CHAPTER 89- Long Night

3K 92 0
                                    

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang harangan ako ni Janine, napa-arko naman ang kilay ko.

"Oh, ano? success ba?" Tawang  tawang sabi niya habang ako inis na inis ang mukha.

"Hindi na talaga ako makikinig sa 'yo." Sabay pasok ko na sa kwarto ko, rinig ko naman ang malakas niyang pagtawa.

"Sabi ko nga, hindi na." Sabay tawa niya ulit. Umiling iling na lang ako habang patuloy pa rin ang pagpili ng susuotin ko.

Nang matapos ako sa pagpili ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo dahil subrang excited ko talaga at dahil na rin sa cellphone kong tunog ng tunog, tanda ng paulit ulit na text sa akin ng mga bakla.

FROM: BAKLA

WHERE NA U??

FROM: BAKLA

GAGI, TAGAL MO!

FROM: BAKLA

TULOY PA BA THIS????

FROM: BAKLA

GUTOM NA DAW SI BABOY GERKEY,,,

FROM: BAKLA

NANI, WHERE NA U??

Napailing na lang ako sa nabasa ko.

TO: BAKLA

PAPUNTA NA SI ME , WAIT NIYO NA LANG AKO. PINILIT KO PA SI SY, KUNG ALAM NIYO LANG.

Lahat ng kailangan ay mabilis kong nailagay sa maliit kong bag na dala. Kasama na doon ang pera dahil alam kung kukulangin ang mga bakla.

Lumipas ang 30 minuto ay nakarating na ako sa mall na gusto ng mga bakla. Pinahatid pa ako ni Sy sa extra driver nila kaya mabilis lang akong nakarating dito.

"Jusko, naman Eleng, chix ka? chix ka?" Bulyaw agad ng mga bakla na ikinatawa ko lang. Kanina pa talaga sila naghihintay dito dahil sa mga itsura nilang binagsakan ng langit at lupa.

"Hehehe, sorry naman, pinilit ko pa kasi si Sy." Ngumiti ako sa kanila pero sabay sabay lang nila akong inirapan.

"'Yong jowa mo?" Kuryusong tanong ni Aybel, tumango lang ako.

"Omg! jowa mo talaga siya? gosh, nag research ako tungkol sa kaniya at taena ang yaman! all in one package na siya, beh. Ang gwapo mayaman, lahat lahat na perfect, binili ko pa 'yong magazine dahil siya 'yong cover doon." Mataas taas na daldal ni Aybel na tinanguan ko na lang.

"Opo, yes po." Nagulat na lang ako nang sabay sabay nilang hilahin ang buhok ko.

"What the—" Malakas na sighal ko.

"Ang swerte mo Eleng!"

"How to be you po?"

"Kunting harot lang po at dapat maganda rin." Sunod sunod na sabi nila.

"Akala ko ba gutom na kayo? tara, kain na tayo." Pinili ko ng lihisin ang topic namin dahil para silang tanga kapag inumpisahan kong sagutin ang mga tanong nila. Titili at titili na naman 'yan, magmumukha kaming baliw sa maraming taong nakatingin sa amin ngayon.

Naglakad lakad na kami ngayon at gaya ng dati turo dito turo doon pa rin ang mga bakla. Tumatawa na lang ako kapag nagkakasagutan sina Aybel at Jesh na mali mali naman ang mga sagot o lumiliko 'yong point ng sagot.

"You know Ele ang gwapo ng bebe mo, pa share naman, oh?" Naghagalpakan kami ng tawa sa malanding sabi ni Jesh.

"Sige ba." Kung alam lang nila.

"Gurl sige raw, gora na this!" Nagtawanan ulit kami.

"Eleng, pa'no kayo nagkakilala?" Nagtatakang tanong nila, napangiti na lang ako nang maalala 'yong una naming pagkikita.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now