CHAPTER 76- Super Model

3.1K 84 2
                                    

Tulala akong napatingin sa likod niya habang papaalis siya. Ano Ele gano'n gano'n na lang ba 'yon? Sinabihan ka niyang stupid, stupid ka ba Ele? 'di ba hindi?!

"HOY!" Malakas kong sigaw pero hindi manlang siya natinag o tumingin sa akin pabalik. Ay famous ka?

"Hoy, hindi ako stupid, no!" Malakas ko ulit na sigaw kaya halos lahat nang mga istudyandeng nandito sa hallway ay napatingin sa 'kin. Takte, nahihiya akong yumuko at nag peace sign na lang. Kasalanan 'to no'ng lalaki, eh. Napatingin ako sa gawi no'ng lalaki at napalingon na siya sa 'kin ngayon habang naka ngisi pa talaga.

Sa inis ko ay tinakbo ko siya pero ayon tumakbo rin siya ng mabilis. Gusto ko mang bilisan pero kahit anong bilis ko ay hindi ko siya maabutan, ang taas taas kasi noong binti, pareho talaga sila ni Sy kapag galit 'di ko na susundan. Napabuntong hininga ako. Kahit na pagod ay sinubukan ko paring sundan 'yong lalaki hanggang sa nakarating ako sa parking lot.

"Nasaan na 'yon?" Luminga linga ako at sinubukang tanawin pa rin 'yong likod ng lalaki. Itim 'yong suot niya 'di ba?

"Nasaan na ba kasi 'yon? tangkad tangkad no'n, eh kaya imposibleng hindi ko siya agad makita."

"Hanap mo 'ko stupida?" Malapit akong mapamura nang sumulpot na lang siya bigla sa harapan ko.

"Kabute ka ba, huh?!" Singhal ko rito, natawa lang siya sa akin saka siya ngumisi.

"Guwapong kabute, oo." Ay galing, may ganoon? gwapong kabute raw?

"Ah talaga ba? Saan naman kaya banda riyan sa mukha mo?" Mataray kong sabi rito.  Nagpanggap siyang nag iisip. Ang tanong, may isip ba siya?

"Hmm, sa mukha, sa katawan, saan pa ba? basta lahat ng nakikita mo sa 'kin guwapo." Ngisi ngisi niya at mukha pa talaga siyang proud sa sinabi niyang 'yon. Hindi manlang ba siya nahihiya?

"Kumain ka na ba?" Seryuso kong tanong dito.

"Luh, pa fall!" inismaran ko lang siya, "Yup why" Ngumiti siya sa akin.

"We? paramg hindi< eh uminom ka na lang ng kape para magising ka, nananaginip ka ata kasi." Ngisi kong sabi, nawala naman kaagad ang ngiti sa mukha niya at narinig ko pa ang pagmura niya.

"Oh, ano? pahiya ka, no?" Inirapan ko siya.

"Of course not." Mataray niya ring sabi.

"I'll go now. Good bye, see you again stupida." Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumakay sa sakyan niya at pinaadar na ito ng mabilis.

"Tangina talaga nitong lalaki na 'to, may pa habol pa talagang stupida." Bulong bulong ko sa sarili ko.

"Sabi ng hindi ako stupida, eh!" Malakas kong sabi pero huli na dahil malayo layo na ang sasakyan niya at imposible na ring marinig ako nito. Kaya inis na inis akong bumalik kanina sa puwesto kom

"Kainis 'to. Ako stupid? baka siya!" Napa-irap ako sa hangin kahit wala naman siya sa harapan ko.  Sa inis ko pa ay sinipa ko 'yong batong nakita ko at—

"Taena!" Gulat kong sabi nang na sapol 'yon sa papasok na kotse. Pinagmasdan ko 'yong kotse at ang gara no'n, patay talaga ako nito.

"What the fuck!" Galing sa kotse, tumingin ako sa lumabas doon— shit, ang pogi!

"Oh my— omg! Help! My baby!" Laglag ang panga ko sa malakas na tili niya. Bakla pala beh. Ang guwapong bakla naman nito.

"K-kuya? Amh, a-ate?" Tangek, ano bang itatawag ko sa kaniya?

"Call me Shane, darling." Sabay pasada niya mula ulo hanggang paa sa akin. Kikiligin sana ako sa darling kaso bakla, Shane beh, Shane 'yong name.

"Bagay na bagay." Pasada niya ulit sa katawan ko.

"P-po? ah, pasensya na po talaga kanina... k-kasi hmm.. h-hindi ko po sinasandya talaga." Utal utal kong sabi. Tumahimik nang sandali kaya napa-angat ang tingin ko sa kaniya, nakatingin lang siya sa 'kin nang may pagtataka sa mukha.

"S-shane?" Tawag ko sa pangalan niya.

"I'm sorry darling but I can't understand you, ba't na-uutal ka? na utal ka ba dahil sa kagandahan ko?" Sbay flip hair niya pa, nalaglag ulit ang panga ko dahil sa sinabi niya. Ano raw?

"Ano k-kasi.. nahihiya ako sa inyo." Yumuko ulit ako.

"Oh no, don't be darling, it's okay."

"Paano po 'yong sakyanan niyo?" Napa-angat ulit ang tingin ko, naka ngiti lang siya sa 'kin at tumingin sa sasakyan niya.

"Don't just call him sasakyan, that's my baby, you know?" Tumango tango naman ako at nahihiya ulit na ngumiti.

"Pasensiya na po talaga."

"it's okay darling, but I have a deal for you." Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Ano po yon?"

"Wanna be a super model?" H-huh?

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now