CHAPTER 42- Masakit

4.3K 122 2
                                    

"Argh!" Nakakainis na talaga, ah bakit kasi ang tagal no'n? Baka nilandi pa no'ng hinayupak na 'yon! Nakakainis talaga! Nagseselos ako? Oo, selos na selos. Ang tagal naman kasing umuwi, may gagawin pa kami mamayang gabi, eh minsan na nga lang 'yon no. Dapat gabi namin 'yon gawin at malapit nang dumilim pero wala pa rin siya.

Anong kinaiinisan ko? Hinatid lang naman ni Sy 'yong malanding Pershen na 'yon sa hotel na pagmamay-ari nila- Natigilan ako at kaagad akong napa-tingin sa pinto kung saan kaharap ko lang ito, bigla kasi iyong tumunog. Naka-upo lang kasi ako sa sofa na malapit sa main door nitong mansion nila oaya rinig na rinig ko.

"Umuwi ka na pala?" Take note the sarcasm there, tks.

"H-huh? 'di ba sinabi ko naman sa 'yo na hinatid ko lang si Pershen?" Napa-irap naman ako roon.

"Bakit nagtagal kung gano'n? nilandi ka pa niya no? At mukhang pumayag ka pang landiin ah." Naiinis kong singhal sa kaniya.

"Akala ko ba mahal mo ko- mhhh.." Natigilan na lang ako sa pagsasalita nang may sumakop sa labi ko.

"The one and only way to stop your mouth is my lips baby." Nakangisi niyang sabi, ramdam ko agad ang pamumula ng pisngi ko. Napangiwi pa ako dahil subrang bilis ng tibok ng puso ko, as in subrang bilis. C'mon calm down heart, nilalandi ka lang niyan para maka-lusot.

"Tks, hindi mo ako mauutukan, baliw!" Inis kong sabi rito saka nag-pour.

"Stop that baby, you're tempting me to kiss you again."

"Sige, halikan mo ulit ako, babatukan kita. Punyeta ka ang landi mo!" Singhal ko ulit rito, natawa lang siya sa akin. Anong tinatawa nito? May nakakatawa ba sa sinasabi ko, huh?!

"Hoy hindi pa tayo tapos! bakit ang tagal niyo, huh?" Singhal ko ulit nang naglakad na siya papasok sa kusina.

Napatigil siya roon at lumingon sa akin, "Hmm, selos ka?" Seryuso siya roon, kitang kita sa mukha niya pero hindi ako bulag para hindi makitang nakangisi rin siya.

"Ako? magse-selos? sa inyong dalawa? hoy, excuse me lang, huh? hindi lang ikaw ang manliligaw ko, may Simon pa ako." Pagmamalaki ko rito, kaagad namang nagbago ang reaksyon nito. Umiigting ang panga at bakas ang galit sa mga mata.

Problema nito?

"Dont tell me you're jealous?"

"And so? What if I am?" Mapanghamon niya ring sabi,
ngumisi lang ako.

"Ano to guys? selos si Ele, nagseselos ka rin kuya? grabe na kayo, huh!" Sabay kaming napalingon kay Janine na bored na naka-upo sa dining area.

"Shut up Janine, we are talking here, 'wag ka ngang sumabat." Singhal ni Sy sa kapatid niya.

"Ele oh!" Mabilis na pagsusumbong nito sa akin.

"'Wag ka ngang ganyan sa kapatid mo!" Singhal ko rin kay Sy.

"Wow! kinakampihan mo siya? akala ko ba mahal mo ako." Inis na singhal naman nito, umawang lang ang labi ko.

"Sino may sabi?" Naka-ngisi kong sabi, ayon namula ang buong mukha.

"Boom sabog! Nabasted si kuya! Deserve! " Natatawang malakas na sigaw ni janine, namula lang din ako.

Shit, I can't take this anymore. Kaya kaagad akong tumakbo sa kuwarto ko.

"Hey! hindi pa tayo tapos, Portia!" Rinig kong sigaw ni Sy.

Noon ayaw niya ng maingay, ngayon siya naman ang maingay. People change, ika nga nila.

Mayamaya, "Ngayon na ba natin gagawin?" Desididong napatango naman ako.

Kasukuyan kaming nakahiga ngayong pareho sa kama niya.

"Pero mapapagod ka?" Halata sa mga mata nito ang pag-aalala para sa akin.

"Ako ang may gusto kaya bahala na kung mapagod ako, kagustuhan ko naman din no." Umiling iling siya na parang hindi pa rin sang-ayon.

"Are you really sure?" Tumayo na siya at naghanda na.

"Oo nga kasi!" Puno ng pananabik kong sabi. Noon ko pa kaya 'to pinagjand kaya sinong hindi maghahanda 'di ba?

Meanwhile, "A-aray t-tama na!"

"Hmm... you said you want this?"

"H-huh?" Hinihingal kong sabi pero ngumisi lang siya at pinagpatuloy.

"Argh! Ahhh"

"kaya mo pa ba?" Natatawa niyang tanong, nang-aasar pa eh.

"Ang bigat na!" Hinihingal kong sabi, at doon na siya nagsimulang mag-alala.

"Shit! itutuloy ko pa ba?" Nag-aalinlangan niyang tanong sa akin.

"Oh!" Hindi ko mapigilang mapaikot ang mata at mapadaing sa subrang bigat no'n

"Pinagod ba kita?" Marahan niyang tanong habang inaayos ang higaan ko.
Naka-dapa na ako habang nakahiga sa subrang pagod. Kakatapos lang din naman kasi namin kaya pagod talaga ako.

"Ang sakit pala no'n?"

"Tks, sinabi ko naman kasi sa 'yo na nakaka-pagod 'yon." Inis niyang singhal sa akin pero kita kita namang nag-aalala ito.

"May masakit ba sa 'yo?" Ang kaninang naiinis ay ngayo'y nag-aalala na naman. Sabi sa inyo, eh bipolar talaga 'to.

"Oo, sa dibdib, sa tiyan, sa hita, at 'yong ano ko..." Napadaing ako nang kumirot iyon.

"'Yong?" Nag-aalala niya paring tanong.

"Paa ko. Grabe ang sakit doon."

"Sinabi ko naman sa 'yo bukas na tayo mag-workout, eh."

"Eh, sa gusto ko sa gabi." Pagmamaktol ko pa, napa-iling iling lang ito sa akin at hindi ako makapaniwalang tinignan ako. I just pouted.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now