CHAPTER 48- Yes

3.8K 110 0
                                    

"Sy, mali ang pagkaintindi mo. Please? let me explain..." Mahinang pagmamaka-awa ko habang sinusundan pa rin siya.

Mabilis kaming nakarating sa kuwarto niya kaya pumasok na rin ako. Pumasok siya sa banyo kaya mas lalo akong na frustrate.

Ano bang gagawin ko sa kaniya? Ang seloso naman kasi tapos hindi niya pa ako hinayaang mag explain man lang.

"Oy, Sy! buksan mo naman 'to oh." Pinilit kong buksan pero hindi talaga, pero hindi pa rin ako tumigil, katok lang ako ng katok sa pinto, nagbabakasaling buksan niya na.

"Subukan mo pang buksan 'yan malalaman mo na kung anong magandang posisyon." Umawang ang labi ko sa gulat dahil sinabi niya. Mapanghamon ang boses niya kaya mas lalo akong natakot, baka totohanin niya kasi.

Gosh, 'di pa ako ready.

"Sy naman, please? let's talk." Lumayo na ako sa pinto baka talagang totohanin pa no.

"Mag-usap kayo noong boyfriend mo." Parang batang nagdadabog dahil hindi naibigay ang gusto niyang singhal sa akin. Gusto kong matawa sa tuno niya pero 'wag na lang at baka mas lalong magalit, eh.

"Eh.. wala naman akong boyfriend, kung mayroon man ikaw 'yon." Lumipas ang minuto nang hindi siya nagsalita. Kinikilig pa ata 'to hahaha galing ko talaga!

"Baby, please? open the door." Nagulat na lang ako nang bumukas iyon. Naka-pout siya at parang batang inagawan ng candy, na nagpapacute.

Ang cute talaga ng isang 'to. Pinilit kong itago ang pag-ngisi ko, baka kasi sabihin niyang hindi ako seryuso sa sinabi kom

"Baby, bati na tayo?" Sabay pa cute ko pa. Tignan natin kung hindi pa 'yan tumalab.

"Tks! Hindi mo ako madadala sa ganiyan." Masungit niyang sabi na mas lalong ikinangisi ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagngisi dahil sa subrang cute nito ngayon. Para kasi talaga siyang batang nagtatampo, eh.

"Let see then." Nanghahamong sabi ko.

Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon sa kama kaya dahan dahan ako lumapit sa kaniya na ikinalunok niya.

Hindi nga ba talaga, Sy? Bakit parang umaatras na 'yang buntot mo?

"My baby is scared now, huh?" Mapanghamong sabi ko habang ginaya ang palagi nitong sinasabi sa akin kapag ako naman ang takot. Natawa na lang ako nang mahina ng pilitin niya ang sarili niyang hindi ako tignan.

Kung kaya niya nga.

Umupo ako sa kandungan nito gaya nang nakita ko kina Janine at Azrael kanina, "You know what? Janine told me that this position is great. Wanna try?" Nakangisi kong sabi. Mas lalo lang siyang napalunok at parang tuta na natakot na takot sa mas malaking aso.

"Tsk! Stop it Portia, hindi mo ako madadala sa ganiyan." Hindi na ako nagulat nang tumayo siya.

Hindi raw pero parang nabitin, eh. Kahit anong pilit mong pangtangi Sy, alam mo namang na sa akin pa rin ang huling halakhak.

"Bakit nandito ka pa? Leave, and go to your boyfriend." Masungit niya pa ring sabi. May regla ata to, eh.

"Wala nga kasi akong boyfriend sabi." Nakangisi kong sabi, inaasar siya.

"Oh? sino pala 'yong sinabihan mong I love you. I heard you called his name." mariin nitong sabi habang nakatingin sa mga mata ko, "It's Simon, am I right?" Alam kong galit siya at naiinis habang sinasabi iyon dahil umiigting kasi ang panga niya.

"No, you're wrong. it's Symon, baby." Nakit ko kung paano nagbago ang galit na mata nito hanggang sa pagtataka. Dahan dahan ko siyang nilapitan at dahil tulala ito ay parang lumakas ang loob kong halikan siya.

Inaamin ko, naging malandi na rin ako, nahawa ata ako kay Sy.

"W-what?" Tulala pa rin nitong sabi na para bang iniisip kung anong nangyari.

"What I mean is... boyfriend na kita." Nakangisi kong sabi na mas lalong kinatulala nito. Mayamaya ay nagulat na lang ako nang tumili siya sa saya.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now