"let's proceed to sports wear!" Ang pinili ko ay ang pang basket ball kahit kaunti ay marunong naman ako no'n.
Kulay black ang suot ko at ang astig tignan dahil 'yong nasa likod ay 'Symon's property' 'Yon lang kasi 'yong nakita naman sa cabinet ni Sy.
Yes, kay Sy nga."You have 15 minutes to change outfit so be fast." Malakas na sigaw no'ng maarteng babae. Kala mo naman talaga, amp.
"Talian natin buhok mo." Sabi ni Janine. Tumango na lang ako, wala naman kaai akong alam sa mga style style kaya siya na bahala.
Nang matapos ito sa pag-ayos ng buhok ko ay kaagad niya akong hinarap, "Ayan.. ang ganda mo!" Manghang sabi niya, napangiti na lang ako.
"Nasaan 'yong bola ko?" Taka kong tanong dito, nagtataka naman siyang napatingin sa akin.
"Anong bula? Anong gagawin mo naman do'n?" Napangiwi ako.
"Malamang gagamitin "
-Tinaasan niya ako ng kilay"Naku Portia, 'wag kang ano riyan, pageant 'to at hindi liga." Ay piloso?
"What I mean is props ko 'yon para maganda tignan at bagay din." Tinaasan niya lang ulit ako ng kilay sabay nandidiring tinignan ako.
"What?! No! hindi ako papayag." Ang arte, ah. Eh, bula lang naman 'yon.
"Ikaw ba ang sasali?" Sarkastiko kong sabi rito.
"Hindi pero yaks! ang pangit naka kaya, heel ka tapos may bola? stupid." Eh? hindi ako inform na naka-heel ako, naka tsinelas lang kasi ako ngayon.
"Anong heel ang sinasabi mo?"
"Mag he-heel ka malamang dahil pageant 'to." Paulit ulit lang? Oo na alam ko.
"Ayoko, dapat sapatos kasi basket ball nga 'di ba? sinong tanga ang mag he-heel ng mag ba-basket ball aber?" Sabay taas ng kilay ko rito.
"W-wala." Nag-iwas ito ng tingin sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Wala naman pala, eh." Wala na siya nagawa kundi ang sumunod sa gusto ko. Pinasuot niya na ako ng sapatos at ibinigay sa 'kin ang bola.
Ganda ng bola at ang astig.
Minutong nagdaan at nag simula na ang sports wear, "Let's welcome the sports attire, starting from candidate number 1,"
Ang ganda naman. She's wearing a Badminton outfit.
"Candidate number 2,"
Ang puti, kaloka. She's wearing a Table Tennis outfit.
"Candidate number 3,".. "Candidate number 4,"... "Candidate number 5," hanggang sa napunta na sa akin, "And now let's welcome, candidate number... 35, Miss Portia Ele Del Gatilio with her sports attire!" Umakyat agad ako sa stage at 'yon ulit ang hiyawan at palapakpakan. May namamangha, may natutulala, may iba rin namang wala paki.
Ginawa ko ang nararapat gawin. Kumenbot at nag pose, I even dribble the ball.
"let's proceed to bikini wear. Naku, ito na talaga guys, mag lalakihang mata na naman itong mga lalaki natin dito. Ready na ba kayoy boys?"
"YES NAMAN!" They all shouted.
"Ihanda na ang pamaypay dahil magiging mainit ang palaigid!" Malanding sabi ng emcee.
"Portia, 'wag kang ma-tulala riyan, magbihis ka na."
"Yes, ma'am." Kaagad kong sinunod ang sinabi nito at nagbihis na nga. Isang black bikini ang isinuot ko.
"Ang hot kong tignan.." Manghang sabi ko, natawa lang si Janine do'n.
"Sinabi mo pa."
"Puwesto na! Puwesto na!" Malakas na sigaw no'ng maarteng babae. Lumabas na ako at kaagad pumila.
Ang ga-ganda at ang ho-hot din nila tignan."Candidate number 35, with her bikini attire, so hot Miss Del Gatilio!"
Dagdag pa nong emcee nang tawagin ako. Kinindatan ko lang siya sabay akyat ng stage."ELE, BUMALIK KA RITO!" May sinabi ba siya? pero huli na, nakasalubong ko na ang nagliliyab niyang mga mata sa galit.

YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...