CHAPTER 57- Famous Jare

3.4K 99 0
                                    

"Ele! gising na! malalate ka na, hoy!" Tinakpan ko muna ang sarili ko nang dahil ang ingay ni Janine.

"Papasok na ako." Tumango na lamang ako kahit hindi naman niya kita.

Aga aga ang ingay ni Janine.

"Hoy! bakit pagod na pagod ka? don't tell me—" Kaagad akong tumayo at pinutol ang sanang sasabihin niya pa.

"Hindi no. Sige, maliligo na ako." Matamlay kong sabi. Alam kong mahalay na naman ang sasabihin nito, kaya inunahan ko na.

"Hoy! wait lang.." Akala ko ba papabangunin niya na ako? Tinignan ko siya at nakangiti siya ngayon.

"Ano?"

Napabuntong hininga ito, "Bakit paramg ang sungit mo ata ngayon? red flag na ba?" Tumango na lamang ako dahil tama na man siya. Wala ako sa mood at red flag pa talaga. Malas hindi ba?

"Okay, okay, wala ka sa mood kaya bukas na lang ako magkukuwento. Ligo ka muna, naghihitay si kuya sa baba, sabay daw kay. Ang daming pakulo, akala mo naman sweet." Bitter na sabi nito. Hindi siguro siya sinusundo nang Z my labs niya. Kawawa naman pero sorry na lang dahil sweet ang boyfie ko no, pff.

Dumiretso na ako sa paliguan at naligo ng mabilis.

"Good morning, baby.." Bungad kaagad ni Symon sabay halik niya sa labi ko. Ngumiti lang ako at niyakap siya.

"Hmm.. first day mo ngayon, hindi ba?" Ramdam kong nakangiti siya dahil siguro sa paglalambing ko.

"Oum." Tango tangong sabi ko.

"Hatid na kita, sabay tayo." Tumango ulit ako. Wala ako sa mood makipag chikahan kaya tango tango lang muna peg natin.

"How's your sleep by the way?" Marahan niyang bulong.

"Ewan, nakapikit ako, eh kaya 'di ko alam." Inosente ko lang na sagot. Natawa naman siya kaya binigyan ko siya nang 'may nakakatawa ba?' look, kasi wala naman talaga.  Tumigil siya sa pagtawa at hinalikan na lang ako, siya na rin mismo ang naghanda nang pagkain ko.

"Subuan mo ako?" Napangiwi ako sa sinabi niya. Parang bata na naman, oh.

"No." Napa-taas ang kilay ko nang mag astang bata siya.

"Sige na, please? bahala ka hindi ako kakain."

"Problema ko ba 'yon?" Masungit kong sabi. Namula naman ang mukha niya.

"Kawawang kuya. Sorry ka nga ngayon dahil red flag days na this kaya hindi uubra ang bata-bataan mo.".Inirapan lang siya ni Sy saka tumingin sa akin nang naka-pout

"H-huh? red flag?" Nalilitong sabi ni Sy.  Namula naman kaagad ako.

"Y-yeah.." Nahihiyang sabi ko.

Shete, nakakahiya!

"Baby, we're here." Hindi ako tumingin kay Sy dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina.

"Hey, look at me." Hindi ko iyon sinunod. May mukha pa ba akong maihaharap pagkatapos no'n?

"Whats wrong, baby?" Malambing niyang tanong pero hindi pa rin ako tumingin sa kaniya

"It's okay, don't be shy." Marahan niyang hinawakan ang siko ko at pinilit na tumingin sa kaniya.

"A-alis na ako.." Kaagad ko siyang hinalikan at kaagad na bumaba sa kotse.

Putcha!

Naglakad lakad na ako sa gate at napayuko na lang ako sa mga naririnig ko sa paligid.

"New bie, huh?"

"Hindi na masama."

"Oo nga."

"Tol ang ganda, oh."

"Tignan mo."

"Ang ganda, mukhang anghel."

"Sana classmate natin siya.."

"Sana nga, liligawan ko kaagad 'yan."

Ano raw, liligawan? I'm not single anymore, hindi na ako puwede. Yuko lang nang yuko ang ginagawa ko dahil hindi ako sanay na pinagtitignan nang madaming tao.

"Hi?" Nagulat na lang ako nang harangin ako sa isang lalaki. Ang gwapo niya at ang puti. Bagay kami— charing, baka maging dragon na naman si Sy kapag nalaman niya ang iniisip ko.

"Hello?" Nakangiti ko ring bati.

"Bago ka ba ruto? Bta I'm Jare." Tumango ako.

"I'm Portia." Napangiti naman siya.

"Nice name." he chukled, "Hali ka samahan kita sa room mo, baka malito ka kasi." Oo nga no? ang alam ko lang kasi ay ang section ko A-32 Miss Zeb - Section: Alicson, 'yon lang ang alam ko.

"Anong pangalan ng section mo?"

"Section' Alicson po."

"Cut the po, magkasing edad lang tayo and i'm glad na iisang section lang din pala tayo." Natuwa naman ako kaagad ako.

Yes! Unang araw pa lang at mukhang may magiging kaibigan na kaagad ako.

"Oo my god. bakit kasama niya si Jare?"

"Whaa! Nahihilo ako."

"Pinansin siya ni Jare. Sana all!"

"End of the world na ba?"

"Huhuhu!"

Napatingin tingin ako sa paligid at ganoon na lang ang pagngiwi ko nang sinamaan nila ako nang tingin. Eh? Kani-kanina lang ang gaganda ng mga sinasabi nila sa akin tapos ngayon kung maka-tingin parang papatayin na nila ako.

"Don't mind them." Nakangiting sabi ni Jare sa akin. Ang ganda ganda nang ngiti niya. Naalala ko tuloy si Simon sa kaniya.

A/N:
Oo beh, maaalala mo talaga kasi same na same sila, same rin kasi 'yong mangyayari sa kanila HAHAHAHA the rejected squad.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now