pa ay pangalan niya pa lang bumibilis na agad ang tibok ng puso ko. Nababakla na ba ako?

"Sabi ni Peter pan 'pag nag-isip ka ng masaya lilipad ka ba't noong inisip kita nahulog ako." Hindi ko namalayang nasabi ko na pala 'yon at the hell?! What did I even said?! Fuck, Peter pan really?

"H-huh?" Mabilis akong umiling dito nang mapansing nasalikuran ko pa rin pala siya.

Damn Symon, you're crazy.

"H-huh?" Ano raw? may sinabi ba siya?

"What are you doing here?" Kunot noong tanong niya sa 'kin. Naka-rating na kami sa kusina. Sinundan ko siya kanina nang mag walk out siya. 

"I just want to talk to you." 'Yon na lang ang sinabi ko. Oo, gusto ko siya kausapin, gustong gusto. Itatanong ko kung bakit siya ganiyan.

"Now talk."

"I'm talking now." Tumawa ako pero wala siya reaksyon. Awkward.

"What is it?" Bakit parang hindi ito ang kilala kong Symon noon?

"May problama ba?" Umiling iling siya at uminom lang ng tubig.

"Tell me... i'm just here, ready to listen." Umiling ulit siya, nilahad niya ang kaniyang bisig  Yakap? Yayakapin ko ba siya? p-pero... dahan dahan akong humakbang patungo sa kaniya. Nagulat na lang ako ng higitin niya ako palapit sa kaniya.

"I'm sorry baby, I cant control myself," nalito ako sa sinabi niya. Control? Bakit? "I'm really sorry." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa 'kin.

"Symon, bakit?" Madami akong gustong itanong pero 'yon lang ang nakayanan ko.  Kinalas niya ang pagyakap sa 'kin at tinignan ako sa mata. Dahan dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Isang dangkal na lang at muling magtatagpo ulit ang labi namin, pinikit ko na lang nang marahan ang mata ko. Isang mainit at malambot na bagay ang dumampi sa labi ko.

"I'm really sorry." Gumalaw ang labi niya, sinubukan kong gumaya ngunit humihinto siya kaya pinabayaan ko na lang siya. 

"I love you." Napa-singhap naman ako sa sinabi niya, kaya tumigil siya sa paghalik sa 'kin.

"B-baliw." Baliw talaga siya.

"Yeah, minsan ako minsan sa 'yo." Natulala ako sa sinabi niya at hindi siya mapaniwalang tinignan. 

"If loving you is a crime, then I'm guilty." Masuyo niyang sabi. A-angkinin niya sana ulit ang labi ko nang umatras ako. Dumaan ang sakit sa mata niya. Parang nasaktan siya sa ginawa kong pag-atras.

"Baliw ka na talaga Axel." Diin na diin ang pagkaka-sabi ko no'n. Umigting ang panga ko.

"Oh, yeah? i'm crazy." Umiling ako.

"Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nila 'to? na ang Symon Axel Santilian na tinitingala nila ay inlove sa mahirap pa sa dagang babae." Kumunot ang noo nito.

"Don't say that. Bakit? sila ba ang gusto ko?" May bahid na pagka-inis ang mga mata nito pero hindi ko 'yon pinasin. Dapat gumising siya sa katutuhanang hindi kami bagay at hinding hindi kami magiging bagay.

"You know and I know na mali ito." Umiling siyang muli.

"Hindi mo ako mahal." Period.

"Kung hindi ano 'tong nararamdam ko?!" Inis niyang sabi.

"A-ano.."

"Tks. Hindi ka makapag-salita? kaya anong karapatan mong kuwestiyonin ang nararamdam ko?!" bumuntong hininga ito at nag-iwas ng tingin, "Pag isipan mo, mag bibihis lang ako." Tumalikod na siya at hindi na lumingon. Naiwan naman akong tulala roon at hindi makapaniwala aa nangyari.

Hindi ba dapat matuwa ako dahil mahal niya rin ako? Nakakalito talagang mag mahal. Kung sana ay pantay ang katayuan namin edi sana naging madali ang lahat. Kung sana..

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now