CHAPTER 54- Hiring

3.5K 102 0
                                    

Mabilis akong tumakbo sa itaas para masundan si Sy. Gosh, kinakabahan talaga ako. Baka kasi...

"Portia." Nabalik ako sa reyalidad nang makita si Sy na naka-silip ang kalahating katawan niya, at topless pa ang putcham

"Eh, Sy kasi... puwede bang sa—"

"Pasok." Mabilis at mariin niyang sagot. Hindi pa nga ako tapos, eh. Bastos talaga, napaka-bossy, amp.

Sumunod na lang ako sa kaniya dahil baka mas lalo lang siyang magalit.

"Now explain." Lumunok muna ako dahil sheteng abs 'yan ba't naka-lantad talaga. Yup, oo, kitang kita ko ang matikas na pangangatawan nitong si Symon sa harapan ko. Naka-boxer lang kasi ito.

"Nong nag banyo ako papalabas na sana ako nang nabangga ako—"

"Clumsy." Ngumiwi lang ako sa komento nito. Hindi naman, ah. Slight lang siguro.

"Pagkatapos sinalo niya ako—"

"He touched you." Inis na wika nito, napairap naman ako. Ang seloso mo Sy.

"Opo, sa bewang lang naman." Kampante kong sabi, tinaasan niya lamang ako nang kilay.

"Ni lalang mo lang 'yan, remember that you have a boyfriend now, Portia." Tumango tango na lang ako para hindi na humaba ang usapan.

"Yes, yes,  and I love my boyfriend... so much." Malambing kong sabi sa kaniya. Mahina akong natawa dahil namula ang pisngi niya.

Gotcha! Ang cute cute talaga niya.

"Sy, 'yon lang naman kasi, eh tapos nagkuwentuhan kami tungkol kina chang at kung babalik pa rin ba ako sa kaniya—"

"And your answer?" Nakataas na kilay nitong tanong, ngumisi lang ako.

"Kung papalayasin mo ako, siguro oo."

"Hell no, I will never do that." Natawa na lang ako sa mabilisan at walang pagdadalawang isip na sagot nito.

"I know." kampante kong ani.

That's my man, ladies and gentlemen.

Nakatulog kami ni Sy nang magkayakapan, hindi nga ako binibitawan nito hanggang ngayon, eh.

"Sy, gising na.." Malambing na ani ko. 
Ang guwapo niya talaga matulog, parang anghel— parang lang , dahil 'yong ugali 'pag nagselos 'wag na lang.

"Hmm" 'Yon lang ang narinig ko saka mas lalo siyang sumiksik sa leeg ko.

"Sy, tsansing na 'yan, babatukan na talaga kita." Mapanghamon kong sabi.

"5 minutes more please." The hell? uso pala sa kaniya 'to? Ang hirap niyang gisingin, eh ang aga aga naman niyang magising noong hindi pa ako natulog dito.

"Oy Sy, bahala ka ma-lalate ka sa trabaho."

"I am the owner kaya wala silang paki kung malate ako." Bossy talaga, eh. Nginiwian ko na lang ito saka huminga nang malalim.

"Bitawan mo na lang ako, maghahanda lang ako nang pagkain." Naiisip ko lang bigla na babawi pala ako kay Janine dahil pinahugas siya nang plato kanina.

"Eh, si Janine na lang ang magluluto..."

"Naku Sy, si Janine kapatid mo at ako ang yaya mo."

"Wrong." Mas lalo lang siyang sumiksik. Tinaasan ko siya nang kilay kahit hindi niya naman kita.

"Anong mali doon? totoo naman, eh." Mataray kong sabi.

"Yaya nga kita pero nagbago iyon nang nabihag mo ang puso ko." Namula kaagad ang buong mukha ko.

"Nalimutan mo na bang girlfriend na kita, at hindi na kita yaya ngayon, mag ha-hire na ako nang iba." Seryuso pang sabi, napangiwi ulit ako.

"Ako na lang."

"Alam kong gusto mo akong pagsilbihan dahil boyfriend mo ako at alam ko ring baka 'pag babae ang kukunin ko magseselos ka lang so don't worry—" Yabang!

"So... lalaki ang kukunin mo kung gano'n?"

"Of course... not!" Nag-iisip niyang ani.

"Bakit naman?"

"Baka ako naman ang magselos." Nahimigan ko ang parang bata niyang tuno.

Ang cute!

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now