"Sy, dito na lang, alis ka na.." Pagtataboy ko sa kaniya, pero kunot noong sinulyapan niya lang ako.
"Tinataboy mo na naman ba ako?" Mabilis na umiling iling kaagad ako kahit totoo naman.
"Of course not. Kinakabahan lang ako, okay?"
"Because of what?" Nailang kaagad ako sa uri nang tingin niya aa akin.
"Basta." Nilibot ko ang tingin ko sa buong school at halos lahat nang tao ay naka-tingin na sa amin.
Gosh! Hindi naman sa takot ako, kinakabahan lang talaga ako. May-ari si Sy nitong school na pinapasokan ko, at baka sabihin nilang ginagamit ko si Sy para makapasok sa unibersidad na ito. Masira ko pa ang pangalan ni Sy, amp!
"Tks! tell me, what is it?" Bakit ang kulit nang isang 'to.
"We're here." Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa classroom.
Shit! tulala kasi ako habang naglalakad kami.
"You will explain when you get home, understand?" Natulala na lang ako pagkatapos niya akong halikan sa labi, at sa harap pa nang maraming tao.
Mababaliw na ata ako!
"O-okay." At talagang nautal pa talaga ako.
Akala ko hahalikan niya ulit ako dahil lumapit na naman ang mukha niya, pero hindi pala dahil inayos niya lang buhok ko. Ramdam kong namumula na ang mukha ko ngayon.
Another kahihiya moment na naman self, hindi ka ba nagsasawa?
"Hmm I want to kiss you more but this is public, maybe in next time in private?" 'Yon lang ang sinabi niya at umalis na siya sa harapan ko. Naiwan na naman akong tulala.
Oh god. Dahan dahan akong lumingon sa mga classmate ko at nadaanan ko nang tingin si Jare na bakas ang sakit at inis sa mata niya.
I'm really sorry, Jare.
"Grabe ang galimg mong mamingwit, 'yong may ari pa talaga ng school, bitch." Rinig na rinig ko ang mga bulong bulongan.
Sinasabi ko na ba, eh.
Ang tanong lang ngayon, eh saan ako uupo? Magkatabi kasi kami ni Jare, pero ngayon na galit siya ay baka ayaw niya akong katabi. Kaya ito ako ngayon, nakatayo lang ako all this time dahil ayaw rin ata ng iba kong kaklase na maka-tabi ako.
Tks. Problema na naman.
"Good morning, class." Nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni ma'am.
Putcha, saan na ako uupo ngayon?!
"Oh? Miss Del Gatilio? bakit nakatayo ka pa?" Mataray na tanong niya.
Argh! Kinamalas-malasan nga naman oh, siya pa naman 'yong pinakanakakatakot sa lahat nang teacher dito. Halos lahat nga, eh takot sa kaniya.
"Wala po kasing upuan." Tumaas ang kilay niya at mayamaya ay tumawa.
"Miss Del Gatilio, are you blind or something?" Namula kaagad ang pisngi ko.
"No miss." Nahihiya kong sagot at napayuko na lang sa kahihiyan.
"Then, sit."
"Sorry miss." Nahihiyang sabi ko at kaagad umupo sa tabi ni Jare.
"Bakit kasi hindi ka pa umupo." Mariing bulong ni Jare sa akin.
"Baka kasi galit ka pa." Nahihiyang bulong ko na lang dito.
"Tks." Pagkatapos no'n hindi na siya muling nagsalita o nilingon man lang ako.
Hours passed, at tapos na ang klase namin na pinagpapasalamat ko. Naka-uwi ng lang akong late dahil inasikaso ko pa ang mga chismosa at chismoso, tinambangan kasi nila ako noong break time. Nakakainis lang dahil binuhusan pa ako nang malamig na tubig. Subrang lamig non grabe. Mabuti nalang at girls scout ako at nagdala ako ng extra shirt.
"How's school?" Kaagad na bungad sa akin ni Symon at mabilis akong ginawaran ng matagalang halik sa labi. Hiningal ako ng tinapos niya 'yon.
"Okay lang." Nakagat ko ang labi ko nang subrang dilim ng tingin niya sa akin.
"Let's eat, I'm hungry." Tumango ako.
"Palit lang muna ako nang damit, ah?" Aakyat na sana ako nang pigilan niya ako.
"Huh?" Naiilang kong tanong nang mag-iba ang uri nang tingin niya sa akin.
"Iba ata ang damit mo, what happened?" Mahinang bulong niya at pinasadahan pa ako nang tingin mula ulo hanggang paa.
"Wala lang, subrang init kasi kanina." Shit, mabuti at hindi ako nautal, baka kapag nagkataon malaman niya pa.
"Okay, okay, I understand. Change faster, baby." Malambing niyang sabi, tumango ako at tumakbo na pataas.
YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...