CHAPTER 50- School Year

3.9K 108 0
                                    

"Sweet couple!" Sabay kaming napalingon kay Janine. Shete, ayan na naman siya at sweet couple pa talaga. Napalingon tuloy ako kay Sy na naka-ngisi lang sa akin. Proud na proud naman talaga ang isang 'to, eh.

"Sana all sweet!" Hirit pa ni Janine.

"Pero by the way, anong plano mo sa darating na school year, Ele?" Kuryusong tanong nito na ikinatigilan ko. Hala, school year na pala? Paktay! paano na 'to?

"May problema, baby?" Sabay hapit sakin ni Sy palapit sa katawan niya. Hilaw akong napa-ngiti.

"Iwan ko muna kayo, ah?" Paalam ni Janine at umalis na. Napatingin ulit ako kay Symon na nagtataka sa akin.
Umiwas na lang ako nang tingin.

"Baby, hey, look at me."

"Hmm Sy, naalala mo si Terance?" Kaagad nagbago ang reaksyon niya. Naging madilim ito at puno ng inis. Siguro ay nagse-selos na naman siya kahit pangalan lang naman 'yong nabanggit ko.

"What about that asshole?" Napangiwi na lang ako sa itinawag nito kay Terance.

"Don't call him asshole Sy, he's a good friend of mine." Inis kong sabi, napasingap lang siya, at kahit mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ay nagbago pa rin ang reaksyon niya sa mukha.

"I-i'm sorry.." mahina niyang paghingi nang tawad, "pero may karapatan na akong magselos, right? because you're mine, akin ka, akin lang." Hindi na ako nagulat nang halikan niya ako sa labi.

"Of course, baby but listen to me... wala kang dahilan para pagselosan si Terance, okay? sino ba siya, 'di ba?"

"Sino nga naman siya para pagselosan, tks." Proud na ani nito. Napangisi na lang ako. There you go, that's my baby Symon.

"But what about him?" Doon na ako nabalik sa reyalidad.

"Ay— hmmm, kasi kapag nagtra-trabaho ako sa kaniya wala nang pasok sa school pero kapag pasukan na hindi na ako pumapasok sa kanila at bumabalik ako kina chang ko, gets mo?" Mahinang usal ko sa kaniya.

"Yeah."

"Hindi ka galit?" Naninigurado kong tanong, baka mayamaya kasi ay magbago na naman ang reaksyon niya at mainis na naman. May pagka-bipolar pa naman din ang isang 'to.

"Why would I?" Kampante niya pang sabi. Hula ko hindi niya talaga gets 'yong sinabi ko kanina.

"So, gusto mong umuwi na ako sa amin at hindi na bumalik dito?" Puno nang sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"Well, yeah, it's okay—" Tinaasan ko kaagad siya nang kilay, "wait, what?! No! of course no!" Gulantang niyang sabi. Ngayon lang ata nag sink in sa kaniya ang ibig kong sabihin janina.

"Tks, akala ko papayagan mo 'ko." Inis kong sabi.

"I will not and I will never agree with that." Sabi na, eh. Napapaisip na lang tuloy ako. Kung hindi niya ako papayagan, ibig sabihin pa noon ay dito na ako mag-aaral? Nakakahiyang tanungin iyon sa kaniya, baka nagmukha akong assuming niyan.

"Hey, say something." Nag-aalala nitong tanong sa akin.

"Anong gagawin natin ngayon?" Wala sa wisyong tanong ko rito.

Hindi ko naman kasi alam kung ano ang gagawin. This is our first day na mag girlfriend at boyfriend tapos ganito agad ang pro-problemahin namin? Tadhana nga naman, oh.

"You stay here." Desidido niyang sabi.

"H-huh?" Nagtataka kong tanong. Anong ibig niyang sabihan?

"No buts." Hindi naman ako umangal, ah. Bahala na nga.

Unang problema pa lang namin 'to, at mukhang madami pa ang susunod. Mapait kasi ata ang nakain ni tadhana at kahit first day pa lang namin 'to ay may iisipin na agad kami, pero kahit ganoon kakayanin pa rin naman 'to. Bahala na si batman.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now