"Ele, Ele yuhoo! where are you?" Ay shunga self, kuwarto lang ang nasa taas so meaning nasa kuwarto niya.
"Ele, nandiyan ka ba?" Sabay katok ko sa pinto ng kuwarto niya.
"Sino 'yan?" Rinig kong sigaw niya mula sa loob.
Gotcha!
"Si janine 'to, pasok ako, huh?" Kaagad kong tinulak ang pintoan. Bumungad sa 'kin ang nagmumukmok na si Ele. Naka-dapa siya at parang may malalim na iniisip.
"Ele, hoy, okay ka lang?" Sabay talon ko sa kama at tumabi sa kaniya.
"Yeah." Walang gana niyang sagot.
"Tara labas tayo." Sa sinabi kong 'yon doon siya tumingin sa 'kin.
"Saan?" Tinaas ko ang kamay ko at nagpanggap na nag-iisip ng lugar kahit may naiisip na talaga ako.
"Saan pa ba? Edi mall, girls love shopping!" Kaagad siya natuwa sa sinabi ko.
"G?"
"G na g!" Sa subrang pagkatuwa nito tumalon pa siya patayo.
Nabuhayan ang loob ko nang ayain ako ni Janine lumabas.
"Magbihis na 'ko." Ngiti at excited kong sabi saka dumaretso na sa banyo.
Ang pinili kong damit ay isang short shorts at black crop top na naka-lagay "I'm single" at isang black sandal.
"I'm ready.." Lumabas kaagad ako sa kuwarto at dumiretso sa sala kung saan ako hinihintay ni Janine. Paniguradong naiinip na 'yon kakahintay.
"Janine, tapos na-" Natigilan ko nang makita kong si Symon at si Pershen lang ang nando'n.
Sabi niya hihintayin niya ako sa sala.
Sinungaling na Janine talaga, oh."Where are you going?" Napa-irap na lang ako sa naging tuno niya. Para siya papa ko kong makapag-salita.
"Labas." Maikli kong sabi, napa-awang lang ang bibig niya.
Kala mo, huh.
"Did I give you my permission?" Gusto kong matawa sa sinabi niya.
"Bakit? papa ba kita?" Balik kong tanong rito. Umigting lang ang panga niya sa sinabi ko.
"Hindi? o baka naman mama kita." Tumawa ako ng mahina sa sinabi ko.
"How dare you to insult him that way?!" Napa-ngisi lang ako sa sinabi nang malanding ahas.
"How dare you to interrupt?" Ayon, napatikon din ang bibig.
"O s'ya hindi na ako magsasayang ng oras sa malandi at manloloko, kaya aalis na ako." Sabay flip hair at tumalikod na, narinig ko pang sinigaw ni Symon ang pangalan ko pero hindi ko iyon pinansin.
Manloloko siya! Sabi niya mahal niya ako tapos dumating lang 'yong girlfriend itchipwera na ako? ano yon? mahal niya ko tapos mahal din niya 'yong girlfriend niya? wow! Sino ba siya sa tingin niya.
"Bravo! hahaha, good job Ele!" Kaagad akong napa-lingon sa bukana ng pinto nang makita ko roon ang naka-ngising mukha si Janine.
"Sabi mo hihintayin mo 'ko sa sala?" Imbis na punahin ko siya sa sinabi niya inuna ko na lang ang pagkainis ko.
"Eh? kasi naman nakaka-inip and it's so boring, wala ako maka-usap doon, no."
"Nandoon naman si Symon at Pershen, ah?" pangunguna ko rito, "o baka naman puro landian kaya hindi ka naka-sabay." Natatawa kong sabi, ngumisi lang siya.
"Ikaw talaga... tara na, nagseselos ka lang, eh." Saka siya tumakbo
namula naman agad ako."Hoy! hindi, ah!" Sigaw ko rito at hinabol siya.
"Ayan, sige."
"Ito pa."
"Maganda 'to, oh."
"Sukatin mo.."
"'Yong black."
"Yup, hot mo tignan."
Napabuntong hininga ako. Ano ba 'to?nakaka-inis na 'tong si Janine, ah hindi talaga ako binibigyan ng pagkakataon na ako naman ang mamili ng damit ko, puro na lang siya ayaw niya raw sa taste ko. Tks, Magkapatid nga sila no'ng manlolokong 'yon.
"Too much skin." Napa-tingin kaagad ako sa kanya. Anong too much skin, kita mong sleeve dress 'to tapos hangang tuhod pa too much ba 'yon?
"Hindi naman, pero ayaw ko sa style niya, ang init kasi." Tumango nalang siya. Kaagad akong pumili ulit ng ibang susukatin.
This time isang blue fitted dress naman.
"Eh kung ito? maganda, hindi gaanong mainit at magandang style." Umiling siya, anong problema sa damit na cto?
"I don't like it, too fitted."
"Ha?" Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko mula dibdib hanggang paa.
"Mhh, maganda naman ang form of body ko." Tinignan ko ang reaksiyon niya.
"Of course maganda, but for me, I don't like the dress. Go change it." Umiling siya at tumayo. Napa-nguso nalang ako.
"'Yong nagustuhan ko ang bilhin natin." Napa-simangot naman ako.
'Di ba nakaka-inis? subrang bossy,
nasa dugo ata talaga nila 'yong pagiging bossy, eh. 'Yong dapat sundin ang kung ano mang gusto nila na wala kang magagawa. Tks."Ele, sarap mag shopping no?" Naka-ngiting sabi ni Janine.
Nasa loob na kami ng kotse niya. Ano raw? Sarap? tks, eh ikaw lang naman ang pumipili ng mga damit, eh.
"Of course, sarap nga ulitin." Take note the sarcasm.
"Oo naman, uulit tayo sa susunod." At talagang uulitin pa. Naku, kung ako mag sho-shopping walang santilian sa paligid, che!
"Nandito na tayo." Bumalik ako sa reyalidad nang tapikin ako ni Janine at nauna ng bumaba.
"Salamat pala ngayon, Janine." Yeah, kailangan talagang magpasalamat dahil naging masaya naman ako kahit papa-ano.
"Your welcome." Naka-ngiti niya sabi.
Lumiko ako ng daan upang pumunta sa kusina. Gabi na, baka gutom na ang mga dragon sa tiyan no'ng dalawang naiwan namin.
"Why are you here?" Bungad sa 'kin ng malandi. Yes, nandito siya sa kusina at nagluluto ng kung ano.
"Why I am here? of course this is my work, to serve Symon." Maka-ngiti kong sabi. Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.
"Bakit mo siya tinatawag na Symon?" Natawa ako ng mahina.
"Bakit mo tinatanong?"
"Nilalandi mo siya no? kaya ka niya pinapayagang tawagin siyang Symon!" Akusa pa nito.
"Wow! galing talaga sa malandi ang salitang nilalandi. Baka ikaw." Balik akusa ko rito. Namula naman 'yong mukha niya sa kahihiyan.
"Ano 'yang niluluto mo? naku, 'wag kang gumamit ng love potion para lang mahalin ka niya, bad 'yon." Sinabayan ko pa 'yon ng pagtawa.
Mainis ka sana, malandi ka!
"Are you insulting me?" Akusa niya ulit.
"I'm not, I'm just describing you."
YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...