CHAPTER 34- Pag-alala

4.4K 139 0
                                    

Natigil ang kalandian ni symon nang may tumunog.

"Damn isturbo, bakit ko pa kasi dinala 'tong phone ko?!" Pagdadabog niya, saka niya kinuha ang cellphone niya sa bulsa. Natawa lang ako ng mahina dahil doon.

"Yes? hello?" Inis niyang bati rito.

"A-ano?! S-saan?!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit parang kinakabahan ako?

Biglang binaba ni Symon ang telepono.

"Ano raw sabi?" Nagulat ako nang higitin niya ako.

"Balik na tayo."

"B-bakit?may nangyari ba?" Naguguluhang tanong ko.

"Si Pershen sinugod sa ospital." Pagkatapos niya iyong sinabi ay dali dali niya akong hinigit at pinasakay sa kabayo.

B-bakit parang nasasaktan ako? Nasasaktan ba ako dahil may nangyaring masama kay Pershen?
hindi 'yon, eh. Nasasaktan ba ako dahil alalang alala si Symon sa kaniya? oo... s-siguro?

Mabilis na kinabig ni Sy ang kabayo pa puntang main gate, pagkarating namin doon ay bumaba kaagad siya.

Kumirot ang puso ko nang hindi man lang ako inalalayan ni sy pababa.

B-bakit Sy?

Ako na lang mismo ang umalay sa sarili ko pababa, saka siya sinundan sa kotse.

"Faster!" Nagulat ako nang sigawan ako ni Symon nang gano'n.

Ganon na lang ba ang pag-alala niya kay Pershen? Bakit nga ba? eh girlfriend niya ito, pero kung ako ba sinugod sa ospital ganito rin ba siya? hindi siguro. Masakit isipin na hindi, bakit? dahil magkaiba magkaiba kami ni Pershen. Si Pershen ay girlfriend ni Sy at samantalang ako ay yaya at secretary niya lang. Masakit pala talaga ang katutuhanan.

Noong isang araw lang sinabi niyang 'Mahal niya ako'. Asan na 'yon?

Napabuntong hininga na lamang ako.
Tumingin ako sa kaniya na may ngiti, "'Wag kang mag alala masyado Sy,  magiging okay rin ang lahat." Tumingin siya sa 'kin nang naguguluhan na parang nagsasabi na 'Ano?' ang mga mata nito.

"Sorry na baby, maybe next time?" Malambing niyang sabi.

"Kung mahal mo, uunahin mo." Iniwas ko ulit ang tingin ko.

"Sorry na nga. Sige, sa susunud kung ano ang gusto ng mahal ko sususndin ko." Naka-ngiti niya sabi, natulala ako sa kaniya.

"Magpapaka-tanga ako para sa 'yo kaya bati na tayo, please?"

Ang hirap pa lang mag mahal na may kahati no?

Nakarating kami kaagad sa ospital, bumaba na siya at tumakbo sa loob.
Napangiti na lang ako ng mapait, masasanay rin ako.

"Ano raw nangyari kay Pershen?" Tanong ko kay Janine nang makita ito.

"Inataki ng sakit." Kinabahan ako doon. May sakit siya?

"Anong sakit?"

"Ulcer, ang tigas kasi ng ulo sinabi ko na na 'wag hintayin si kuya dahil matatagalan 'yon pero ayon hindi talaga kumain." Mas lalo akong kinabahan doon. Hinintay niya si Symon?

"Kasalanan ko pala." Malungkot kong sabi, bigla namang tinapik ni janine ang balikat ko

"Alam kong na magkasama kayo buong gabi at buong maghapon rin pero hindi mo iyon kasalanan kung nagdate kayo ni kuya nang gabi na at hapon na naka-uwi, kasalanan iyon ni Pershen, ang tigas kasi ng ulo." Napataas naman ang kilay ko.

Pinapagaan niya ba ang loob ko o dinadagdagab niya lang? Naku, talaga 'tong si Janine, oh.

"Nasaan si Sy?" Mahina kong tanong dito.

"Nasa loob, nakikipag-usap kay Pershen." Dumaan ulit ang kirot sa puso ko, pero sige tutal kasalanan ko naman hindi ko na gagambalain.

"Pumasok ka rin, baka hinahanap ka ni kuya." Natawa ako ng mahina.

"Hindi no." Kaila ko pa.

"Ele, kanina pa tayo nag-uusap dito baka hanapin ka talaga no'n, magalit pa 'yon kung hindi ka sumunod."

"Hindi na nga." Pagtanggi ko ulit. Bakit ako hahanapin kong nandon naman ang girlfriend—

"Portia!"

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now