CHAPTER 9- Sound Pass

7.9K 245 5
                                    

"Mag pinsan o kapatid?" Mahinang tanong ko, napa-tingin naman siya sa 'kin.

"Kapatid? May kapatid ang gonggong na 'yon? mhh mukhang malabo— I think pinsan." Inis niyang sabi.

"Kaano ano mo ba 'yong Astral na 'yon? boyfriend—" kaagad niya akong pinutol.

"Yuck, boyfriend? 'yong mayabang na 'yon? Nah. A big no." Sino ba kasi 'yang Astral na 'yan? bakit siya diring diri do'n. May sakit ba 'yon?

"Amh o-okay. So ano mo nga siya?" Utal utal kong sabi, nahihiya akong tanungin siya dahil baka pumasok na ako sa personal life niya.

"F-friends amh— I mean fake boyfriend" Ha? parang mag boyfriend din sila no'n, eh kaso fake?

"Gano'n ba? bakit mo ba siya hinahanap?" Pwede ko kayang itanong 'yon? Wala naman sigurong masama, na curious lang naman ako.

"Eh, kasi naman, pretend girlfriend niya ako tapos bilang girlfriend dapat inaalagaan ko siya. Nalaman kong hindi kumakain ng gulay kaya pinilit kong pakainin ng gulay dahil puro karne ang kinakain sa canteen, kaya ayon napilit ko nga kaso allergic pala siya, hindi manlang niya sinabi kaya ayon absent. Umaarte pa kala mo kong sino. Sinabi niya pang ako ang may kasalanan eh siya naman 'tong hindi sinabi sa akin, allergic pala siya sa gulay na 'yon." Natigilan ako doon, plano kong magluto nang gulay ngayon pero paano kung allergic din pala si Symon doon gaya nang Astral na sinabi ni Ele? Patay! Kapag nangyare 'yon siguradong sisante agad ako.

"G-ganon ba?" Wala sa sariling sabi ko

"Ikaw ba? ka ano-ano mo ba 'yang Santilian jan? boyfriend mo ba?" Namula naman kaagad ako sa sinabi niya, bakit ba lahat sila sinasabing boyfriend ko si Sy? Tks, malabong mangayri 'yon.

"Ah hindi, amo ko siya."

"Amo? 'di nga? Anong klaseng trabaho?"

"Yaya niya ako." Gulat itong napasinghap, na para bang hindi makapaniwala.

"Woah! Are you serious? 'di nga— para kang model tapos yaya lang. Are you kidding me?" Kagaya niya ay napasinghap din ako.

"Hindi! totoo nga, I'm not a model, yaya lang ako at secretary din niya ako." Tumango naman siya nang marahan.

"Maniniwala pa akong secretary ka niya," Tumango nalang din ako.

Paikot ikot ako ngayon sa kusina, iniisip 'yong sinabi sa 'kin ni Haele. Baka allergic din si Sy sa gulay pa'no na 'to? Anong lulutuin ko? pero kasi naman! gusto ko talaga ng gulay ngayon.

Pwede ko kayang tawagan si Janine?.. ayy oo nga, tawagan ko siya tapos tanongin ko nalang.

Mabilis ko itong tinawagan at kaagad naman niya itong sinagot, tumikhim muna ako bago nag salita.

"Hello, Janine?"

"Oh, Ele, napa-tawag ka? don't tell me, pinagalitan ka inartehan o kong ano pa man ni kuya?" Nag-aalalang tanong niya, napa-iling nalang ako, grabe talaga 'to si Janine sa kuya niya.

"Hindi. Janine, may itatanong lang kasi ako sa 'yo" Natatawang sabi ko.

"Oh, ano 'yon?"Narinig ko sa kabilang linya na may ginagalaw siyang bagay.

"Kasi mag luluto ako, gulay sana ang lulutuin ko kaso hindi ba allergic si Sy no'n?" Magalang kong tanong.

"'Yon ba? sa pagkaka-alam ko hindi kumakain si kuya ng gulay, palaging karne ang kinakain nyan." Ay grabe pala 'tong si Sy, kaparehang kapareha ni Astral... 'yong boyfriend ni Haele.

"Ah, gano'n ba? pero hindi naman siya allergic 'di ba?" Pag-tutukoy ko rito.

"Hindi 'yon allergic." Napa-tango naman ako sa sinabi niya.

"Sige 'yon lang Janine, salamat, at pasensya na sa abala. See you soon."

"Yeah, see you soon too. Catch up tayo soon." Tumango naman ako kahit hindi niya nakikita.

"Good bye and good night." Saka ko pinatay ang tawag.

Kaagad akong kumaha nang mga sangkap sa lulutuin ko. Talagang gusto ko ng gulay, parang kapag hindi ako makaka-kain ng gulay ay mamatay ako HAHAHA.

Nang natapos ako ay kaagad kong inayos ang lamesa.

"Hayyss!" Malakas na singhap ko, kanina pa ako dito, mga sampong minito ko nang hinintay na bumaba si Symon, kaso hindi talaga siya bumaba. Ang himbing ata ng tulog ng isang 'yon.

Napagpasyahan kong gisingin nalang siya dahil baka lumamig na ang pagkain. Sayang naman kung hindi niya matikman, niluto ko pa naman 'to para din makatikim siya ng gulay.

Tumapat kaagad ako sa isang itim na pintuan. Natatandaan ko na dito pumapasok si Sy kapag tapos nang kumain. Kaagad kong kinatok ang pintoan pero walang sumasagot ni isa. Nagulat nalang ako nang may nag salita sa kong saan

"Your name? Pass name." Isang babae ang nag salita mula sa loob, kumirot naman ang puso ko. Knowing na may babae pala sa loob ng kwarto ni Sy, kaya siguro ang himbing ng tulog dahil pagod, hindi 'yan maiiwasan.

Boys will be boys... ay tangek! Sound pass pala 'to. Tanga ko talaga.

"Portia Ele Del Gatilio." Napa-singhap ako sa gulat dahil bumukas ang pintuan, pero kaagad napalitan ng pamumula. 'Di ba dapat isang pass lang ang gagamitin? Omg so it's mean ako ang password niya?

"Come in." Isang pang muling sabi noong sound pass, kaagad akong humakbang papasok.

Bumungad kaagad sa 'kin ang napakagandang view— I mean si Symon na naka-higa sa kama at naka-harap sa kisame, kaya naka-balandara ang burning abs niya. Grabe! hindi ko talaga 'to pagsasawaan. Lumapit pa ako nang kaunti sa kanya, madilim sa kwarto niya pero kitang kita ko ang maamong mukha nito.

"Anghel ata 'to lord," Bulong ko sa sarili ko. Ang amo kasi ng mukha niya.

Mas lumapit pa ako sa pwesto nito, isang dangkal nalang mahahalikan ko na siya. Nagulat ako nang bigla itong dumilat at higitin ako nito palapit sa kanya, na dahilan ng pagkahiga ko sa tabi nito.

"Ang gwapo ko ba matulog?"

A/N:
Paalala ko lang Sy, hindi pa kayo mag jowa. Ang landi mo na HAHAHA. Naku, may mangyayari ba jan? Pasama naman, wag madamot.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now