Napa-tingin ako sa loob ng mansion nang narinig kong may nag door bell.
"Sino naman 'yon?" Tumunog ulit 'yon. Naku Ele at kuya mga bingi ba kayo? ako na nga lang.
"Guard, open the gate!" Malakas na sgaw ko sa mga walang paki alam na guardiya ni kuya, dapat isisante ni kuya 'tong mga 'to, eh.
Kaagad naman nila akong sinunod. Pagbukas no'n isang sport car ang tumambad sa akin, color black ito. Umandar kaagad ito at sa mismong tapat ko pa talaga nag park.
Wow, huh? may nakalagay bang parking area sa noo ko?! kapal nito. Babatukan ko talaga 'to kung sino 'to.
"Hoy! lumabas ka nga riyan, mayabang ka!" Bumukas kaagad ang pinto ng kotse. Nawala ang inis kong reaksyon nang nalaman ko kung sino 'yon.
"Kuya Xander? oh my god!" Mabilis akong lumapit dito. Inilahad niya kaagad ang kamay at astang yayakapin niya ako nang gumilid ako. Ayon, 'yong mukha na sapo sa harapan ng kotse. Bwahaha, 'kala mo, huh?!
"Kuya, kasama mo si Azi?" Kaagad kong tanong, ayon, inis na inis ang mukha niya.
"Wow naman lil sis, siya talaga ang una mong hahanapin? kaysa sa kuya mo?" Inis niyang singhal sa akin. Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.
"Naman no, sino pa ba?" Proud kong sabi, napa-face palm lang siya kaya natawa ulit ak.
"Whahaha, epic 'yong mukha mo kuya- of course hanap din kita pero.. kaunti lang." Tawang tawa ako samatalang siya naman ay hindi maka-paniwalang nakatingin sa akin.
"Tks, mabuti talagang hindi ko sinama si Vigancillio." Nag-pout naman ako sa sinabi niya.
"kuya naman eh, dapat sinama mo." Asar kong singhal dito, ngumisi lang siya at binilatan ako.
"Kuya naman kasi! hindi ako makaka-ganda points ngayon, huhuhu." Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Hindi ba pogi points 'yon?" Napa-irap na lang ako rito. Ang slow nito.
"Shunga, lalaki ba ako?!" Pambabara ko rito, siya naman ngayo ang tumawa.
"Nasaan nga pala si twin?" Kaagad na tanong nito at luminga linga pa.
Yes, you heard it right. Twin. Meet Simon Xander Santilian twin of Symon Axel Santilian. Magkamukhang magkamukha sila kaso iba 'yong awra nila. Si kuya Xan malambot at pala ngiti, samantalang si kuya Xel naman masungit at cold. 'Di ba ang laki ng pinagka-iba? ako lang 'yong iba. And of course me? I a'm Cassandra Janine Santilian.
"Nasa kusina kuya Xan." Pagsusungit ko rito. Hmp, galit pa rin ako sa kaniya dahil hindi niya sinama si Azi my loves.
Hindi na ako magtataka kung bakit ampon ako ng pamilyang 'to. Tks!
Nag-bihis ako ng puting dress. Ewan ko ba kung bakit ito ang napili ko, nakita ko lang kasi 'to sa pinaka-ilalim na bahagi ng bag ko. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti ng parang baliw. Masaya ako dahil mahal din ako ni Symon. Pero malungkot ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Sasabihin ko bang mahal ko rin siya? o- Argh! hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Bumaba na lang ako para hindi na magtaka si Janine dahil hindi naman ako pala-tambay sa kuwarto ko.
"Janine, nasaan ka?" Napa-tingin ako sa likod ko nang may marinig akong parang anghel na boses. Anghel?
"What the fuck?" Mahinang bulalas ko at nataranta kaagad ako.
"Anghel... anghel, shit!" Umatras pa ako. Isang maputi at matangkad na babae. Maganda para siyang... a-anghel.
"Sy, you okay?" Napa-pikit na lang ako sa boses niya, sobrang lambing nito sa tainga ko.
"Hello? Sy?"
"Shit!" Kinakabahan kong sabi, subrang bilis din ng tibok ng puso ko sa mga oras na 'to.
"Oh god Lord please, kung nakabuntis man ako papanagutan ko na po talaga, pangako po pero 'wag naman sanang magpadala ka pa nang magandang anghel, Lord." Kinakabahan kong sabi habang nakapikit.
What?! Si Sy naka-buntis? Parang kumirot naman ang puso ko sa naisip ko.
"Portia?" Napa-tingin ako sa likod ko nang may tumawag sa pangalan ko. Laking gulat ko na si Symon ulit 'yon.
Oh Lord, alam kong mahal ko 'to pero 'wag naman sanang siya na lang palagi ang nakikita ko.
"Please, magpapakabuti na po ako!" Nanginginig na sabi naman nitong kaharap kong Symon.
"Portia, are you okay?" Napa-tingin ulit ako sa likod ko no'ng magsalita 'yong symon sa likuran ko. Pabalik palik na ang tingin ko sa dalawang Symon sa likuran ay harapan ko.
"D-dalawang Symon?" Hindi makapaniwalang sabi ko at hindi ko na malayang dumilim na pala ang palagid ko.
YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...