Alam niyo? mas gusto ko pa atang ganito siya kaysa sa, bossy, masungit, cold at walang puso na Symon Axel.
"Portia, come and join me, let's eat." Malambing niyang sabi. Tinapik niya pa ang katabi niyang upuan.
See? Malandi na siya ulit. Ano na naman kaya ang nakain nito?
"Salamat na lang pero mauna ka na, tapos na kasi ako." Astang aalis na ako nang higitin niya ang kamay ko pa-upo sa tabi niya. My god, buti at sa tabi lang, akala ko naman sa hita.
"You're not good at lying, you know?" Ayon! kambal talaga sila ni Simon. Ang mag-kaiba lang doon, eh englishero 'tong isang 'to. Akala mo naman.. tks.
"Hindi na, busog pa ako." Pagsisinungaling ko ulit.
Sige pa, Portia. Push mo 'yan. Gantihan mo 'yang malanding Symon,
pahirapan mo gaya nang pagpapahirap sa 'yo ng masungit na Symon. Tks."Sa payat mong 'yan? busog na 'yan?"
At talagang ng insulto pa, huh? Perfect ka? perfect?!"Akala mo naman may abs ka." Shit! ba't 'yon ang nasabi ko? Naalala ko tulog 'yong ginawa kong pagsilip noon.
"Matignan nga," Lumakad ako patungo sa isang kulay pulang pinto. Saktong bukas ito kaya dahan dahan ko 'tong mas binuksan pa. Nagulat ako nang tumambad sa akin ang matipunong katawan ni Symon.
Shit- makalag-lag panty. May abs pala siya? at hindi lang 'yon, isang pang-malakasang burning abs dahil na rin siguro sa nararamdam kung init habang tinitignan ko iyon. Wala siyang suot na pangtaas kaya kitang kita ko ang pandesal niya.
Ang daming pandesal, tamang tama pang-agahan. Kung hindi ko lang 'to amo nagahasa ko na 'to- ang dumi na naman ng utak ko.
Napa-lunok ako ng dumadaos-os ang isang butil ng pawis sa abs niya.
"Ang suwerta, sana ako na lang 'yon." Mahinang bulong ko. Patungo iyon sa biyak ng abs niya.
"Tks, 'wag ka nang magparinig, kung gusto mong makita papayagan naman kita. Ano? ngayon na ba?" Ang kapal ng mukha, ah pero... parang gusto ko rin 'yon. Shh- ano ba Portia?! gising!papahirapan nga di ba?!
Tumayo na lang ako at naglakad lakad sa may hardin at iniwan ito.
"Ang ganda na rito.." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Nagulat na lang ako nang may mainit na kamay ang naglakbay sa balikat ko.
"Mas maganda ka."
"Aww!" Malakas na daing niya. Ayon, binalibag ko, napahiga tuloy sa sahig.
"Weak mo naman sir." Mataray kong sabi. Alam kong hindi niya ako tatanggalin dahil kapag tinanggal niya ako sasabihin ko sa buong mundo na manyak na malandi 'tong amo ko.
"Aray naman, ito na nga lang ang oras natin para magkasama gagantuhin mo pa ako."
"At bakit aber? Palagi kaya tayong magkasama."
"Anong palagi? sa pagtulog at pagligo hindi kaya no." sa inis ko ay ayon binatukan ko.
'Yong sinabi kong mas gusto ko 'yong malanding Symon naku binabawi ko na, mas gusto ko 'yong masungit na Symon.
Napairap na lang ako sa hangin.
Mayamaya, "Symon, tigil tigilan mo nga ang pagsunod sa 'kin!" Malakas na singhal ko sa kaniya. Para kasi siyang buntot ko, kung nasaan ako nandon din siya.
"Lumalayo ka kasi sa 'kin, kung sana lumapit ka edi hindi na ako susunod sa iyo." Aba, at kasalanan ko pa?
"Kapal nito " sabay irap ko.
"Bandila ng pula mo ba ngayon?" Napa-taas naman ang kilay ko sa pagtataka. Ano raw? bandila ng pula?
"Ano?!"
"Bandila ng pula.. 'yoong ano.. yong... gumagamit ka ng malaking band aid, tapos itatakip mo sa ano mo." Sa ano raw? Nababaliw na ba siya?
"Malaking band aid?" Patanong kong sabi. Naku Sy, I think you need mental help na.
"'Yong may tumatagas na pula sa ano mo." Mabilis na namula ang buong mukha ko. Tumatagas na pula sa ano mo? tumatagas- what the fuck?!
"O-of course not!" Bigla kong sabi at nag-iwas ng tingin dahil pulang pula na ang mukha ko.
"Eh? bakit ang sungit mo ngayon?"
"Paki mo sa mood ko?" Inirapan ko ito. Inis na inis talaga ako sa kaniya. Bahala ng siya.
"Sorry na ..." Malabing niyang sabi,
tumaas lang ang kilay ko."Ba't nag so-sorry ka?" Inis kong tanong dito.
"Dahil ba riyan sa paghihirap ko sa iyo nitong naka-raan?" Nag-iwas lang ako ng tingin.
"Sabi ko nga sa sa 'yo just trust me and everything will be back to normal."
Napabuntong hininga ako, "Ang boring!" Sabay higa ko sa malaking sofa nila.
"Gawa tayo baby para hindi na boring." Kaagad kong binato sa kaniya ang unan na nasa gilid ko.
"Gawa ka sarili mo!" Singhal ko rito, tumawa lang siya.
"Hindi puwede magsarili dapat kasali ka, tara?"
"Tks, babatukan na talaga kita Sy!" Malakas kong sigaw dito.
"Portia.." Mayamaya nitong mahinang bulong, masama ko lang siyang tinignan.
"Ano? may kabalustugan ka na namang gagawin?" Singhal ko rito, napaismid lang siya. Kala mo, huh!
"Grabe ka naman sa 'kin, may ipapa-translate lang ako sa 'yo." Naka-pout niyang sabi.
"Ano ba 'yon?" Ka-inis naman 'to oh.
"I translate mo ng english, huh?" Eh?
"Wow naman, si Symon Axel Santilian hindi marunong mag-english?" Sabay irap ko.
"Sige na, please?" Pag-popout niya pa. Tks, akala mo naman cute.
"'Wag ka ngang mag-pout, mukha kang pato." Pangbabara ko rito, ayon mas humaba ang pag pout nang labi niya.
"Portia naman! ang pogi ko kaya."
"Pogi mo mukha mo." Felingero..
"Ano ba 'yon? para matapos na."
"Nasa laboratoryo ako kasama mo." Ang dali dali lang naman no'n, ba't sa akin niya pa tinatanong. Pff.
"I'm in lab with you." Kampante komg sabi, ngumisi lang siya.
"Yeah, I know." Eh— wait a minute! Ano 'yong sinabi ko? I'm in lab—
"Symon!"
YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...