CHAPTER 77- Dream To Be A Model

3K 87 0
                                    

"Pasensya na po talaga."

"it's okay darling, but I have a deal for you." Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Ano po 'yon?"

"Wanna be a super model?" Gulat ko siya tinignan. Seryuso ba siya?

"P-po?" Utal kong tanong at hindi makapaniwalang tinignan siya.

"Mhh, do you want to be a super model, darling?" Ngiti niya ulit sa akin.

"Pa'no niyo naman po na sabi?"

"Well, nasabi ko ito dahil bagay na bagay ka rito, height check, body check, face check." Ngisi ngisi niyang sabi.

"Naku sir 'di naman po ako katangkaran, 'di rin magada ang katawan ko, hindi rin po ako kagandahan." Iling iling ko usal dito at nahihiya pa.

"I'm mad now." Gulat tuloy akong napatingin sa kaniya. Galit siya? My god, wala pa naman akong pera para mapagawa ang kotse niya.

"Sir iba na lang po please? babayaran ko—"

"Wait, wait darling, what are you talking about? i'm not mad about my car, i'm mad because you call me sir, i'm not sir, i'm miss or maam. Kaloka!" Nalaglag tuloy ang panga ko sa sinabi niya. Seryuso? do'n lang siya galit?

"G-ganoon po ba ma'am? sorry po talaga."

"That's okay but if your mind change here's my calling card, call me anytime you want if you finally agree." Tumango na lang ako rito.

"And wait, wala bang nagsabi sa 'yo na mukha kang model? oh no, not just model but a super model."

"P-po? amh.."

"Amhh?" Pag-gaya niya sa sinabi ko

"May nagsabi po kasing para raw po akong model at pinagkamalan din po nila akong model."Mahina kong usal.

"that's great, right? well magiging sikat kang model kapag pumayag ka sa deal ko, darling. So, just call me, okay?" Tumango lang ulit ako. Seryuso ba talaga siya sa mga sinasabi niya sa akin? Baka namab scam to, ah.

"Salamat po, ingat po." Huling sinabi ko nang pinaandar niya na ang sasakyan niya.

Okay lang ba talaga ako mag model?
Maraming nagsabi sa 'kin na bagay raw akong mag model. No'ng unang punta ko rito naisip ko kaagad na baka makuha akong model at hindi na maging yaya, 'yon nga lang ang pinanghahawakan ko nang pumunta ako dito sa manila, eh. Dahil nga sa sinabi ng lahat na kapag pumunta raw akong manila, eh magiging model daw ako pero mas gusto ko na lang atang maging yaya kong si Sy lang din naman 'yong amo. At saka nagbago na ang pananaw ko, mula sa model hanggang sa pagiging yaya. Nagbago lang naman 'yan nang nakilala ko si Symon, mawawala na talaga 'yan sa isip ko pero gipit ako ngayon at may sakit si chang. Puwede ko naman talaga babaan ang pride ko at humingi ng tulong kay Sy pero knowing na may problema siya ay kakayanin ko na lang at dagdagan ang trabaho. Hindi puwedeng magpadagdag ako ng trabaho at sabihin kay Sy dahil magtataka ito kung bakit, eh alam niya namang nag-aaral ako, tinanggal niya nga kaagad ako sa pagiging sekretaraya, eh nong pumasok na ako sa paaralan.

Nakauwi ako sa bahay ni Sy at wala pa siya roon.

"Nasaan na 'yon?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at luminga linga pa ako para hanapin siya, late akong umiwi kaya dapat nandito na siya. Pumasok ako sa kusina at baka nandoon siya nagkakape pero wala rin. Pinuntahan ko na lang sa kuwarto si Janine at para tanungin ito.

"Hey," Bati niya kaagad no'ng makasalubong ko siya sa hagdan.

"Oy, nasaan si Sy?" Masiglang bati ko,
kumunot naman ang noo niya.

"Anong nasaan ka riyan? hindi ba kayo mag kasama? sabi niya aalis daw kayo ngayon, ang bilis niyo namang naka-uwi." Umiling iling lang ako.

"Busy ako sa school, busy din siya sa work kaya hindi natuloy." Tumango tango naman siya.

"Sayang naman, akala ko pagbalik mo mayroon nang baby at magiging tita na ako." Tawang tawang sabi niya na ikinapula agad ng buong mukha ko.

"Hindi, no. Hindi pa nga ako tapos sa pag-aaral ko, eh." Nasabi ko na lang dito.

"Ow, gano'n?" mahina siyang natawa, "hina talaga ni kuya, 'di ko ata 'yon kapatid, eh." Umiling iling siya at mukhang iniisip talaga kung magkapatid nga ba talaga silang dalawa ni Sy. Hindi ba halata?

"By the way, nasaan ba talaga si Sy?" Balik ko sa tanong pero pumasok muna siya sa kusina at sumunod na lang ako rin ako.

"Sabi mo busy sa work? malamang nasa office niya ngayon." Tango tango niya pa.

"Gano'n ba? puntahan ko na lang kaya?"

"Oh sige, puntahan mo, dalhan mo na rin ng pagkain at sigurado akong hindi na naman 'yon kumain " Tumango lang ako.

"Wait lang, ah, tawagin ko na lang 'yong bakanteng driver para maihatid ka roon, papagalitan na naman ako ni kuya kung hayaan kita pumunta doon nang hindi inihahatid." Ngumiti na lang ako kahit hindi naman talaga kailangan akong Ihahatid kaso may point din naman siya, baka nga pagalitan siya 'pag hindi niya ako ipahatid. Symon is still Symon, walang pinagbago.

Minuto lang ang nagdaan nang dumating na 'yong bakanteng driver nila janine. Pumasok agad ako sa kotse. Dapat daw madaliin dahil may iba pa silang ihahatid, hindi na rin sana ako papayag magpahatid dahil baka nakakaisturbo lang ako pero pinilit pa rin talaga ako ni Janine, eh.

"Kuya, alagaan mo 'yan, mapapatay tayo ni kuya 'pag may galos 'yang nakita kay Ele, nako talaga." Napa-face palm na lang ako sa sinabi nito kay Kuyang driver. Kinakabahang napalunok naman si kuya kaya nahihiya akong ngumiti rito.

Nakakahiya talaga minsan 'tong si Janine kasama, eh.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now