CHAPTER 66- Tanggap

3K 84 1
                                    

Maaga akong pumasok dahil magpapalista ako doon sa Ms. U Gold. 
Kinakabahan pa nga akong sumali baka kasi.... baka 'di ako ang manalo. 
I want that money for chang. Hindi ako makampante na kahit na palagi naman akong na nanalo sa mga sinasalihan kong pageant.

Nandito na ako ngayon. Ang daming tao at kalahati ata ng tao ay naka-tingin sa akin. Kinakabahan na naman ako!

"Tks, anong ginagawa niyan dito?"

"Oh my.. dont tell me sasali siya?"

"Gurl, malaki rin naman 'yong price, malamang sasali 'yan."

"Oo nga naman, kapag ako nga manalo isho-shop ko lang, eh."

"Me too." Napabuntong hininga ako. Thank god at hindi na ako ang pinaguusapan nila.

Pumila ako sa pinakahulihan dahil late na pala ako, pero mabuti na rin 'to kesa namang pumunta ako dito nang maagad tapos ang daming tao, pagchi-chismisan na naman ako no'n.

Minutong nagdaan at nakarating na ako sa mga nag-aassist, "Hi miss, can I have your name?" Ngiting sabi no'ng babaeng naka-assign, ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.

"I'm Portia Ele Del Gatilio." Tumango tango siya at isinulat iyon sa papel.

"Newbie?" Nahimigan ko ang nagtatanong na tuno nito.

"Yes, miss." Ngumiti ulit ako. Nakakangawit din pala ang kaka-ngiti no?

"Age?"

"I'm 17 years old." Sinadya ko talaga ang magiliw na tuno para makuha ako.

"Hmm.." Pinasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa.
 
Gosh, mas kinabahan tuloy ako.  Baka ang pangit ng itsura ko ngayon, pero sabi ni Sy ang ganda ko raw, eh.

Maniniwala ba ako sa kaniya?

Nagmadali akong bumaba baka ma late ako sa pagpapalista sa Ms. U Gold.

Nang makita ko si Janine ay kaagad ko siyang kinalabit, "Ay pwet ni Z!" Ano raw? pwet ni....

"Hala ka! nakita mo na pwet ni Azrael no?" Mabilis na namula ang buong mukha nito na ikinanga-nga ko. Nagbibiro lang naman kasi ako dapat, nang-aasar gano'n pero hindi ko aakalaing totoo pala.

"Slight hehehe." malanding sabi nito saka tumili pa, "Ang lambot at ang laki naman kasi ng pwet ng bbq, yiee!" Kahit kailan talaga ang lakas lakas niya makatili.

"Pa-favor..." Nakangiting sabi ko nang matapos na siya sa kakatili niya.

"Sabihin mo lang, ano ba 'yon? gusto mo rin makita pwet ni kuya?" Ay putcha! Kaagad na nag-init ang pisngi ko.
 
Puwede ba 'yon? puwedeng makita? yieee, next time ko na lang din ifafavor 'yon.

"Hindi." Nagtaka kaagad siya.

"Eh? ano ba kasi?" Nagmamadali agad, eh.

"Maganda ba look ko ngayon?" Sabay turo sa sarili ko. Sana naman oo, nag-effort kaya ako ngayon para tanggap agad ako sa Ms. U no.

"Hmm.. of course, baby." Nagulat ako nang sumulpot sa kung saan si Symon.

Akala ko ba nasa work na siya?

"What are you doing here?" Inis kong singhal sa kaniya.

Nagmamatigas na naman kasi ang ulo ko. Paniguradong late na naman siya ngayon.

"Easy, baby. Hindi ako malalate, okay? and remember I am the boss." Ngisihan niya pa ako.

Ah, gano'n ba?

"And I am the boss girlfriend." Mataray kong sabi, nagpout naman kaagad ito.

Nagpapacute pa, eh. Akala mo tatalab sa akin 'yan— oo naman, este hindi no!

At ganoon nga ang nangyari.

"Tanggap ka na Miss Del Gatilio." Malapit akong mapatalon sa tuwa, buti na lang talaga at napigilan ko, pero sa kaloob-looban ko tili na talaga ako nang tili.

Shete! tanggap na ako! Woah!

"Thank you, miss!" Pinigilin ko ang pagngiti nang halos sa mata baka kasi weirdo tignan sa kaniya at bawiin pa no.

At dahil sa nangyaring iyon, masaya akong pumasok sa classroom namin. Wala na atang sasaya sa akin at wala nang makakasira ng mood ko. Sana nga..

"Ay putcha!" Gulantang na sabi ko nang mabunggo ako sa kung saan, pero nang maramdaman kong humihinga ang nabangga ko ay kaagad kong inangat ang tingin.

"Nice to see you again, Portia."

A/N:
Visit my timeline here and kindly read "The Billionaires Brat" story of Cassandra Janine, little sister of Symon. You should read it if you want bratty, spoiler, and a sugar daddy that has a black card that can give you what you want, even the most expensive thing. So I guess.. see you there?

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now