CHAPTER 40- Strong Side

4.3K 128 1
                                    

"Anong pinag-usapan niyo ni kuya, huh?" Panunukso na naman sa 'kin ni Janine nang makarating ako sa tapat niya.

"Wala." Sabay iwas ko nang tingin sa kaniya.

Nakakahiya ang ginawa ko kanina no, pero proud rin ako dahil gano'n pala kalakas ang apekto ko kay Sy.

"We? sinungaling! 'yong mukha niya parang galit, umiigting ang panga, hulaan ko, huh? nagse-selos no?" Mapanghusgang sabi nito, kaagad na nag-init ang mukha ko sa hiya.

"Ay sus! nahiya pa, suwerte mo nga at nagseselos 'yang si kuya sa 'yo kaysa naman kasi sa cold na si Azi, kaya ice man tawag ko doon, eh." Nagtatampong sabi nito— ay mali, nagsusumbong pala siya.

"Oh? bakit daw?" Chismosa na kung chismosa, tutal siya rin naman ang nauna.

"Noong nakaraan kasi pumunta ako sa resort nila, syempre siya una kong pupuntahan pero ayon, kasamaang palad nakabangga ako nang lalaki, tapos inakusahan niya akong nilalandi ko raw 'yon kahit na sinabi ko na sa kaniyang siya ang mahal." Bigla naman akong napangisi, Ice man ba talaga, huh?

"Nagseselos din 'yon, no." Umawang ang labi niya.

"We? bakit niya ako inakusahan kung nagseselos nga siya?"

"Way niya kasi 'yon para 'di halata." Mula sa nagtatakang mukha ay mabilis iyong napalitan nang nakangising mukha at tila may naiisip na kalukuhan.

"Ganoon? sige, next time ako na mismo ang babangga sa lalaki." Ay baliw!

"Sarap mong batukan, no?" Dinilaan niya lang ako. Baliw talaga 'to.

"Ay nga pala, night party tayo, ah? bukas kasi work na naman kayo, eh." Napa-isip naman agad ako doon.

Night party? So sa club o bar kami pupunta?

"Okay, game ako riyan." Nakangiti kong sagot.

"Symon, can I sleep hare until I get some hotel." Kaagad na natinag ang tainga ko sa narinig. Sa wakas, aalis ang malandi.

"Delikado." Malamig na sabi ni Sy, bigla namang napangiti nang palihim si Pershen pero kitang kita ko naman rito. Argh! namumuro ka na talaga sa aking malandi ka.

"Talaga? so ibig wabihin dito lang muna ako?" Inosente niyang tanong pero halata namang nagpipigil sa katuwaan, gusto pa atang tumalon talon sa tuwa, eh.

"Yeah, hanggang sa kunin ka nina tita." Ngumisi lang ang malandi. Kaini!

"Oh, sure." Napairap na lang ako sa kalandian.

"Grabe, ang landi." Pagpaparinig ko rito nang umalis na si Sy para siguro sa pagkain.

"Sorry sa mga naiingit sa tabi tabi." Pa rinig din dito, nawindang naman ang tainga ko.

Ganon pala, ah? tignan lang natin.

"Alam mo kasi Pershen, ang kagandahan ko hindi naiingit, baka ikaw?"

"The hell?!" Hell you, too.

"Hindi nga, pero sa kalandian din mayroon, so stop flirting with my boyfriend."

"I'm not flirting, nasasabi mo lang 'yon kasi 'tong ganda ko hindi na kailangan nang flirt, eh ikaw? kailangan pa hindi ba?" Natatawa kong sabi rito, kumuyom lang ang kamay nito.

"You are so confident, nasubraan ka na, huh? nasan kaba noong nagpa-ulan nang confidence?" Nasaan?

"Ah, natutulog. Alam mo kasi hindi ko na kailangan niyan dahil proud ako, alam mo kung anong pinagmamalaki ko?" I smirked.

"I'm proud because Symon likes me— no, Symon loves me, and you? kawawa."

"Tks, talaga lang, huh? You know hindi kayo bagay, maganda ka nga kaso mahirap ka naman, mahirap pa sa daga—" kaagad ko siyang pinutol pa sa sasabihin niya.

"I'm proud of that, mabuti nga 'yon eh maganda pero mahirap, eh ikaw? mayaman pero pangit." tinawanan ko siya, "plus... malandi. Gusto mo pa bang dagdagan ko?" Nakita kong dumilim na 'yong mata niya sa subrang pagka-asar.

"Wow, ang ganda naman nang swimsuit mo Pershen.." Nakangiting pagkomento ko, tinutukoy ko ang top niyang suot.

"Oh... thanks, ang ganda no?mamahalin 'to." Oh? Tinanong ko ba?

"Ow, talaga? kaya naman pala bagay na bagay sa 'yo."

"Oh thank—"

"'Wag ka munang magpa-salamat, hindi pa ako tapos.." umawang lang ang labi niya, "bagay na bagay, look at the name... landi mo." Namula naman siya sa pagkainis. Originally, the name of the brand is Landiemios.

"How dare you... you ugly bitch!" Napairap ako sa sinabi niya.

"C'mon Pershen, don't insult yourself." Mas lalo namang namula ang mukha niya.

"Ano ngayon, Janine?" Malakas kong sigaw kay Janjne, tinutukoy ko 'yong ginawa niya kahapon.

"Serves you right, bitch. " Sabay naming sabi ni janine, sabay tawa pa rito.

"I hate you all!" Inis na inis niyang singhal sa amin.

"I hate you too, in a billion times." Naka-ngising sabi ko. Ayon, nag-walk out.

Good job self. You did a very good job

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now