CHAPTER 67- Problem

3K 83 0
                                    

"S-simon?" Mahinang bulong ko, hindi makapaniwala. Nagulat ako shit, gulat na gulat dahil matagal ko siyang 'di nakikita, hindi ko na siya nakita simula noong sinagot ko si Sy kaya kinabahan talaga ako sa mga oras na ito.

"A-anong g-ginagawa mo rito?" Luminga linga pa ako para maghanap pa nang puwedeng sasabihin.

"Relax, okay?" Shit, bakit ba nakangiti siya? 'di ba dapat galit siya dahil sinagot ko si Symon nang hindi man lang pinapaalam sa kaniya kahit nililigawan niya rin ako.

Nalilito na ako!

"H-hindi... hindi ka g-galit?" Nauutal kong tanong sa kaniya. 'Wag ka ngang mautal self, kaya mo 'yan!

"What? why? bakit ako magagalit sa 'yo?" Nakangiti pero naguguluhan niyang tanong.

The hell? Hindi niya ba alam? Wala talaga siyang alam? Ano?! Mas lalo tuloy akong kinakabahan.

"Oh, I forgot to give you this.." Sabay lahad niya nang palumpon ng mga bulaklak.

Hindi niya nga alam! Paano na 'to ngayon? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? ayoko siyang masaktan.

"T-thank y-you.. I mean thank you." I really tried my best to calm right now, but I can't, I really can't.

"Any problem? nauutal ka ata." Shit! 'wag mo munang sabihin! Baka mabigla siya, at kapag nagkataon ay magalit din siya kay Symon. Baka ako pa ang maging dahilan kung bakit masisira ang pagiging magkapatid nila— at ayoko 'yong mangyari, ayoko.

"Wala naman, hehehe." 'Yan nga, 'wag kang ma-utal. Kaya mo 'yan, Portia.

Pinilit kong ngumiti sa kaniya pero sa kaloob-looban ko ay gustong gusto ko nang tumili. Ayoko nito, niloloko ko lang siya, pinapaasa, at hindi ito nararapat sa kaniya. Subrang naging mabait siya sa akin noong panahong nililigawan niya ako at ganito lang ang gagawin ko?

"Dumaan lang ako para isadya ang mga 'yan, and by the way don't thank me dahil hindi naman sa akin nanggaling 'yan." Nagtaka kaagad ako.
Hindi sa kaniya? eh kanina galing 'to?

"Kanino?" Puno nang pagtataka kong tanong sa kaniya.

"Sa boyfriend mo. Sige, aalis na ako. Medyo nagmamadali rin kasi ako."
'Yon lang ang sinabi at umalis na.

Alam niya pero para saan pala 'tong pagkakaba ko? At sino ba ang nagbigay nito kung hindi siya?

It's two days before the pageant. Excited at kinakabahan ako dahil malapit na ang pageant. Gosh, at hindi ko pa naman din nakokompleto ang mga kinakailangang damit para rito.

Ang mga kailangan ko kasi ay white shirt and black jeans, high heels, for sports wear, bikini, and lastly the gown, pero 'yon ang wala ako.

Ang pinopreblema ko 'yong gown dahil mahirap hanapin ang sosyaling gown na babagay at maganda tignan sa akin.

Napabuntong hininga ako, "Saan ko nga ba kasi hahanapin 'yon?" Napabuntong hininga ulit ako.

Kung tutuusin hindi naman sana malaki ang problema 'to kung wala rin akong problemang pinagdadaan, kaso mahirap ngayon, at wala akong perang pambiling gown para rito kasi nga nagtitipid ako para kina chang.

"Oy, kanina pa ako naririndi kakabuntong hininga mo, ah." Nagulat naman ako sa pagsulpot ni Janine sa kung saan. Kabute ba siya? o may lahi talaga silang gano'n?

"Nandiyan ka pala?" Gulantang na tanong ko.

"Oo te, nandito na ako kanina pa lang. Hindi mo nga ako pinapansin, eh." Ay ang taray, umirap pa talaga siya sa akin.

"Sorry naman, marami lang akong iniisip ngayon." Tumaas naman ang kilay niya sa pagtataka.

"Ano ba 'yan? baka may maitulong ako sa 'yo." Ang bait naman niya ata ngayon pero ang tanong kung sasabihin ko ba sa kaniya? Kapag sinabi kong gown ang pinoproblema ko malamang itatanong kung saan ko gagamitin, at kapag nagsinungaling naman ako sasabihin nilang 'You're not good at lying' oh 'di ba wala nang palag palag 'to? Tks.

"Hindi mo ako matutulungan." Mabilisan kong sagot, mas lalo lang siyang nagtaka.

"Love life ba 'yan? naku, 'di talaga kita matutulungan. Love life nga noong akin 'di ko masolusyunan, eh." Natawa naman ako. Hanggang ngayon pala hindi pa siya sinasagot ni Azrael.
kawawang Janine.

"Hindi." Natatawang sabi ko, nakahinga naman siya nang maluwag.

"Ano ba kasi 'yon?" Sabay kamot niya pa nang batok. Sasabihin ko na lang kaya? Para matapos na. Hindi rin kasi 'to titigil kapag hindi nakukuha ang gusto, eh.

"K-kasi ano... sasali sana ako sa p-pageant..." At nautal pa talaga ako—tangek, samantalang natulala siya nang halos dalawang minuto.

Ano kayang iniisip niya? Siguro tatakpan ko na ang tainga ko ngayon pa lang. For safety purpose.

"O... m... g! as in?!" Tuwang tuwang sabi niya. Napabuntong hininga ako. Ealamat at hindi siya tumili.

Tumango tango ako, "Oo nga." Ngiti ko pang sabi sa kaniya, pero nagtaka kaagad ako nang mapalitan nang lungkot ang saya sa mukha niya kanina.

"May problema?" Baka tungkol sa jowa niya 'to.

"Yeah, we have a really really big problem." Kinabahan na ako sa ka seryusuhan niya.

"H-huh? Ano naman 'yon?" Nagtatakang tanong ko.

"Baka sino." Nakangisi niyang sabi.

"Eh.. sino?" Shete, kinakabahan na naman ako pero ito siya at nangbibitin—

"Si kuya."

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now