CHAPTER 104- Give Up

3.1K 70 1
                                    

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong niya, kahit ang sarili ko ay itinatanong na rin ang tanong na iyon pero kahit anong isip ay wala akong maisagot.

"Ma'am, I love him." Ewan ko kung bakit 'yon ang sagot ko sa tanong niya pero 'yon naman din kasi ang totoo.

"It's either yes or no, iha."

"Yes, Ma'am. I really love your son." Marahan at kampanteng sagot ko, nakita ko kong paano sumilay ang ngisi sa kanyang labi na ikinapagtaka ko.

"Do you really think na maniniwala ako sa sinasabi mo? knowing na binilhan ka niya ng bagong kotse para lang sa pangsarili mong kailangan?" Umawang ang labi ko sa narinig ko sa kanya.

The car? right. Sinabi ko na nga ba, sa oras na tanggapin ko ang kotseng 'yon ay pwede na niyang sabihin na isa akong gold digger pero hindi ko naman 'yon tinanggap dahil gusto ko.

"Ma'am-" Mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko gamit lang ang kamay niya na winasiwas sa harapan ko.

"A new car for you? you're so funny, dear. Then here you are, sasabihin mong mahal mo siya kahit na wala ang pera niya pero tumatanggap ka ng mamahaling bagay sa kanya. At ang kapal din ng mukha mong tanggapin ang kotseng iyon at the edge of his company falling! Don't fool me!" Halos manginig ako sa kaba sa sinabi niya.

Yes, she's right. Tumanggap nga ako ng mamahaling gamit, kahit sabihin kung pilit kong tinanggi ang bagay na yon ay tinangggap ko pa rin, at may karapatan siyang sisihin ako at husgahan.

"Ma'am, pinilit ko naman pong tanggihan siya dahil alam ko rin pong kailangan niya ng perang 'yon sa kadahilanang pabagsak ang kompanya pero-" Pinutol niya ulit ako.

Bakit ko pa ba 'to sinasabi, eh halos hindi niya rin naman ako pagsalitain.

"Of course, sasabihin mong tinanggihan mo, but again, walang magnanakaw ang aamin." Umawang ang labi ko sa sinabi niya, hindi ako makapaniwalang gan'to siya.

"Ma'am, maniwala ka man o sa hindi mahal ko po ang anak niyo dahil siya si Symon, hindi dahil sa pera!" frustrated ko sabi, hindi ko na makilala ang sarili ko dahil don, para na akong desperadang paniwalain lang nila ako.

"Oh, c'mon, you can't fool me. " Umawang lamang ang labi ko sa sinabi niya, mayamaya ay napabuntong hininga na lang ako. Disperado akong ipaintindi sa kanya ang side ko pero kung gan'to siya walang mangyayaring intindihan.

"You know, iha, magugustuhan na sana kita but knowing na ang pangtostos ng pag-aaral mo ay nanggaling sa pera ng anak ko ay nakaka-dismaya," Natulala ako sa mukha.

Anong ibig sabihin niya roon? hindi maari. Nag sinungaling na naman ba si Sy? Alam kung siya ang may ari ng pinapasukan kong paaralan pero sinabi na niya sa aking kapag nakapasa ako sa entrance exam ay wala na akong iisipin pa, pero ano 'to?anong ibig sabihin nito?

"Bilib na ako sa pagiging artista mo. Kung hindi ko lang nalaman agad ang tunay mong pagkatao maniniwala pa ako sa 'yo, but no I know you too well. Alam mo rin bang dahil sa kapangasan mo ay malapit ma kick out sa board ang anak ko? Alam niyang kapag pinagbigyan ka niyang makapasok sa school doon na walang kahit anong pera ay makakasuhan siya kahit na pagmamay-ari niya pa ang paaralang 'yon" Muli lang akong natulala sa kanya, hindi na makapagsalita.

Malapit siyang makick-out sa board? Wala akong alam tungkol diyan. Ano bang pinanggawa ni Symon? Argh, nababaliw na ba siya?!

"Sy, ano na namang ginagawa mo dito?" Frustrated kong sabi ng makasalubong ko na naman siya sa hallway. Kaagad siyang napabaling sa akin nang nakangiti pero hindi nakatakas sa akin ang pagod sa mata niya o namamalikmata lang ako?

"C'mon, baby, don't you miss me?" Napairap kaagad ako sa malanding tuno nito, hinapit pa niya ako sa bewang. Kaagad akong napatingin sa paligid kong may tao bang nakakita pero nang wala akong makitang tao sa paligid ay nakahinga na lang ako ng maluwag.

"No, umuwi ka na, may trabaho ka pa." Naiilang na sabi ko dahil inaamoy niya ang leeg ko. Hindi ko alam kong ano ang amoy ko ngayon, kakagaling ko pa naman sa pagtakbo.

"Mhh, you smell so good baby." Tumindig ang balahibo ko sa uri ng tuno niya. Kaagad ko siyang naitulak nang makitang bubukas ang pintuan, nagtaka man si Sy at pilit akong yakapin muli pero nang nakita niya rin ang lalaking papalapit sa amin ay hindi na niya pinilit at hinarap ang lalaking parang may kailangan sa kanya.

Ano kaya yon?

"This is just a warning Mr. Santilian. Please, don't be a selfish anymore." Natigla ang tenga ko sa narinig ko. Selfish? Sino? Si Symon ba ang tinutukoy nito? What's happening?

'Yon na pala 'yon, hindi pala ako namamalikmata sa nakita kong pagod sa kanyang mga mata. Hindi ko manlang namalayang dinadagdagan ko lang pala ang mga problema niya sa bawat pagdaan ng oras. Pero bakit Sy? why did you not tell me? Why?

"Do I really deserve him?" I asked again to myself, kasi kahit paulit-ulit kong itanong sa sarili ang tanong na iyon ay hindi ko alam kong bakit hindi ko masagot-sagot.

"Now, what iha? Gulat ka bang alam ko ang kapangahasang pinanggagawa mo sa anak ko? Dinagdagan mo lang ang problema ng anak ko, so don't question me if you are not the best for my son, dahil alam mo na ang isasagit ko roon. Hinding hindi ka mababagay sa anak ko. You're nothing but a gold digger." I wanted to cry but somehow I feel like I don't deserve to cry, dahil hindi naman ako ang nahihirapan kundi si Symon! Symon na ginawa ang lahat para sa akin kahit unti-unti na siyang binababa ng iba nang dahil sa akin.

"N-no," Kahit na alam ko sa sarili kung kasalanan ko ang lahat ng ito ay ayokong isipin na hindi kami bagay para sa isat-isa. Pero kahit na may tama siya ay mali siya sa sinabing pera lang ang gusto ko, ni minsan hindi ko inisip ang pera na meron si Symon kundi buong siya ang inisip at minahal ko.

"Oh, hindi pa 'yan, meron pa," Ngumisi siya sa harap ko. Hindi pa? Ano pa ba? Ano pa bang problema ang dinagdag ko kay Symon?

Alam kung hindi ako nararapat kay Symon pero mahal ko siya! mahal na mahal ko siya!

"The meeting," Kaagad akong napaangat ang tingin sa kanya.
What meeting?

"The most important meeting para sa kanya, but then, he choose to come with you for that poor event " Umawang ang labi ko rito. Ano bang ibig niyang sabihin? hindi ko siya maintindihan.

"And, you know whats more with that? Sinayang lang naman niya ang pinakaimportanteng deal na sasalba sa kompanya niya para lang sa 'yo, para lang masamahan ka, then what did you do? you fooled the fuck of him!" I can't say anything, kong meron man ay hindi rin kaya kasi wala nang lumalabas na salita sa bibig ko. Nothing. Wala na akong sasabihin, tama na ang lahat ng 'yon sa araw na ito. Tumayo na ako at aastang aalis na nang marinig ko ang bulong niya.

"So, please stop it, not him." Ramdam ko ang sinseridad sa sinabi niya bago ako tuluyang umalis sa lugar na iyon.

Should I really give up Symon?

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now