"Hoy, anong ginagawa niyo rito?" Nagulat na lang ako nang hilahin nila ang buhok ko.
"Eleng, bigtime na bigtime, ah. Private school? wow!" Nilibot nila ang paningin nila sa buong school at nakakangangang binalik sa.akin ang tingin.
"Taena Eleng, paano ka nakapasok dito?" Sabay pasada ulit nila ng tingin sa buong school.
"Syempre, dumaan sa gate." Pilosopong sabi ko.
"Ay, oo nga naman." Inosenteng sabi ni Aybel. Ay bobita.
"Gaga ka." Binatokan nila si Aybel dahil do'n. Natawa na lang ako sa kanila.
"Ba't ba kayo nandito, huh?" Nakapamewang na sabi ko. Ngumisi ngisi lang sila sa akin.
"Arat, labas tayo Eleng."
"Saan naman?"
"Mall, ta's libre mo." Napangiwi naman ako sa sinabi nila. Ayon, kaya pala ako pinunta rito kasi magpapalibre lang pala. Jusko talaga, hindi na nagbago.
"O sige, dahil matagal na tayong hindi nagkita libre ko na lang pero sa susunod libre niyo na, okay? deal." Nakangising sabi ko, ngumiwi naman sila.
"Sige, deal." Pilit na ngiting sabi nila.
"Wala nang susunod kaya 'wag na kayong mag-alala." Bulong bulong nila.
Hay naku naman talaga, oh.
"Ay, gusto ko 'yan."
"Eleng doon tayo."
"Omg! mayroon pala 'yan dito?"
"Gaga ka, pabili ako no'n Eleng."
"Tae, bakla may pogi."
"Tanungin mo kung magkano."
"Tanga, sabihin mo lang pst 150!"
"Taga manila 'yan, ulol."
"Mga gaga kayo!" Napaface palm na lang ako sa kakulitan nilang tatlo, hindi pa rin talaga sila nagbabago, ako pa rin lahat ang gagawa at bibili.
"Ganda no'ng bag,"
"Aanuhin mo bakla?"
"Syempre gagamitin, boba!"
"Tatanong lang, eh."
"Tumigil na nga kayo, kain na lang tayo."
"Baboy allert!" Napatigil na lang ako sa pagkinig sa usapan nila nang tumunong 'yong cellphone ko.
FROM: SYMON
Where are you, baby?
FROM: SYMON
Are you coming home late?
FROM: SYMON
Send me the location, susunduin kita.
TO: SYMON
Nasa mall ako Sy with my friends.
Walang minuto o ni segundo ay nakareply agad ito.
FROM: SYMON
The gays?
Natawa na lang ako sa sinabi niya.
Kailangan ba talagang sabihin na bakla?TO: SYMON
Yes Sy with the gays.
Nakangiti kong itinago ang cellphone ko nang paparating na ang mga bakla kasama ang mga pinamili nila. Napailing na lang ulit ako nang ang rami nilang dala. May pera pa naman ako kaya oks lang.
"Oh, Eleng ba't pangiti-ngiti ka riyan, huh?" Nawala agad ang ngiti ko sa kanila.
"Ka-chat baby niyan."
"Pusta, oh?" Ngumiwi na lang ako.
"Bakit ba? bawal ba ngumiti ngayon, huh?" Taas kilay na tanong ko.
"Ay gaga ka ,sabihin mo nga may shota ka na, no?" Taas kilay na tanong niya. Napairap naman ako sa kanila.
"Police ka beh? police, huh?" Pangbabara ko sa kanila.
"Soon!" Natawa na lang ako nang batukan ni Jesh si Aybel.
"Soon ka riyan, baka 'yong shota mo 'yong police."
"Gaga, both!" Sabay kaming napatawa ni Gerkey sa kabobohan nilang dalawa.
"Arat kain? gutom na si me." Sabay napalingon si Jesh at Aybel kay Gerkey na palaging gutom.
"Baboy allert! pero sige, arat na rin gutom na rin kasi si me." Tumango na lang ako at sumabay na sa paglalakad nila.
"Saan ba tayo?" Sabay linga linga sa paligid.
"Ewan, si Gerkey lang ang familiar sa mga food sa mall, eh." Napangiwi naman si Gerkey dahil do'n.
"Porke mahilig sa food ako agad? pero doon oh sa kaliwa may masarap diyan." Napaface palm naman kaming tatlo. Sabi mo, eh.
"Hindi raw, sige maniwala na lang kami." Mahinang bulong ko sa kanila.
"Eleng, pahiram phone," Tinaasan ko siya ng kilay.
"Para saan?" Taas kilay na sabi ko.
Buti na lang chinange ko na ang lock screen ko para hindi na sila magtanong tungkol kay Sy. Baka hindi nila ako bitawan 'pag nalaman nila ang tungkol kay Sy. At paniguradong lalandiin lang nila ang baby ko.
Papayag ba ako do'n? of course not, a big no!"May it-text lang ako." Binigay ko na lang kaagad ang phone ko para matapos na.
"Saan na rito 'yong sinabi mo?siguraduhin mong masarap, huh?"
"Ayon, oh." Sinundan ko 'yong tinuro niya kasi mukha talagang masarap 'yong pagkain dahil may pakagat labi pa siya.
"What the fuck!" Mahinang mura ko
dahil 'yong tinutukoy lang naman niya nila ay si Sy na mayabang na papunta na sa gawi ko."Masarap nga." Mahinang bulong ko— ay gaga!
"Omg gurl! papalapit siya sa akin. Ang ganda ko talaga!" May pahawi effect pa siya sa buhok niya, napa-face palm naman ako.
"Gaga, sa akin." Sabay ayos nang damit niya. Kung alam niyo lang.
Mabilis na sinakop ni Sy ang pagitan namin at humalik sa pisngi ko. Laglag naman ang panga nang mga bakla sa ginawa ni Sy."Hi, baby." Pilit na ngiti lang ang ginawad ko sa kaniya at nahihiyang tumingin sa mga baklang halos hubarin na sa tingin si Sy.
Mga gaga talaga."Ba't pumunta ka pa? uuwi rin naman kaagad ako." Problemadong saad ko, ngumiwi lang siya.
"I told you, susunduin kita baka saan ka pa mapunta." Napairap na lang ako sa dahilan niya.
"Mga bakla, si Symon," Pilit na ngitimg sabi ko sa mga baklang ang lagkit na nang tingin sa boyfriend ko.
Naku naman talaga, oh.
"Omg! ang guwapo!"
"Ka anu-ano mo Eleng?"
"Kuya?"
"Boss?" Ano raw?
"PORTIA?" Napalingon ako sa likod ko nang may tumawag sa pangalan ko. Napakunot naman ang noo ni Sy na hinahanap din kung saan nagmula yon.
"Hey, nice to see you again." Lumipad ang kamay ko sa bibig ko nang makilala ko kung sino 'yon.
What the— Ba't siya nandito?Napakamalas mo talaga Portia!
YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...