"Nakaka-inis na 'yang Pershen na 'yan, ang landi landi naku kapag hindi ako nakapag-pigil hihiram talaga siya ng mukha sa aso, kainis 'yan!" Kanina pa dabog nang dabog si Janine sa tabi ko, as in kanina pa talaga.
"Ano ka ba? may sakit, eh kaya hayaan mo na." Umirap lang siya sa akin.
"Tks, 'yong sakit niya nasa tiyan hindi sa kamay, kaya niya nama kasing subuan ang sarili niya, subrang landi lang kasi, eh." Ako na lang ang napa-irap din sa sarili, kanina ko pa kasi pinagtatanggol si Pershen kay Janine kahit na tama naman si Janine. Napaka landi ni Pershen, nagpapa-subo kasi siya kay Symon,
si Symon naman aba pumayag din.Nakakainis?
Sabay pa kaming napabuntong hininga ni Janine.
"Kanina ka pa, ah. Ano? tutunganga ka na lang ba riyan? naku, gumawa ka nang paraan, uy." Tama siya, dapat nga'y gumawa ako ng paraan pero sa isang banda ay naaawa rin ako sa kaniya dahil kasalan din namam namin kung bakit siya naghintay kaya hindi naka-kain sa tamang oras.
Sa susunod talaga umaga kami mag da-date— argh! ano ba 'yang iniisip ko? kainis naman, oh. Mag da-date kami ulit? sure, why not?
"Hoy, anong iniisip mo? bakit namumula 'yang pisngi mo?" Dali dali kong hinawakan ang magkabila kong pisngi at iniwas ang tingin ko kay Janine. Nakakahiya! Hindi ko namalayang namumula na pala ako sa naiisip ko, gosh!
"W-wala, nagugutum lang ako." Bigla siyang ngumisi sa sinabi ko na parang may naiisip na kalakuhan. Parang alam ko na ang gagawin niya.
"Teka lang, huh?" Kaagad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.
"'Wag mong gagawin..." Umirap siya roon.
"Naku Ele napaka-hina mo talaga, you know kuya's weakness is you kaya madali lang ito, easy peasy." Natatawa niyang sabi. Hinigpitan ko pa ang hawak ngunit nakawala siya kaya napa-face palm na lang ako at hinayaan na lang din siya sa kalukuhan niya.
Tumayo ako at naglakad na paalis, gusto ko munang kumain. Nakakagutum pa lang maghintay.
Humanda ka sa aking higad ka. Tignan natin kung sino ang uunahin ni kuya. 'Yong subrang ganda at mabait na si Ele O 'yong higad na subrang kati.
Kaagad akong naglakad patungo sa loob ng kuwarto nang malandi.
"Kuya!" Maligaya kong sabi, mabuti na lamang at magaling akong umarte, kahit naiinis ako kay higad ay kailangang mag timpi for the sake of beautiful Ele!
Tumaas lang ang kilay ni kuya at tinigil na ang pag-susubo nang pagkain kay malandi, kaya napa-ngisi ako samantalang naging busangot naman ang mukha ni higad, ayaw niya sa pagtigil nito. Naku, landi mo talaga teh, ikaw na ang best malandi award.
"What are you doing here?" Ngumisi ulit ako.
"Alam mo ba kuya naiinis na sa 'yo si Ele, inuna mo ba naman ang higad kaysa sa taong mahal, naku maiinis ka talaga no, tapos gutom pa 'yon. Nag date kayo pero hindi mo manlang pinakain—"
"Where is she?" Umigting pa ang panga niya habang tinatanong iyon.
That's it kuya, ganiyan nga.
"Siguro nandon na kay kuya Xan, I don't know." Inosente kong sabi. Kailangan magpanggap girl. Natawa ako ng mahina noong busangot na busangot na ang mukha noong higad.
"Bakit kuya? pupuntahan mo, naku kung ako sa 'yo now na kaagad—" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang tumayo na siya.
"Hindi pa ako tapos kumain, Sy.." Paawa effect pa 'yong malandi, tadyakan kita jan, eh kainis 'to!
"Janine can help you." Maligaya ako ngumiti.
"Sure, no problem." Naka-ngisi kong sagot kahit gusto gusto ko nang sumuka.
"But I don't like her—"
"I don't like you too, putcha!" Pagpuputol ko sa sinabi niya, ayon namula sa kahihiyan. Hindi ko na tuloy namalayan na umalis na pala si kuya.
"Kawawang higad iniwan..." Pagdra-drama ko pa.
"At—" May sasabihin sana siya kaso sinubo ko 'yong natitirang pagkain diretso sa bibig niya.
"'Wag na 'wag mong kakalimutan na kapatid ako nang nilalandi mo, don't you dare slutty bitch." Mahinang bulong ko rito.
"Serves you right, bitch." Nakangising pang-aasar ko sabay kaway at umalis na ako.
Naglakad lang ako pababa hanggang sa marating ko ang canteen ng ospital. Natuwa ako nang may mga bumabati sa aking mga pasyente, bumabati rin ako pabalik at sabay ngiti. May mga lalaki ngang bumati rin nginingitian ko lang, nagulat nga ako nang namula ang mukha nito pagkatapos ko siyang ngitian.
Eh? Among problema nila?
Kaagad akong humanap nang mauupuan pagkatapos kong bumili ng pagkain. Nang naka-hanap ako ay kaagad akong umupo roon. Kinakabahan ako sa naiisip na kalukuhan ni Janine, siguradong ginamit na naman ako no'n
Napangiti na lang din ako sa kakulitan ni Janine, noon pa man talaga ganoon na siya.
Una, noong mag ga-garden siya, pinayagan siya dahil sa 'kin. Hindi ako nag-aasume, ah pero talagang ginamit ako ni Janine noon.
Sarap bumalik sa dati no?
"Portia... can we talk?" Biglang bumilis ang tibok nang puso ko sa malambing at nagsusumamong boses niya.
YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romansa[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...