CHAPTER 56- Boyfriend

3.6K 89 2
                                    

"Sy, sa susunod na lang kaya tayo?" Eh kasi naman 'tong si Symon, eh gusto kaagad ngayon na. Magpapadala kasi sana kami ngayon, at dahil matigas ang ulo niya kaniyang pera ang ipapadala.

"No, ngayon na. May pa lakad tayo bukas." Natigilan naman naman ako doon, at napakunot ang noo. May lakad? eh wala naman siyang sinabi, ah.

"H-huh? may sinabi ka ba? wala naman tayong lakad, ah." Nakita kong napangiwi siya sa sinabi ko.

"Mayroon. May date tayo, nalimutan mo." Eh? Ano raw?

"Sy, may trabaho ka bukas at saka malapit na ang school ko." Tinaasan ko pa siya nang kilay.

"Kaya nga mag le-leave muna ako sa trabaho bukas at tungkol sa school mo malapit na hindi ba? kaya kailangan na talaga nating mag bonding, and date will do." Inirapan ko siya sa palusot nito.

"Para namang hindi na tayo magkikita sa bahay." Masungit kong sabi, natawa lang siya.

"Ayaw kong sa bahay lang, okay? marami kasing asungot, example my brat little sister." Natawa din ako. Tama naman siya roon.

"Correct, but Janine is not a brat."

"She is." Sabay yakap nito sa aking bewang.

"Ah basta, ngayon na tayo magpadala para mag da-date din tayo pagkatapos." Ngumiwi ulit ako at tumango na lamang para matapos na. Kukulitin lang ako nito pag aayaw ako.

"Okay, okay." Suko na talaga ako, ang lambing naman kasi. Kung may boyfriend kayong ganito ka lambing hindi niyo talaga ma hihindian, eh.

"Saan kayo pupunta?" Nagulat na lang kami nang sumulpot si Janine sa kung saan. Tama nga si Sy, asungot talaga itong si Janine.

"May date kayo no? sama ako hehehe." Natutuwang sabi ni Janine. Napatingin naman ako kay Symon at ganoon din pala siya, nakatingin din sa akin.

"No." Sabay naming sabi, at sabay din kaming natawa, samatalang napa-pout naman si Janine, nagpapacute pa talaga.

"Ang damot niyo, ah hindi na nga ako sinama ni Z, hindi niyo rin ako issama. Bahala kayo, pagsisisihan niyo 'yan." Sabay walk out pa nito.

Tinignan ulit ako ni Sy.

"Hinding hindi ako magsisisi." Nakangising sabi nito sa akin, napangisi na lang din ako.

Inalalayan ako ni Sy sumakay sa kotse. Gentleman na naman kasi ang peg niya. Saka siya umikot at pinaandar nang mabilis ang kotse.

Nagulat na lang ako nang ilagay niya ang kamay niya sa hita ko, "Isa Sy, alisin mo 'yan o babatukan kita?" Nakz naging manyak na simula noong sinagot ko.

"Tsk... naglalambing lang naman, eh." Umirap ako.

"'Wag ako, lambing ba tawag riyan? tsansing ka lang, eh." Tumawa naman siya.

"Hindi talaga, promise." Sabay tingin sa akin at ngumisi.

"Tingin sa kalsada, hindi sa hita." Tumawa ulit siya. Sheteng lalaki 'to.

"Oh right, oh right." Natatawa niyang sabi.

"Diyan na lang, Sy." Sabay turo sa ATM cart, tumango na lamang siya.

"Ako na ang pipila."Nakangiti kong sabi, bumusangot agad ang mukha nito tanda na ayaw niyang ako ang pumila. Binigyan ko kaagad siya nang 'ako na' look.

"Okay.. okay boss."

Pumunta na ako sa pila at pumila na. Naiwan naman siya sa tapat ng kotse at lihim ko siyang tinignan mula rito at napangiti na lang ako dahil sa subrang gwapo niya. Para siyang model.

"Look, girls.. ang guwapo talaga ni Axel."

"Yeah, yeah."

Tignan mo nga naman, oh pati pala rito famous si Sy.  Grabe, bilib na ako sa kaguwapohang taglay niya.

Imbis na mainis ako sa mga babae mas lalo lang akong ngumiti. Puwede ko namang siyang ipagdamot pero alam ko kasing ako lang ang maganda sa mata ni Sy and I'm proud of that.

"Excuse me, ma'am?" Napatingin ako sa guard nang magsalita ito.

"Yes?" Nakangiti kong sabi. Good mood ako ngayon, eh.

"'Yong panyo niyo kasi nahulog kanina." Napatango naman ako.  Inilahad niya sa akin ang nahulog na panyo.

"Salamat po dito." Sabay ngiti ko. Nagulat na lang ako nang may humigit sa akin galing sa likod at nilayo sa guard.

"You know that your smile is not for sale and it's not for everyone, right?" Bulong nito sa akin. It's Symon. Hindi ko ata kayang pigilan pa ang pagkatuwa dahil nagseselos na naman po ang boyfriend ko.

"Thank you, manong guard." Diniin ko ang 'manong guard' upang hindi na siya magselos pa. Ipagpapalit ko ba naman ang subrang guwapong boyfriend ko kay manong? Nah, of course not.

A/N:
Kawawang manong guard, gusto lang naman magbalik nang panyo pinagselosan pa.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now