CHAPTER 38- Selosong Manliligaw

4.6K 147 0
                                    

"Dahil mahal kita at nililigawan kita, okay na ba 'yong rason ko?" Walang pagdadalawang isip sa sagot nito, umawang lang ang labi ko, at hindi siya makapaniwalang tinignan.

"Ang seloso mo namang manliligaw." Namumula kong sabi.

"My baby si blushing.." Nakangisi niyang sabi, tila inaasar ako.

"Hindi talaga kita sasagutin." Hamon ko rito, ngumisi lang siya sa akin.

Mukhang hindi talaga siya takot kahit umayaw man ako sa panliligaw niya.

"Remember, I don't take no as an answer." He winked at me.

"Yabang mo talaga, ah tignan lang natin kyng hanggang saan ka tatagal." Hindi rin ako magpapatalo no, papahirapan kita Symon, tandaan mo 'yan, tks.

"Try me , my future wife..." Ang hangin talaga ng isang 'to.

"Advance mo mag-isip, nanliligaw ka pa lang kasal na kaagad?" Nakangiwing sabi ko rito.

"Doon din naman tayo pupunta, bakit pa patatagalin?" Kampante at baliwala niyang sabi. Pahihirapan ko talaga 'tong bwesit na 'to. Nakalainis mangligaw, subrang yabang, ang sarap batukan.

"Ambot nimo dong." Sinubukan kong magsalita nang bisaya, at alam ko namang hindi niya 'yon naiintindihan.

"H-huh?" Nagtataka niyang tanong. Sabi na, eh hindi niya talaga mage-gets.

"Wala." Maikling sagot ko at naglakad na pabalik sa ospital, mabilis naman ako nitong sinundan.

"Anong sabi mo?"

"Wala nga."

"Isa baby, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

"Wala sabi." Kampante ko pa ring sabi.

"Dalawa," Tks, bahala ka riyan.

"Tatlo," Oh? naabot na 'yong tatlo pero wala pa rin namang nangyayari.

Pagliko ko sa hallway, nagulat na lang ako nang may sumakop sa labi ko, "Hmm" Mahinang daing ko, hindi ako makahinga!

"What is it baby? tell me." Bulong niya sa tainga ko.

"Wala ng—" Nagulat na lang ako nang sakupin niya ulit ang labi ko. Hiningal na lang ako nang bitawan niya na ang labi ko.

"Is my baby wants more?" Mapaglaro niyang tanong, and he's even smirking. Shete, bakit parang gusto ko pa nga?

"Ano nga 'yon?" Hindi pa pala siya tapos doon? Akala ko tapos na.

"That's mean... hindi mo alam." Tumango lang siya.

"Is that it? Hmm, pinatagal mo lang, eh you just want my kiss." Nainis kaagad ako sa pang-aasar nito sa akin.

"Ang kapal mo talaga Symon Axel Santilian!" Buong lakas kong sigaw rito na, samantalang tumatakbo na siya patungong loob nang ospital.

"Anong nangyari, Ele?" 'Yan agad ang bungad sa akin ni Janine nang makita ako nito. Excited pa ito habang tinanong ako.

"Wala naman." Kampante kong sabi, saka umupo sa tabi niya.

Sasabihin ko bang kami na— ay este nanliligaw si Symon sa 'kin? Ewan.

"We? hindi ako naniniwala sa 'yo. Bakit ang saya saya ni kuya kung wala lang?" Nagtaka naman ako.

"Paanong masaya?" Nagtatakang tanong ko.

"Kanina patalon talon siyang pumasok, malapit pa ngang maka-bangga, eh tapos ngiting ngiti niya pa akong binati, akala ko sinapian, eh." Nalilitong sabi ni Janine, namula naman agad ako.

Subrang saya niya ba talaga? He's happy because of the liwagan thing? hehehe, same.

"Hoy kalerke kayong dalawa, parehong pareho talaga kayo, now tell me anong mayroon, huh?" Namula lang ako, nag-iisip kong sasabihin ko ba, pero bahala na nga

"liligawan ako ni Sy..." Nahihiya kong sabi, natulala naman siya at parang hindi pa nagsi-sink in ang sinabi ko.

"Wait... What?!" Gulantang niyang tanong, samatalang nawindang naman ako sa subrang lakas noong sigaw niya.

"Oh my gosh!" Tumalon talon siya na parang nanalo sa lotto.

"Wahhh! For the very first time!" Kilig na kilig siya na para bang siya 'yong niligawan. Medyo oa talaga 'to, eh pero kahit na ganoon namumula pa rin ang pisngi ko dahil sa pang-aasar niya.

"First time talaga.." Nasabi ko na lang.
Wala akong masabi, eh ano bang sasabihin ko? Titili rin ba ako kagaya niya, eh ginawa na naman niya para sa akin.

"Portia!" Natigilan kami sa pagkuwentohan nang biglang sumulpot si Simon out of nowhere.

"Kanina pa kita hinahanap.." Nakangiti niyang sabi, umawang ang labi ko.

The bad news is.... sabay silang nagsabi, pero nauna nga lang si sy pero...

"For you..." Out of nowhere rin ay ang palumpon ng mga bulaklak niyang ibinigay sa 'kin, kahit gulat pa ay kinuha ko na lang din 'yon.

"Don't tell me the bad news is..." Tumango na lang ako bago pa siya mag-conclude.

"Haba ng hair, pa-salon na tayo, pa putol natin 'yang buhok mo grabe kasi haba ng hair." Natatawa niyang pang-aasar. Ako naman ay hindi alam kung ngingiti o matawa na lang.  Nakakalito naman kasi, Si Symon at si simon parehong nanliligaw sa akin, sinong 'di malilito roon?

"Symon.." Nakangiti kong tawag rito, nang lumingon siya sa akin ay kaagad itong ngumiti.

Kanina pa raw kasi ako nito hinahanap kaya mabilis ko agad siyang pinuntahan, ang sabi ay may ibibigay ito sa akin. Ano kaya 'yon?

"For you baby..." Nagulat na lang ako nang lahadan niya ako ng palumpon ng mga bulaklak.

"Amhh" Shete! Napaka-bad talaga ng tadhana sa 'kin>

"Why? may problema ba sa binigay ko?" Kinuha ko na lang din 'yon.

Nahihiya akong ngumiti, samantalang dahan dahan siyang napatingin sa nakatagong kamay ko kung nasaan ang bulaklak na bigay rin ni Simon sa akin kanina.

"Yeah, may problema nga." Umiigting na panga niyang sabi. Nagulat ako nang bawiin niya ang binigay niyang bulaklak.

"Saan mo 'yan dadalhin?" Nagtataka kong tanong, natataranta na rin ako sa mga oras na 'to dahil mukha na naman siyang galit.

"Itatapon, may nagbigay na pala sayo, eh late na ako, next time na lang." Inis niyang sabi. Kaagad ko namang hinablot ang bulaklak na binigay niya.

"Akin na, sayang naman..." Inosente kong sabi. I feel sad about this courting. Bakit ba kasi dalawa kayo? at magkapatid pa talaga. Ang haba na ba talaga ng buhok ko? magpapagupit na talaga ako bukas.

"Thank you rito Sy and I'm sorry." Mahina kong sabi, hindi agad ito napa-imik kaya napa-pout na lang ako.

"I'm sorry too... alam kong wala akong karapatan mag-selos pero I cant just help it, I really love you baby to the point na natatakot ako.. na baka maagaw ka sa akin, na mawala ka. I don't want that to happen..."

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now