Kinabukasan, maaga akong nagising sa kadahilanang hindi ako naka-trabaho kahapon dahil 'di ba nag-bonding kami kahapon ni Janine.
Nagbihis kaagad ako. Ang pinili ko ay black tube top with suit and mini skirt at pinarisan ko ng flat sandal. Paniguradong papagalitan na naman ako ni Symon sa suot ko.
Pagbaba ko, diri-diretsong papasok sa kusina dahil ba-baba na rin si Symon. Late kasing bumababa si Janine tapos ewan ko kay Simon, dito rin kasi siya natulog.
"What's my Schedule for today?" 'Yon kaagad ng bungad ni Symon sa akin. Hindi niya ako sinulyapan. Anong problema niya? akala ko pa naman bubugahan niya ako ng apoy dahil sa suot ko.
Napailing ako. Ba't parang galit pa ako? maganda nga 'yon, eh hindi niya ako pinapakialaman.
"Hmm. Ngayong umaga hangang 12 pirma lang, marami kasing papelis ang nadagdag gawa nang hindi mo pag-pasok kahapon. Sa hapon naman 6 meetings ang dadaluhan mo, si Mr Chan, Ms Ziaba, Ms Jihan, Mr Kolan, Ms Ekenaz at Mr Chavez, sunod sunod ang mga 'yon. " Mahabang lintaya ko, tumango lang siya ng marahan.
"Reschedule it all." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Huh?" Naguguluhan kong tanong dito.
"Lahat ng meeting ipag-kasya mo sa umaga, 'yong mga papelis naman sa hapon na lang." Ano?! So, gusto niya talagang mapagod? Inayos ko nga ang schedule niya nang sa gano'n makapag-pahinga siya.
"Pero Sy mapapagod ka." Nag-aalalang kong sabi rito.
"Tinanong ba kita sa opinion mo Ms Del Gatilio?" Bossy'ng sabi niya. Napatikom na lang ang bibig ko sa gulat.
"S-sorry po, sir." Akala ko ay papagalitan niya ako pero wala. Umawang lang ang labi niya sa tinawag ko sa kaniya pero 'yong ibang reaksyon na inaasahan ko ay wala.
May problema talaga siya, eh.
"What's the meal for today?" Bossy'ng niyang tanong, saka diretsong naglakad patungong kusina.
"G-gulay?" Hindi siguradong sabi kom
"Anong klasing gulay? huhulaan ko pa ba?" Puno ng sarkastiko niyang sabi, tinikom ko na lang ang bibig ko.
"Anong klase kang bang kasambahay? hindi mo manlang maayos ang trabaho mo." Padabog itong umupo samatalang kumirot naman ang puso ko sa mga sinabi niya.
This is funny right? No'ng nakaraan lang sinabi niyang mahal niya ako. He used to be sweet, clingy at kung ano pa. Bakit ngayon parang... Nakakatawa naman 'to pero sa wakas na gising rin siya katutuhanang hindi kami bagay. I'm just his maid and secretary.
"I'm sorry sir." Hindi na ako sumabay sa pagkain para hindi niya na ako sumbatan. Baka sabihin niyang ang kapal din ng mukha kong sumabay sa pagkain, eh hindi naman ako bisita rito kundi maid.
Napabuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili. Parang naiiyak ako not because nasasaktan ako, tears of joy lang 'to dahil nagising na siya sa katutuhanan.
"Anong tinutunganga mo riyan?"
"Po?" Inosente kong tanong, umigting ang panga niya.
"Join me." biglang nabuhayan ang loob ko sa sinabi niya pero hindi pa pala ito tapos, "baka sabihin mo 'pag na-late ka kasalanan ko dahil hindi ka sumabay sa 'kin." Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Hmm, hindi na sir, tapos na po ako, busog rin po ako." Pagkasabi ko no'n ay tumalikod na ako.
He's not the Symon I knew. The symon I loved but it's okay, 'yon din naman kasi ang gusto ko, hindi ba? I think nakapagdesisyon na siya. He already give up... pero bakit ang bilis? ang bilis naman.
Lakad takbo ang ginawa ko para lang makalabas sa subdivision nila baka kasi ma-late ako, lagot ako kay Sir Axel nito.
Napalingon ako sa likuran nang may tumunog na sasakyan. Kanina pa 'tong sasakyan na 'to, ah sunod kasi ng sunod sa 'kin. Problema nito? Binilisan ko na lang ang lakad ko. Grabe, nakakapagod, kanina pa talaga ako lakad ng lakad, eh ang layo naman kasi.
"Ano ba?!" Malakas na sigaw ko. Lumapit na kasi talaga 'yong sasakyan sa 'kin, malapit pa nga akong mabangga.
"Miss anghel, hintay! wait!" Miss anghel daw? parang narinig ko na 'yon, ah, pamilyar. Ah.. oo, si Simon! 'yong kambal ni Sir Axel. Siya lang naman ang tumatawag sa aking 'Miss Anghel' eh. At tama nga ako, siya nga 'yon.
"Hop in."

YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...