CHAPTER 29- Let's Date

5.2K 165 0
                                    

Kinabukasan, maaga na naman akong nagising. Lumipas ang isang araw at monday na naman ngayon meaning may trabaho na naman ako. Sana naman wala na 'yong ahas sa baba dahil hindi na kaya ng power ko. 

Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ng kaunti.

Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan— Sa wakas wala na siya, yes! Kaya ayon masaya ako pumunta sa kusina.

"Good morning everyone—" Naputol ang dapat kong sasabihin nang makita ko siya sa tabi ni Symon.

Eh? Bakit nandito pa rin siya? 

"Good morning too, Portia." Naka-ngising bati sakin ng ahas. 

"Bad morning kamo." Padabog akong umupo sa tabi ni Simon. Yes, nandito rin si Simon at si Janine. 

"May problema Miss Anghel?" Napalingon ako kay Simon nong magsalita siya. Napa-ngiti na lang din ako at the same time dahil sa pagtawag niya sa 'kin ng 'Miss Anghel'

"Wala naman, mister." Natatawa kong sabi , natawa rin siya sa tinawag ko sa kaniya.

"Ay ang sweet, nilalanggam na 'ko rito!" Sabay kaming napatingin kay Janine. May itinuro sa 'kin si Janine, sinundan ko agad ang itinuturo nito at napa-singhap na lang ako nang si Symon pala 'yon. Umiigting ang panga at madilim ang awra at parang inis na inis sa mundo.

Anong problema niya?

"You know Simon and Portia you're perfect match, bagay na bagay kayo. Girlfriend mo ba si Portia, Simon?" Napa-awang ang labi ko sa tanong niya.

Mahinang natawa si Simon, "Ikaw talaga Per pero sige sasagutin ko, hindi ko siya girlfriend—ay mali hindi ko pa pala siya girlfriend."

Napuno ng asaran ang paligid. Ako lang at si Symon ang tahimik. Napatahimik lang sila ng tumikhim si Symon.

"'Pag nasa hapag tayo puwede bang kumain lang at 'wag mag landian?"
At landian raw? kainis 'to, ah. Siya pa talaga ay may ganang sabihin 'yon sa amin?

"Gano'n ba ang gusto mo? o sige kayo muna ang sumunod ng gusto mo tutal kayo lang naman ang naglalandian." Inis kong sabi. Kasi naman, ang lapit lapit nila sa isa't isa tapos palagi pang sinusubuan ni Pershen si Symon. 

Ang landi!

"Tks!" 'Yon lang ang nasabi niya.

Sa mga naka-lipas na minuto walang nagsalita sa aming lahat, nang biglang.....

"Here, tikman mo 'to, masarap.." Sabay  bigay sa 'kin ng ulam ni Simon.  Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong tignan si Symon sa mga oras na 'to pero 'wag masasaktan ka lang sa makikita mo Portia, so 'wag— pero kasi! Pero... nakita ko siyang inis na inis na at umiigting ang panga. Yes, tumgin nga ako, hindi ko kasi mapigilan ang sarili.

"Sige, salamat." Sagot ko kay Simon habang naka-ngiti, ngumiti rin siya pabalik.

"I'm done." Nagulat ako nang padabog na ibinaba ni Symon ang kutsara niya at biglang tumayo.

"Pero hindi ka pa tapos." Tatayo rin sana si Pershen ng pigilan siya ni Janine.

"Naku, 'wag ngayon malandi. Hoy Portia! ikaw na do'n!" Bigla akong nagulat no'ng tinulak ako ni Janine.

"Pero—"

"No buts, go on. Galit 'yon kaya lambingin mo muna." Sabi pa nito.

"What?! Bakit siya ang magla-lambing? 'Di ba dapat ako tutal ako ang girlfriend niya?" Kahit na ang lakas lakas na ng boses ni Pershen ay itinulak pa rin ako ni Janine, napa-tayo na lang tuloy ako at naglakad na paalis.

Narinig ko pang umangal si Pershen pero binabara lang siya ni Janine.

"Symon....." Kinakabahan kong sabi. Lumingon lingon ako baka sakaling mahagip ko siya ng tingin pero wala pa rin. Nagpunta ako sa hardin, pumunta ako sa pinaka dulo at nagulat ako ng ma-lihis ang tinatapakan ko kaya ayon— Lumipas ang tatlong segundo na hindi ko pa rin na lips to lips ang damuhan. 

"Tks, stupid." Kaagad akong napa-tayo ng matuwid nang malaman kong hinigit pala ni Symon ang bewang ko kaya hindi ako nakipag lips to lips sa sahig.

"S-salamat." Nauutal kong sabi. Nakakahiya!

"What are you doing here?" Malamig niyang tanong sa akin.

"Kasi... ano... hmm.." Ano bang sasabihin? ko na tinulak lang ako ni Janine para hanapin siya at para lambingin kesyo galit siya?

"What?" Bagot niya pa ring tanong.

"Nagpapahangin lang— ah, 'yon nga nagpapahangin lang ako kaya ako nandito, hehe." Pilit na ngiti ang binigay ko sa kaniya.

"Are you sure? Bakit dito ka napadpad? Last time I checked, ako lang ang nakakaalam dito." Sabay lingon-lingon niya sa paligid, napa-lingon din tuloy ako sa paligid at namangha na lang ako sa nakita ko. Grabe anv ganda!

"Wow!" Mahina sabi ko, manghang mangha sa nakikita.

"See? you're stalking me. Tell me the truth, why are you here?" Mas madiin niyang tanong pero may naglalarong ngisi naman sa labi niya.

Eh?

"Kasi naman.." Nag pout ako at nagpapa-cute. Tumalab ka please!

"Tks!" Napa-singhap ako ng higitin niya ako at niyakap. Itutulak ko sana siya nang magsalita ulit siya.

"Please? kahit kaunting oras lang? pambawi mo lang sa 'kin dahil pinaselos mo ako." Napa-awang ang labi ko sa sinabi niya.

"Selos na selos na ako, baby. Kung puwede ko lang sabihin sa 'yo na layuan mo siya pero hindi, eh hindi ko kaya pero hindi ko rin kayang mawala ka." Malambing niya bulong sa tainga ko.

"Let's date." Wala sa sariling sabi ko at huli na ang lahat nang mag sink sa akin. Akala ko kasi sa sarili ko lang 'yon sinabi pero hindi pala, hindi!

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now