CHAPTER 105- Set You free

5K 90 5
                                    

"Doc, kamusta na po ang lagay ng chang ko?" Nag-alalang tanong ko habang nakahawak sa kamay ni chang Linda.

Kasalukuyan akong nasa hospital para bisitahin si chang at suwerte ko dahil hindi ko nakasalubong si chong dahil paniguradong hihingan na naman ako ng pera no'n.

"I can't say that she's in good condition."Kaagad akong napatingin kay Doc dahil sa sinabi niya

"Anong ibig niyong sabihin, Doc?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Ang dami ko ng nagawa, ang dami ko ng nabayaran, hindi pa ba sapat 'yon?

"Hindi na gumaganda ang kondisyon ng pasyente. Kung gusto mo ay ilalagay natin siya sa mas magandang ospital nang sa gano'n matugunan ang pangangailangan niya." Umarko ang kilay ko. Gano'n na lang ba 'yon? sa dami kong na bayadan hindi pala dito ang makakagamot ng sakit niya? lito man ay tumayo ako para mas maayos siyang makausap.

"Doc, hindi niyo naman po sinasabing suko na kayo sa kalagayan ng chang ko, hindi ba?" Nakahinga ako ng malalim ng umiling iling ito at ngumiti sa akin.

"Hindi sa gano'n, iha. Gusto ko siyang ilipat sa ibang ospital nang sa gano'n matugunan ng maayos ang kondisyon niya. Sa ngayon, kulang kami sa kagamitan, hindi sapat para sa chang mo. I suggest na sa ibang bansa mo siya ilipat." Hindi ko mapigilang manlambot ng tuhod. Ano!? sa ibang bansa, ni mahirapan na nga ako dito tapos ililipat pa sa ibang bansa?

"That's all for today, iha. Bumalik ka bukas at ibigay mo na ang sagot mo at tutulangan kitang malipat siya o hahayaan mo na lang siya dito. It's your choice."

Bumuntong hininga na lang ako habang iniisip ang sinabi ng doctor. Si chang ililipat sa ibang bansa? hindi ko ata kaya 'yon. Una, wala akong pera panglipat niya roon. Pangalawa, paano na si Sy dito? hindi naman pwedeng iiwan ko na lang siya basta-basta dahil alam kung hindi iyon papayag, baka nga sumama pa siya sa akin sa ibang bansa na hindi ko pwedeng payagang mangyari.

Bumuntong hininga ulit ako sa naiisip ko, hindi ko na mabilang kong pang ilang beses ko nang buntong hininga iyon.

"Ele, ano na? tapos ka na ba diyan?may meeting pa si Shane ngayon, kailangan niya nang bilisan." Kaagad akong napatingin sa harapan kong saan naroon ang secretary ni Shane at nagmamadali, nahihiyang nginitian ko siya.

"Sorry. Sige, ngayon ko na siya kakausapin." Huminga naman siya ng malalalim at inassist ako papasok sa office ni Shane .

Kasalukuyan akong nandito sa building ng moddeling. May pag-uusapan daw kami ni Shane tungkol sa isang event, kaya mabilis akong pumunta dito. Medyo pagod pa nga ako kasi nanggaling pa ako sa hospital.

Bumungad kaagad sa amin si Shane na abalang nag-titipa sa kanyang telepono. Kaagad itong napaangat ng tingin sa amin. Sininyasan niya agad ang secretary niya na iwan kami, nginitian ko si Shane na tina-tap ang upuan, tanda na umupo raw ako roon. Tumango ako at dahan dahang umupo roon. Nagulat ako ng tumikhim siya at seryuso niya akong tinignan.

What's with this meeting?

"Ano nga palang pag-uusapan natin?" Binasag ko na ang katahimakang namamagitan sa amin, seryuso niya lang kasi akong tinitignan.

"About our upcomming event," Seryuso niya paring sabi. Nagtataka man ay singot ko 'to ulit.

"Anong meron doon?" 'Taka kong tanong.

"That's event is the most emportant for you." Ha? importante sa akin?

"What do you mean?" Naging seryuso na din ako, tulad niya.

"This event, para talaga ito sa' yo. Kapag nagawa mo nang maayos, may kukuha sa 'yo para gawing super model." Umawang sa gulat ang labi ko. What?! it's that real?

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now