"Ang saya mo ata ngayon?" Kaagad na bungad sa akin ni Janine nang maka-uwi na ako.
"Kanina lang para kang zombie, ah" Tawang tawa niyang pang-aasar sa akin, tumawa na rin ako dahil tama naman siya.
"Can you keep a secret?" Nakangiti kong tanong sa kaniya. Dapat talagang itanong ko dahil itong si Janine bungangera pa naman.
"Of course, ano ba akala mo?" Mataray niya pang sabi.
"Wala lang, dapat sigurado no." Ngumisi ako sa kaniya.
"Ano ba kasi 'yon, huh?" Puno ng kuryusong tanong nito, ngumiti ulit ako.
"Kasi may sasalihan akong..." Sasabihin ko ba? Baka kasi sabihin niya kay Sy, paniguradong hindi niya magugustuhan ang ideya ko.
"Hmm..."
"Baby." Ay salamat naman, naligtas ako ni Sy dahil yumakap kaagad ito sa likod ko nang makita ata ako.
"Hmm? how's work? late ka ata, ah." Nakangiti kong bati, sabay baling nang sa kaniya. Hindi na ako na gulat nang humalik siya sa labi ko.
"I'm tired, I want you." Nagtindigan ang mga balahibo ko nang bumulong siya sa tainga ko.
Sheteng 'yan, oh.
"H-hindi puwede." Argh, malas naman, oh. Nautal pa ako, aasarin na naman niya ako.
"Hmm.. bakit ka nauutal kung gano'n?" Sabi na, eh. Babalik ulit siya sa pagiging manyak— pero babalik? o nakasanayan na.
"Huh? Hindi kaya no." Naiilang kong sabi dahil 'yong labi niya naglalaro na sa tainga ko at inaamoy ang leeg ko.
Wahhh! Help!
"You smell so good, baby." Nabato ako sa kinatatayuan ko sa sumunod niyang ginawa. Argh, dinilaan niya lang naman ang leeg ko— pashket. Nang mabalik ako sa wisyo ay kaagad ko siyang itinulak palayo sa akin.
"Manyak mo!" Singhal ko rito. Hindi ko matawag na pang-aakusa dahil totoo naman.
"Hmm, pero sa 'yo lang naman." Natatawa niyang sabi, inirapan ko siya at umakyat na.
"Hoy Ele! Ano 'yong sasabihin mo, uy!" Bunganga talaga ni Janine, ohh.
Hindi niya pa pala nakakalimutan 'yon? Akala ko naman naka-iwas na ako dahil sa paglalambing ni Symon pero mukhang hindi 'yon tumalab para makalimutan 'yon. Bakit ko pa naman kasi nasabi, eh.
"Ang saya mo ata ngayon?" Kaagad na bungad ko sa kaniya nang makita ko siyang papasok na.
"Kanina lang para kang zombie, ah." Natatawa ko sabi at mas natawa lang ako nang maalala ko siya kanina. Hindi pa naman din ako pinansin pati 'yong jowa niya hindi rin pinansin.
"Good morning, Ele!" Nakangiti kong bati pero itong babaetang 'to tinignan lang ako saka pumunta na sa kusina.
Anong nangyari doon?
Sinundan ko siya para sana tanungin, "Hoy gurl, problem?" Tinignan niya lang ulit ako pero hindi pa rin nagsalita.
Kagigil.
Oh, 'di ba? parang zombie lang ang peg.
"Can you keep a secret?" Nagtaka kaagad ako. Ano sa tingin niya?
Hindi ba ako ka tago-tago ng sekreto?"Of course, ano ba akala mo?" Mataray kong sabi.
"Wala lang, dapat sigurado no." Jusko, pigilan niyo 'ko, hihilahin ko buhok nito.
"Ano ba kasi 'yon, huh?" 'Wag na 'wag niya lang talaga akong mabibitin at subrang kuryuso ko na sa sasabihin niya, talagang hihilahin ko 'yang mahaba-habang buhok niya. Pero ang babaeta gumiti lang.
Good mood na good mood si ateng, ah? Ano kaya mayroon? Late na ata ako sa chismis, eh.
"Kasi may sasalihan akong— " At talagang nagpabitin pa, pigilan niyo talaga ako, susugurin ko na 'to.
"Hmm?" Ano ba? Ang sarap sarap isigaw 'yan sa kaniya at baka sabihin niya na agad.
"Baby." Dumating na pala ang malandi kong kuya, at ayon, ang mga susunod na pangyayari ay nakakasakit nang mata at puso, naglandian na kasi sila sa harapan ko.
Edi kayo na.Nakangiti akong umakyat dala ang pag-asa kong manalo sa contest, dapat lang. Kailangang kailangan ko ng pera at 'yon ay lang sapat na, at makakapagbayad na ako. 500 thousands, sapat na 'yon para maoperahan si chang.
Napaigtad ako nang tumunog ang telepono ko pero kaagad kong kinuha ang ito sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag.
Si chong.
"Chong? napa-tawag ka?" This time wala na akong naririnig na ingay sa kabilang linya. Hindi na rin ako kinakabahan.
"Nagawan mo na ba nang paaraan ang pang opera sa chang mo?" Huminga ako ng malalim.
"Opo, chong. Sasali po ako sa contest." Nakangiti kong sabi, puno nang pananabik at siguro ay kumikislap pa ang mga mata ko ngayon sa pag-asang makukuha ko 'yon at maooperahan si chang.
"Ano?! nasisiguro mo bang mananalo ka? nakung bata ka, dapat kasi nag GRO ka na lang, huh?" Malakas na singhal niya sa akin. Hilaw akong napa-ngiti.
Self, kalma, dapat nasanay ka na, dapat sanay ka na.
"Opo, sisiguraduhin ko para kay chang." 'Yon lang ang nasabi ko at pinatay ko na ang tawag.
500 thousands, akin ka kahit anong mangyari. Para kay chang 'to, kaya mo 'yan Portia. Kakayanin mo, remember that you're Portia Ele Del Gatilo.

YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Storie d'amore[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...