CHAPTER 8- Soon

8.3K 224 3
                                    

"May kamay ka n-naman ah?" Namumulang sabi ko, hindi ako maka-tingin sa kanya nang diritso. Umiling lang siya at inilayo ang mukha sa akin, tinitignan niya pa rin ang tuwalyang hawak ko.

"Tks," Humakbang siya paatras.

"Hindi ka na mag pupunas? basang basa ka pa naman." Umiling siya.

"Ayaw." Parang bata niyang sabi, napa-ngiti nalang ako. Ang cute cute niya talaga.

Marahan nalang itong umupo sa sun lounger, napa-singhap nalang ako.

"Oh sige na, ako na mag pupunas," Sa sinabi kong 'yon ay ngumisi siya.

Lumapit nalang ako sa kanya. Uupo na sana ako sa tabi niya nang hilahin niya ako pa-upo sa kandongan niya, napapiksi ako dahil nabasa ang damit ko.

"Mababasa ako." Namumulang sabi ko, ngumiti lang siya sa 'kin, walang pakialam sa sinabi ko.

"i'll buy you one again-" Namumungay na ang mata niya, "but if I were you I rather choose the second option." Uminit ang pisnge ko nong maalala ko ang pag-pipilian ko.

Napangisi ito nang mapansin ang pamumula ng pisnge ko, sa inis ko ay padabog kong inilagay ang towalya sa mukha niya.

"Aray naman. Mag lambing ka naman oh, ang amazona ng baby ko." Nakaka-inis na siya.

"First, hindi mo ako baby, yaya mo ako. Second, bakit naman ako mag lalambing sayo..." Ops- napasubra ata ako. Ang kaninang naka-ngisi ay binalot ng seryusong mukha.

"Not now but soon. Soon you will be my baby." Mahinang bulong niya, pinili ko nalang ang mag panggap na hindi ko siya narinig.

Maya maya ay marahan kong pinunasan ang panga niya, may tumutulo kasing butil ng tubig doon. He slighty titled his head to give me access on the side.

"Lower baby." Namula ako habang dahan dahang binaba ang kamay, Nasa leeg niya na ako, patuloy parin sa pag-daloy ang mga butil patungo sa batok hanggang sa burning abs niya. Naka-ngisi lang siya habang tinitignan ako sa ginagawa ko.

Ngayon ko lang napansin na kahit naka-upo ako sa hita niya ay hindi ko parin mapapantayan ang mukha niya. 'Yong height ko pang model kaso pag pinagtabi kaming dalawa ay nagiging maliit ako tignan-

RING RING!

"Damn, isturbo." Nahimigan ko ang pagkainis niya sa cellphone ko, kaagad nalang akong tumayo, napasinghap lang siya.

Siya nalang ngayon ang nag pupunas sa sarili niya. Hindi ko ito pinansin at chinek ko kaagad ang cellphone ko, nag text lang pala si Janine.

From: Janine
Hi, kamusta na kayo ni kuya diyan? hindi ba sinumpung? pinagalitan ka ba? ay mali hindi nga pala 'yon magagalit sa 'yo hehehe, but you still take care, padalosdalos 'yang si kuya. Good luck and see you soon.

Bakit may good luck? Matatanggap ko pang see you soon dahil mag kikita kami. Ito talagang si janine hirap intindihin.. same with her brother.

Hala anong lulutuin ko ngayon? Kung ako lang I want Gulay for to night. Nag cr-crave ata ako sa gulay, but sadly hindi ako ang mag papasya sa uulamin. Tanongin ko nalang kaya si Symon. Naka-tulog ata 'yon, ikaw ba naman pabalik balik ang langoy sa pool.

I sigh.

Napag-pasyahan kong hindi pa naman 'yon ba-baba kaya mag lakad lakad muna ako sa labas, napaka-boring naman kasi dito.

"Astral!"napa-tingin ako sa kong sino man ang sumigaw. Isang magandang babae ang nakita ko at ano daw? Astral? pangalan ba 'yon? Lumabas nalang ako sa gate, nakita ko siyang sigaw nang sigaw sa isang kaparehas ng mansion ni Sy. Ang kaibahan lang ay mas malaki ang mansion si Sy pero GOLD TILIANEST din ang mansion nila. Relative? I think.

"Hi?"Pag-bati ko rito, kaagad siyang lumingon sa akin.

"Ows, Hello." Lumapit ako nang bahagya sa kanya at gano'n rin siya.

"Kung hindi mo masasamain pero anong ginagawa mo diyan?" Sabay turo sa kinaruruonan niya kanina.

"Ah, may bibisitahin lang. Ang arte kasi hindi manlang ako pinansin, kanina pa kaya ako doon, sigaw nang sigaw sa bwesit niyang pangalan-ay sorry my bad. Btw my name is Haele Maxine but you can call me Ele." Saglit akong natigilan. Kapareha ng tawag sa akin ng lahat, except Sy, tawag niya kasi sa 'kin Portia.

"Same, Ele." Halatang nagulat din siya sa sinabi ko.

"Woah! this is new, Ele rin," Umiling ako.

"I mean, my name is Portia Ele, Ele talaga ang pangalan ko."Ngumiti naman siya sa akin, sinuklian ko rin ng matamis na ngiti.

"Btw, sino ba iyong Astral na 'yan?" Takang tanong ko.

"Ah, 'yong lokong 'yon, Si Astralniel Santilian-" pinutol ko kaagad ang sasabihin niya.

"You mean santilian?" kaagaran kong sabi.

"Oo," Napa-silip siya sa gate at nanlaki ang mata.

"Hala relative ata nong gonggong na 'yon yang may ari ng mansion," Sabay naming binaling pabalik balik ang tingin sa dalawang naglalakihang mansion.

"Gold Tilianest." Sabay naming basa.

A/N:
Baka nga relative ni Sy 'yong katabing bahay pero ang tanong, pogi din ba? Naku! Kung isa ngang Santilian 'yan dapat pogi. Can't wait na makilala si Astral, paunahan nalang mag mine.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now