CHAPTER 85- Don't Deserve

2.7K 87 0
                                    

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang sampal na nagawa ko sa sarili ko, kasi naman kinakabahan talaga ako, paano kung ngayon na yon mangyari?Handa na ba ako?

Mabilis kong sinamapal ang sarili ko dahil sa naiisip ko.

"God, i'm too advance." Sinabunutan ko kaagad ang sarili ko sa subrang pagkaasar na nararamdam ko.

"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Bigla akong napalingon kay manong driver dahil sa tanong niya. Nahihiya akong tumango at pinilit ngumiti rito.

"Ayos lang po." Sabay yuko ko at tago ng mukha. 'Wag ka na kasing mag-isip pa ng kung anu-ano Ele.

Minutes passed, "Nandito na po tayo ma'am." Mabilis kong sinakop ang mga gamit ko dahil nahulog ito kanina dahil na rin sa pagsampal ko sa sarili ko.

"Samalat po." Ngiting sabi ko kay manong driver. Mabilis naman akong lumabas sa sasakyan ng ngumiti na ito sa akin.

"Wow!" Manghang sabi ko habang inilibot ang paningin ko sa kabuuhan ng bar.

Mabilis akong pumasok sa loob pero hinarang kaagad ako nang guard.

"Miss may VIP pass ka ba?" Huh? Ano raw? VIP? wala na mang sinabi si Janine tungkol sa VIP pass, ah.

Nahihiya akong ngumiti kay kuyang guard.

"Ano kasi sir, may susunduin lang po ako sa loob." Pwede na ba 'yon.

"Miss, hindi pwede king wala kang pass." Iling-iling ni kuya, napakamot naman ako sa noo ko.

"Pero sir mabilis lang naman ako sa loob tapos aalis din kaagad ako." Pagpipilit ko pa. Pumayag ka na kasi kuya!

"Hindi po talaga pwede-" Naputol ang sasabihin niya nang may papasok na lalaki sa entrada.

"Good evening Mr. Del Gozon." Pormal na bati ni kuya sa lalaki. Dahan dahan ko iyong tinignan at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makilala ito.

"Hoy, ikaw 'yon!" Pero hindi niya ako pinakinggan at basta basta na lang akong nilampasan.

"HOY STUPIDONG LALAKI!" Malakas na sigaw ko na rinig na rinig sa buong entrace hallway. Narinig ko naman ang pagsinghap ni kuyang guard.

"Naku, miss, bawal mag eskandalo dito, alis na miss." Nagulat na lang ako nang hilahin ako ni kuyang guard palabas.

"T-teka lang, t-teka mo na, s-sandali." Pero hindi pa man ako pinapalabas ni manong guard nang may humapit sa amin.

"Let go of her." Akala ko si Sy pero si stupidong lalaki lang pala.

"P-pero sir n-nag eskandalo po siya-"

"It's okay, I know her. Let her in." Mabilis naman akong pinakawalan ni kuyang guard. Inayos ko kaagad ang nagusot kong damit.

"Sorry miss." Sabay yuko ni kuyang guard pero ngitian ko na lang siya at tinignan ulit si stupidong lalaki. Wait nga lang, ano nga ulit totoong pangalan niya? 'Di ba nagpakilala siya sa akin noon? Ano nga ulit 'yon?

"Won't you thank me?" Cool na sabi niya, tinaasan ko naman siya ng kilay pero kaagad ko iyong binaba at pinilit na ngumiti sa harap niya.

Bilang kapalit na lang sa ginawa niya sa 'yo Portia, mag thankyou ka na lang para matapos na.

"Thank you." Napangisi naman siya kaya mabilis kong inalis ang hawak niya at dire-diretsong pumasok na sa loob.

"Hey! hindi ka pa makakapasok kung wala ako, I have your pass here." Napatigil ako sa paglalakad at naiinis na lumingon sa kaniya, ngisi lang siyang nakatingin sa akin, natutuwa sa pangyayari samantalang ako inis na inis na. World is unfair ika nga, tks.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now