"Now, let's go. let's have our baby time!" Namula agad ang mukha ko sa sinabi niya pero kaagad kong inayos ang ekspresyon ko at nagpanggap ng naiirita na sa kanya. Inirapan ko siya at nauna nang naglakad papuntang kotse.
"Can't wait to have our baby time, ha?" Nang-aasar na sabi niya. Tanging irap na lang ang ginawa ko. Hindi ko na siya pinansin hanggang sa makapasok ako sa kotse, sa tulong pa rin niya.
Naramdaman kong may sasabihin pa sana siya pero 'agad ko siyang inunahan.
"Just drive and please.. shut up." Naaasar kong sabi na ikinatawa nito. Nakangisi niya akong sinulyapan, napataas ang kilay ko nang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko hanggang sa hita ko at ngumisi ulit. Umirap na lang ako para ipakitang hindi ako naapektuhan.
Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan, napasinghap nalang ako ng maramdaman ang kamay niya sa hita ko.
Nagiging hobby niya na talaga ang paghawak sa hita ko. Hindi ko na lang ito pinansin at tinuon ang pansin sa labas ng sasakyan, pero napaismid 'agad ako ng maramdamang tinataas baba niya ang kamay niya roon.
What a pervert. Kambyo na naman ang idadahilan nito. Let's see then,
"Symon, your hand." Istrikta kong sabi, napalingon naman siya sa akin at nagpanggap na parang nagulat.
"Ops! sorry, akala ko-" I'm right.
"Akala mo kambyo? eh, ang layo lang naman ng kambyo sa hita ko. Don't fool me, you perv." Napahagalpak naman siya ng tawa sa sinabi ko, inikotan ko na lang ito ng mata ko.
"I'm sorry baby, it just that..." Kumapa pa siya ng sasabihin kaya hinintay ko siyang tapusin ito.
"it's just that I like touching that," he pointed my legs. Mas lalo akong nainis, ang ganda naman ng rason mo Sy.
"Oh, whatever." Hindi ko na siya pinansin pagkatapos niyang sabihin ang napaka-ganda niyang rason.
Naging tahimik ang biyahe namin papuntang unang ramp ko. Ang pagkatatanda ko, ang isusuot ko ay isang napaka-gandang gown at ako ang finale.
"We're here." Marahan niyang bulong sa tenga ko, nakatulog ata ako. Inimulat ko ang mata ko at kaagad bumungad sa akin ang nakangisi niyang mukha.
"Hulaan ko, naka-nakaw ka na naman ng halik." Hindi na ako nag-abalang pagtuonan ng pansin ang gulat niyang mukha at kaagad akong bumaba sa sasakyan at inilibot ang tingin. Hindi na rin ako nagulat ng sa maliit na oras ay nakabawi na siya sa pagkagulat at hawak-hawak na ako sa bewang.
"How did you know?" Nakangisi niyang tanong, tinaasan ko siya ng kilay.
"You always do that." I reasoned out, at hindi na muli siya pinansin. Inalalayan niya lang akong maglakad papasok pero napahinto kaming dalawa ng mag beep ang cellphone ko. Kaagad kong inilabas ang cellphone at tinignan iyon.
A message? and it's from Simon.
FROM: SIMON
Portia, are you with my twin? he turned off his cellphone. Pwede bang pakisabi na hinahanap daw siya talaga ni Mommy? he needs to sign a contract, this is a very important. Kindly tell him? thankyou.Napapikit ako ng mariin sa nabasa ko. Oh, god. Paano ko ba mapipilit itong si Symon?
"Symon," Marahan kong sabi, pilitin kong maging malambing baka kasi sa malambing na side ko siya mapapayag.
"Mhh, who's that?" Sabay turo niya sa cellphone ko na nasa kamay ko pa rin. Malambing akong ngumiti rito, nagtataka naman niya akong tinignan.
"Nothing, baby." Marahan kong sabi. Pinigil ko ang sariling mapairap dahil sa reaksyon niyang natutuwa sa tawag ko sa kanya.

YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...