CHAPTER 86- Drunk Symon

2.9K 85 2
                                    

"Symon, stand up! uuwi na tayo." Pinilit kong itayo ito pero sadyang mabigat siya.

"Whysh sho sexy babyhs?" Nagulat na lang ako nang hapitin niya ako paupo sa hita niya sabay subsob sa dibdib ko. Ito na ata 'yong stage 1.

"Mhhh, ang lakish." Nanlaki ang mata ko sa gulat.

Tigilan niyo 'ko sasapakin ko 'to talaga 'to. Jusko.

Kung hindi lang siya lasing, iisipin ko nang tsansing siya.

"Ang bangosh ng babysh kwo." Mas lalo niya lang sinubsob ang ulo niya sa dibdib ko, hinawi ko ang mukha niya doon pero mabilis niyang sinubsob ulit.

Argh kainis.

"Ang putish tash ang kinish." Lasing niyang sabi. Napa-face palm na lang ako, sigurado akong namumula na ako ngayon.

"Mhhh, sharap." Hinawakan niya ang hita ko kaya nasampal ko kaagad siya, gulat naman siyang napatingin saakin

"Baby, ba't mo namash ako shinampal, bad kash." Napahawak siya sa pisngi niyang namumula ngayon habang nagpapacute sa harapan ko.

"Dapat lang sa 'yo 'yan. Kingina, landi mo." Pinilit ko siya ipatayo at this time natayo ko na siya. Pikit mata lang siyang nakatayo habang pilit na isubsob ulit ang mukha niya sa dibdib ko pero pinilit ko iyong ihawi.

"Sy, let's go. Sa hotel tayo matutulog ngayon."

"'Wag po, 'wag po, bata pa po ako!" Nagpanggap siyang parang batang irarape.

Inay ko po, kung hindi lang sana gan'to 'yong sitwasyon tinawanan ko na siya sabay video nang mga ginagawa niya.

"Bata ka riyan." Irap ko at hinila na siya papalabas sa kuwarto.

"Oh, where are you going, guys?" Gulat na sabi ni Azi na nasa hallway lang pala nitong itaas na banda ng bar kung saan ang kwartong pinasukan namin kanina.

"Sa hotel ko muna siya patutulugin." Pilit na ngiting sabi ko kahit hirap na hirap na talaga ako sa mga oras na 'to.

"Help Z, she will rape me." Oh god. Napasampal ako sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Lasing nga ang putcha.

Natawa nalang din sa amin si Azi.

"Masakit talaga siya sa ulo kaya habaan mo ang pasensya mo sa kaniya." Tumango na lang ako at nahihiyang humingi ng tawad sa mga gwapong nilalang na nasa likod ni Azi, ngumiti lang sila sa akin.

"Oh, tungkol sa mga lalaking 'yan," sabay turo sa likod niya, "sa susunod na lang siguro kita ipapakilala kapag hindi na lasing 'yan." Tawa tawang sabi niya bahang nakaturo kay Sy. Pilit na ngisi ang binigay ko at tumango na lamang.

"Salamat ulit." Tumango lang sila.

"Naku, mga kabataan talaga imbis na matulog ng maaga ayon gusto pang magpakasarap." 'Yan agad ang bungad sa amin pagkapasok ko nang elevator, napayuko tuloy ako sa kahihiyan.

"Pabayaan mo na Emilda, hanggat bata pa sila hala sige pakasarap." Inayos ko ng tayo si Sy pero talagang ang landi niya kaya sinusobsob niya talaga ang ulo nito sa dibdib ko.

"Umayos ka Sy." Mahinang bulong ko dahil nakakahiya na talaga.

Umabot ng ilang minuto at nakarating na kami sa palapag kung saan ang kuwarto namin.

"Sy, let's go." Sabay hila ko dito paalis sa elevetor at dahil lasing siya nahila ko kaagad siya.

Napabuntong hininga na lang ako nang tuluyan na naming mapasok ang kuwarto. Binitawan ko kaagad si Sy, sumalampak naman siya agad sa sofa.

"Diyan ka lang, kukuha lang ako ng maiinom mo." Tinalikuran ko na siya pero hinila niya ako pabalik.

"Dito ka lang," sabay yakap niya sa bewang ko. I sigh.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now